KABANATA 5

2648 Words
Elora's POV Taimtim akong nagdarasal ngayon na sana mawala na itong nararamdaman ko para kay kuya Arzhel. Gusto ko na lamang mawala ito kesa magdusa ako sa araw araw na kasama ko ito at nakikita ko silang dalawa ni ate Almira. Ang totoo masaya talaga ako para sa kanilang dalawa, masaya ako para sa ate ko dahil deserve niya din ng taong magmamahal sa kanya ng totoo at makakasama niya habang buhay. At si kuya Arzhel ang lalaking iyon. At kung hindi ako aalis sa poder nila ay ako ang magdudusa, siguro ito na yung tamang panahon na isipin ko din ang sarili ko. Dahil matagal din na panahon akong nag tiis at magpigil sa pagmamahal ko para sa kanya. Matagumpay na natapos ang kasal nila ate Almira at kuya Arzhel. At dapat ako ang unang tao na maging masaya para sa kanila. Masaya naman talaga ako, pero hindi ko maiwasang mawasak ang puso ko ng paulit ulit. My world shattered, ang isipin na wala na talagang kahit katiting na pag asa ang pagmamahal ko para kay kuya Arzhel ay isang patalim na tumarak ngayon sa puso ko. Brother in- law ko na siya ngayon, wala nang rason para ipagpatuloy ko pa ang pagmamahal ko para sa kanya. Sobrang sakit pero kailangan kong tanggapin. “Hi..” Napatingala ako sa lalaking nasa harap ko ngayon. Andito pa kami sa reception area dahil hindi pa tapos ang celebration nila ate. At ito ako sa isang tabi umiinom. Ito lang ang paraan para naman maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero wala naman akong plano na magpakalasing. “Elora, right?” Umupo ang lalaki sa katabing upuan ko. Napatitig ako dito, gwapo ito. Namumukhaan ko din pero hindi ko matandaan. “Oh, kaibigan ako ni Arzhel.. nakalimutan mo na ba ako?” Ngumiti ito ng matamis sa akin, at doon ko lang na alala. Nakita ko na ito sa opisina ni kuya Arzhel noong una kong nakita si kuya Arzhel. Naghatid ako ng lunch nito dahil sa paki usap ni ate at para nadin daw makita at makilala ko ang boyfriend niya ng mga panahon na iyon. “Oh..” Tanging nasambit ko na lamang, mukhang ume epekto na ata sa akin ang wine na ininum ko ngayon. Dapat tigilan ko na ang pag inom dahil magiging delikado ako, at baka kung ano pa ang masabi ko sa kahit na sinong nandito ngayon. “I'm Rafael..” Ani sabay lahad nito sa kanyang kamay, napatingin ako sa malaki at maugat niyang kamay. Tipid akong ngumiti at kinuha iyon. Umupo naman siya sa katabi kong upuan, ako lang ang nandito dahil abala silang lahat. Naka pukos ang mga bisita sa newlywed. Nung nakaraang araw lang ay graduation ko, tapos nadin ang celebration namin. “Bakit mag isa ka lang dito? Nagsasaya sila doon dapat kasama ka sa nag eenjoy doon na mga bridesmaid.” Sandali naman akong napalingon sa gitna, abala nga ang mga ito sa program. Palaro para sa mga bridesmaid at groomsmen. “Sinabihan ko na sila ate na hindi ako sasali sa ganyan. At ayaw din ni kuya Arzhel.” Muntik na talaga akong sumali sa kanila dahil sa pamimilit ni ate Almira, pero dahil pumagitna si kuya Arzhel ay di na nga ako tuluyang nakasali. “Napaka o.a naman ng kuya Arzhel mo.” Natatawa nitong saad, bahagya din akong natawa sa sinabi nito. “Mas ok nadin yun dahil wala din naman ako sa mood.” Habang tumatagal na nag uusap kami ni Rafael ay gumagaan na ang pakiramdam ko, palagi itong nagsasabi ng mga joke na natatawa na lamang ako, minsan din ay waley. Sandali ko tuloy nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko kanina. Masaya lang kaming nag uusap ni Rafael hanggang sa may magsalita sa likuran namin. “Elora..” Napalingon naman ako, si kuya Arzhel na nakapamulsa at seryoso ang mukha na nakatitig sa akin kasunod ay sa kaibigan niyang si Rafael. Pero kahit