KABANATA 3

2149 Words
Elora’s POV MAaga akong nagising dahil may pasok pa ako, matapos kong makaligo ay agad akong bumaba patungong kusina. At dahil gusto kong mag luto ng pagkain para breakfast nila kuya Arzhel at ate Almira ay sinabihan ko na lang ang kasambahay na ako nalang muna ang mag luluto, tutal madali lang naman dahil light breakfast lang naman ang gusto ni kuya Arzhel. Kami naman ni ate Almira ay kung anong pagkain na nakahain sa lamesa ay kakainin naman namin, dahil nga nakasanayan na namin sa simpleng pagkain. Pero dahil namiss kong kumain ng adobo ay nagluto nalang din ako, natapos na ako sa pag prito ng bacon at tsaka sunny side up egg nag toast nadin ako ng bread para kay kuya Arzhel. Nakangiti ako habang nagluluto ng adobo, napapakanta pa ako. Alam ko naman na dapat hindi ganito ang mood ko dahil sa nasaksihan ko kagabi pero dahil sanay na ako ay kailangan kong ipakita na normal lang ang mga kilos ko dahil ayaw kong makitaan ako nila ate Almira ng kakaiba sa kilos ko, kaya hangga't maari nagpapaka normal ako sa harap nila. “Hmm, ang bango naman niyan..” “Aayy!” Halos mabitawan ko ang sandok at kamuntikan pa akong mapaso dahil sa gulat ko. Napalingon pa ako, pero mukhang nagkamali ako dapat pala hindi na ako lumingon dahil sobrang lapit ng mukha ni kuya Arzhel ngayon sa akin, nakadungaw pala siya mula sa aking likuran at ang kanyang ulo ay dumungaw sa niluluto ko. Nagtama ang mata namin pero dahil sa taranta ko ay agad akong nag iwas ng tingin at kinuha ang sandok na nasa loob na ng kawali. “Hey, wag mong hawakan. Mainit..” Natigilan ako sa biglang paghawak niya sa aking kamay, kinuryente akong bigla kaya mabilis kong binawi ang kamay ko sa kanya. Tahimik naman niyang kinuha ang sandok at pinatay ko na ang kalan dahil luto nadin naman ang adobo. “Sorry, mukhang nagulat kita..” Aniya sa kalmadong boses, agad naman akong ngumiti yung ngiting walang halong awkwardness. “Ano ka ba kuya, ok lang po..medyo nagulat lang naman..” Kumuha naman agad ako ng lalagyan para sa adobo. “Sige na kuya, maupo kana dun..ihahain ko na ang mga pagkain sa mesa..” Sabi ko pa habang abala sa ginagawa kong pag prepare sa pagkain, sinadya ko talaga hindi mapatitig sa kanya pero nanatili naman akong normal. Hindi ko maiwasang isipin ang mga eksena kagabi, umuulit padin sa aking isip ang mga ungol at halinghing nilang dalawa, pero kailangan kong pakalmahin at iwaglit iyon sa isipan ko. Nang maihain na namin ang mga pagkain ay siya namang pagbaba ni ate almira. Nakabihis nadin ito dahil maaga itong papasok ng trabaho. Isa itong manager sa isang sikat na fast food chain. Di din nagtagal ay nasa hapag nadin kami kumakain. Abala lang ako sa pagkain habang ang dalawa naman na nasa harap ko ay sobrang sweet, si ate almira na sinusubuan si kuya Arzhel. “Love, hindi na ako bata para subuan mo.” Reklamo ni kuya Arzhel habang nakangiti. “Nagpa-praktis lang naman ako dahil next month mag asawa na tayo love, ako na ang mag aalaga sayo, full time housewife.” Matamis na saad ni ate Almira, napangiti na lamang ako. Pero ngiting may halong kirot sa aking puso. Kahit anong gawin ko ay apektado talaga ako, nasasaktan ako. “Ihatid na kita pagkatapos nito.” Si kuya Arzhel na kausap padin si ate. Ako nakikinig lang sa kanila, panaka nakang nakangiti para hindi naman mukhang awkward sa kanilang dalawa. “Hindi na love, si bunso nalang ihatid mo sa school. Parehas lang naman kayo ng oras sa pag alis.” Tumango naman si kuya Arzhel dito. “Bunso, napag usapan namin kagabi ng kuya Arzhel mo..” Napatingin ako kay ate maging kay kuya Arzhel. “Ano yun ate?” “Simula mamaya dito na tayo titira, yun ang gusto ng kuya Arzhel mo. At dahil ikakasal nadin naman kami ng kuya mo next month ay napag desisyunan nalang namin na lilipat na agad tayo dito.” Sandali naman akong natigilan, pero sumilay din ang ngiti sa aking labi. “Ok lang ate, mas mabuti nadin yun para hindi na mahirapan pa