napaka seryoso ng mukha niya ay hindi padin ako maka move on sa itsura niya ngayon, sobrang gwapo. And at the same time ay napakalakas ng s*x appeal nito, sobrang bagay ang suot nitong tuxedo. “Bakit kuya?” Nakangiti kong tanong dito. “Tinatawag ka ng ate Almira mo, uuwi nadaw tayo. Mauna ka nalang muna, kakausapin ko kang sandali si Rafael.” Seryosong saad nito, ni hindi man lang nakangiti. “Sige kuya, Rafael..thank you sa time mo. Masaya ako dahil gumaan ang loob ko.” Hinarap ko si Rafael at matamis na nginitian ito, napakamot naman ito sa kanyang batok at hindi na makatingin sa akin ng maayos. Namumula din ang kanyang mga tenga na ipinagtaka ko. “No worries, Elora. Masaya din ako na makausap ka.” Nakangiting turan nito. Nag excuse na nga ako sa kanilang dalawa, pero naka ilang hakbang pa lamang ako ay di ko mapigilang mapalingon. Nakita ko si kuya Arzhel at Rafael na palabas na ng venue. Madilim ang mukha ni kuya Arzhel habang si Rafael naman ay napapailing na natatawa. Nagtaka naman ako kung anong meron, bakit ganun na lang kadilim ang mukha ni kuya Arzhel? Parang siya pa ata yung hindi maganda ang mood sa aming dalawa. Pero kanina naman masaya ito. Natapos nga ang ang celebration ng kasal nila ate at kuya Arzhel at naka uwi nadin kami ng bahay. Nakapag bihis nadin ako matapos kong makaligo dahil pakiramdam ko na ngangati ang katawan ko dahil sa suot kong gown kanina. Habang nakatitig ako sa kesame ay hindi ko mapigilang ma alala ang nangyari kanina, na curious ako kung anong pinag usapan ni kuya Arzhel at Rafael sa labas. Hindi ko lang kasi ma gets kung bakit ganun ang reaksyon ni kuya Arzhel kanina. Sa totoo lang gusto kong umiyak ngayon, pero naisip ko din na wala namang patutunguhan ang pag iyak ko, dahil kahit ilang balde pa ng luha ko ang maipon ko ngayon ay hindi padin magbabago na hindi ako mamahalin ni kuya Arzhel gaya ng pagmamahal na meron ako para dito. At yun ang katotohanan na parang kutsilyong nakatarak ngayon sa puso ko. Mananatiling nakatarak at paulit ulit na magbibigay ng kirot sa puso ko. Naputol lamang ang pag iisip ko nang marinig ko ang malakas na kalabog mula sa labas. Awtomatiko akong napabangon at mabilis na lumabas ng aking kwarto. Sakto nakita ko ang paglabas ni kuya Arzhel at mabibigat ang mga yabag nito hanggang sa makababa ng hagdan. Kumunot ang noo ko, pero iba na ang pakiramdam ko. Baka nag away ang mga ito. Naglakad ako patungo sa kwarto nila pero lumabas na si ate na mukhang galing sa pag iyak. “Ate Almira, anong nangyari? Nag away ba kayo ni kuya Arzhel?” Agad kong tanong dito. Napailing ito pero halata sa mukha niya na malungkot. Kakasal palang nila pero nag away agad sila? Parang hindi naman tama iyon. “Ate, sabihin mo sa akin. Ano ba ang nangyari?” May pag aalala sa boses ko. Hindi ko gusto na makita ang ate ko na nasasaktan, kaya nga kaya kong isakripsiyo ang pagmamahal ko kay kuya Arzhel, basta maging masaya lang ang ate ko. In the first place, si ate ang unang nakilala ni kuya Arzhel. At siya ang mahal nito kaya hindi ko makakaya na gumawa ng isang maling desisyon na ikakasira ng relasyon ko kay ate. Andito kami sa may terrace ni ate, at isang buntong hininga ang pinakawalan niya. “Nag away lang kami tungkol sa magiging honeymoon naming dalawa.” Kumunot na naman ang noo ko. “Ano bang plano ninyu? Eh dapat nga nasa honeymoon na agad kayo ngayon.” May kung anong tumusok sa puso ko kapag iniisip ko ang mga ito na mag ha- honeymoon. “Ang plano namin ay sa ibang bansa mag honeymoon..” Napangiti naman ako kahit may kirot sa puso ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi pa talaga ako masanay sanay. “That's good ate, ano naman ang problema doon?” “Gusto niya na isama ka namin sa Amsterdam..” Parang kidlat na nawala ang ngiti sa labi ko, nalilito akong napatitig kay ate. “A-ano? Bakit naman ate?” Hindi ko alam ang magiging reaksyon. Pero hindi ko nagugustuhan iyon. “Wala namang problema sa akin na isama ka, bunso. Pero maiintindihan mo naman ako diba? That's going to be our moment as husband and wife..” Agad akong tumango bilang pag sang ayon sa sinabi ni ate, naiintindihan ko siya at wala akong sama ng loob sa ganoong bagay. Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ni ate dahil mukhang naiiyak na naman ito. “Yes ate, naiintindihan kita. Ayaw ko din naman na sumama sa inyu. Hindi tama iyon, pero gusto kong malaman kung bakit ako gustong isama ni kuya Arzhel..” Napabuntong hininga si ate. “Naiintindihan ko naman siya, ayaw ka niyang maiwan dito na mag isa. Nag aalala lang siya sayo, at baka ano pa ang mangyari sayo kung ikaw lang mag isa dito. Isang linggo kami roon sa Amsterdam.” Natigilan naman ako, nag aalala siya na ako lang ang mag isa dito? Eh meron naman akong kasama na mga katulong eh. Umaandar na naman ang pagka over protective nito sa akin. Napabuga ako ng hangin. “No, ate. Hindi ako sasama sa inyu, may mga kasama naman ako dito kaya walang dapat ipag alala. At isa pa hindi na ako bata para bantayan. Kakausapin ko si kuya Arzhel, ate. Wag ka nang umiyak, ok? Sige na magpahinga kana sa kwarto mo. Kakausapin ko si kuya.” Hinaplos ko ang buhok ni ate Almira. Napangiti naman ito at napatango. Minsan may mga moments na ganito na sa aming dalawa ni ate siya ay nagiging bunso sa aming dalawa at ako naman ang nagiging ate. Bumaba na ako ng hagdan at sinilip kung nasa sala ba si kuya Arzhel, pero wala siya. Agad din akong nagtungo sa library pero wala din siya doon. “Nasaan kaya siya?” Sumagi naman sa isip ko ang kwarto niya kung saan may mini bar. Doon kasi ito tumatambay kapag umiinom ng alak. Nang makapasok nga ako ay agad ko itong nakita sa pang isahang sofa. Nakasandal at nakatingala ang ulo nito at nakapikit ang mga mata. Sa gilid naman nito ay may alak at baso. Nakasuot lang din ito ng roba. Natutulog na ba siya? Baka nakatulog na nga ito sa sobrang pagod. Mahina ang mga yabag ko na lumapit sa kanya, hanggang sa mapagmasdan ko na ang gwapong mukha niya. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko at hindi ko maiwasang mapakagat ng ibabang labi. Napaka gwapo niya talaga kahit saang anggulo. Pero bago pa ako mawala sa tamang pag iisip ay agad kong pinilig ang aking ulo. Itinaas ko ang isang kamay ko at marahan na niyugyog ang kanyang balikat. “Kuya Arzhel?” Mahinang pagtawag ko sa pangalan niya. Mabilis itong napamulat, pero kasabay din sa pamimilog ng mga mata ko dahil bigla na lamang niyang hinila ang kamay ko kaya agad akong napa upo sa kandungan niya. Agad na nagwala ang puso ko dahil sa posisyon namin ngayon, ang mukha ko ay malapit lang sa kanyang mukha. Napatitig siya sa akin habang namumungay ang mga mata. Naramdaman ko ang kamay niyang gumapang sa aking likod kaya agad akong nakakaramdam ng panic. “Almira..” Pausal nitong bulong sa akin. Namilog ang mga mata ko nang gumapang ang kamay niya sa aking batok, at dahil agad kong nakuha ang susunod niyang gagawin ay mabilis ang naging galaw ko at agad na lumayo sa kanya. Muntik pa akong mahulog sa upuan dahil sa pangangatog ng aking tuhod. “Kuya Arzhel! Ako ito si Elora..” Nanginginig ang boses na turan ko, napahawak pa ako sa aking dibdib dahil pakiramdam ko ay hindi ako makahinga. Napahilot naman ito sa kanyang sentido at sandaling napapikit. Mukhang lasing na ata ito dahil napagkamalan niya