sa paglipat kapag kasal na kayo.” Ani ko sabay subo ng pagkain. “Mamaya ililipat na ang mga gamit natin dito. And by the way pala, may dinner kami mamaya dahil birthday ng head manager namin kaya may kaunting salo salo. Love baka ma late ako ng uwi mamaya.” Baling ni ate kay kuya Arzhel at hinawakan nito ang kamay at matamis na nginitian. “Of course, love. Enjoy niyo lang ang dinner ninyu mamaya.” Malumanay na sagot nito. Habang nakatitig ako sa kanilang dalawa ay hindi ko na naman mapigilang hindi mainggit at isipin na ako si ate Almira. Pero mabilis ko din iwinaglit sa aking isip ang bagay na iyon. Nang matapos akong kumain ay agad nadin akong nag excuse sa kanila para makapag bihis na. Natapos na ako lahat at lumabas na nga ng aking kwarto, sakto naman kalalabas lang ni kuya Arzhel sa kanilang kwarto ni ate. Nakabihis na din ito ng office attire niya, as usual. Sobrang gwapo na naman niya, araw araw naman gwapong gwapo ako sa kanya. Pero dahil kailangan natin pakalmahin ang sarili maging ang aking p********e ay kailangan kong maging normal sa harap nito. “Ready kana?” Tanong nito sa akin. “Opo kuya.” Mariin itong nakatitig sa akin kaya kumabog ang puso ko. Nang magsimula itong humakbang patungo sa akin ay nagwala na nga ng matindi ang puso ko ngayon. “Wait, may dumi ka sa buhok mo.” Bahagya itong dumuko dahil nga mas matangkad ito sa akin. Halos pigil ang aking paghinga nang maramdaman ko na ang mainit niyang hininga sa aking pisngi, maging ang nakakahalina niyang pabango ay nasamyo ko na. “Here.” Napakurap ako ng ilang beses. Kinuha ko ang hawak niyang piraso ng tela na mula sa aking buhok. “Salamat, kuya. Umalis na po ba si ate?” Kalmado kong tanong dito, hindi mahihimigan sa akin ang tensyon. “Yes, kanina pa.” Seryoso ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin. Matamis akong ngumiti sa kanya. “Tayo na po?” Marahan itong tumango, at nauna na akong maglakad. “May allowance ka pa ba, Elora?” Napatingin ako kay kuya Arzhel na ngayon ay nagmamaneho na, papunta na kami ngayon sa university. “Oo kuya, meron pa. Yung last time na binigay sa akin ni ate at yung sayo di pa naubos.” Nakangiti kong turan dito. Sandali siyang sumulyap sa akin at tumango. Napatitig ako dito at namangha na naman sa angking ka gwapuhan nito. Kahit saang anggulo talaga ay perpekto ang itsura nito. Matangos ang ilong, makapal ang kilay, may balbas ito pero palagi niya itong shinishave kaya maintain lamang ang haba nito. May pagka moreno din ito, katamtaman ang haba ng buhok nito at medyo kulot, dumagdag pa lalo sa karisma nito. Hindi ito mabalbon lalo na ang matipunong katawan nito. That even other women would drool when they saw his sinful body, and those women are with me. Mas lumalakas din ang dating nito dahil may mga tattoo ito sa dalawang braso, hindi ko ma explain ang tattoo niya, pero ang alam ko may mga ibon iyon. At isa sa pinaka nagustuhan ko sa kanya ay ang mga mata niyang nang aakit para sa akin, sobrang ganda ng mga mata niya. The kind that makes you feel drawn in and hypnotized when you stare at him. Pero dahil nasasanay akong makipag titigan sa kanya na walang malisya ay nakakaya ko ang salubingin ang mga tingin niya, pero kung bibilangin ang minuto ay nasa tatlong minuto lang ang tinatagal nun kapag nag uusap kami kasama si ate almira. Ang mga labi nito na tama lang ang kapal at natural na mapula, na sa palagay ko ay malambot at masarap halikan. Napalunok na lamang ako dahil sa aking naisip, kung ano nga ba ang pakiramdam na halikan ng isang Arzhel Zakir Demirci? At sa isiping iyon ay parang kiniliti ang ibabang parte ko, agad kong mas pinagdikit ang aking mga hita dahil sa kakaibang sensasyon na gumapang sa akin. “Elora, ok ka lang ba?” Doon lamang ako nagising sa aking malalim na pag iisip dahil sa kanyang baritonong boses. Nag angat ako nang tingin at agad kong nasalubong ang mga mata niyang nag aalala na naman, kagaya kagabi. “