na ako si ate Almira. Ito na naman yung pakiramdam na parang hinihiwa ang puso ko. “I.. I'm sorry..akala ko..” Napatigil ito at napatingala sa akin, hinagod ako nito mula ulo hanggang paa. Nakita ko ang pag iba ng kislap sa mga mata niya. Pero mabilis din itong napa iwas ng tingin sa akin. Ako naman ay nataranta dahil na alala ko na naka suot lang pala ako ng manipis na silk short at spaghetti strap na top, at wala din akong suot na bra. Agad akong napatalikod at pinag ekes ko ang aking mga braso sa aking dibdib. “Anong ginagawa mo dito?” Huminga na muna ako ng malalim, kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. Andito ako para kausapin ito. Humarap ako dito, nanatili padin itong naka upo at nagsalin ulit ng alak sa baso nito. “Hindi ako sasama sa inyu sa Amsterdam. Hindi ko kailangan sumama sa inyu, dahil honeymoon niyong dalawa ni ate Almira iyon.” Ani ko sa matatag na boses. Nakatitig lamang ako sa kanya at seryoso ang aking mukha. Sumimsim siya ng alak sa kanyang baso, hindi padin nakatingin sa akin. “Maiiwan ka ditong mag isa kung hindi ka namin isasama.” “May mga kasama ako dito, ang mga katulong. Hindi mo naman kailangan mag alala kuya. Hindi na ako bata para kailangan pang bantayan.” Ani ko, medyo may inis nadin sa boses ko. Hindi agad siya sumagot sa akin dahil inubos pa nito ang alak na nasa kanyang baso. Tumayo ito at humakbang palapit sa akin. Dinambol ang puso ko at bahagyang napa atras. Halos pigil na ang aking paghinga dahil sa lapit niya sa akin, napatingala pa ako sa kanya dahil sa tangkad niyang lalaki. He's towering me right now. Oh my God! Ikalma mo ang sarili mo Elora. “Paano kapag may pumasok na ibang lalaki dito sa bahay, o di kaya boyfriend mo. O kahit sinong lalaki, baka mapahamak ka kapag di ka sumama sa amin sa Amsterdam.” Umawang ang bibig ko sa sinabi niya, hindi ko maiwasang mapatitig sa mga mata niya habang titig na titig din siya sa akin. Namumungay ang mga ito. May malakas na emosyon na hindi ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin. Unti unting hinihigop niya ang lakas ko, pasimple akong uniwas ng tingin at pinilit na tumawa. “A-ano bang sinasabi mo kuya? S-sino naman ang lalaking papasok dito sa bahay mo? At isa pa hindi ako magpapapasok ng kung sino sino lang—” “Baka may boyfriend ka na di mo lang sinasabi sa akin.” Kumabog ang dibdib ko at agad nakaramdam ng kaba. Ang boses niya ay mababa pero malamig ang tono nito. Naging madilim din ang kanyang mga mata na nagpatinding ng balahibo ko sa katawan. Ilang beses akong napakurap at pilit ang aking pagtawa, agad ko ding itinaas ang aking mga kamay at winagayway sa harap niya. “Ano ka ba kuya! W-wala akong boyfriend, alam mo naman yan diba? At kung meron mang makaka—alam kayo ni..ate Almira..” Naging mahina ang boses ko sa huling sinabi ko. Napalunok ako dahil matalim niya lang akong tinitigan, kinilabutan ako sa klase ng titig niya sa akin. And for the first time I felt anxious of his presence. “K-kuya Arzhel..” Mahinang pag tawag ko dito. At dahil doon ay umiwas siya ng tingin sa akin at nakita ko ang paggalaw ng panga niya maging ang paglunok niya, bakas din ang ugat sa kanyang leeg na para bang nagpipigil. “Let's talk tomorrow, I'm going to bed. Ikaw din matulog kana.” Marahas pa nitong nasuklay ang buhok bago ako tuluyang tinalikuran, hanggang sa makalabas ito ng kwarto ay naiwan na lamang akong nakatulala. What was that? Napahawak ako sa aking dibdib dahil sobrang lakas kung kumabog. Yun ang unang beses na makita ko ang ganoong reaksyon ni kuya Arzhel sa hindi ko malamang dahilan. And it bothers me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD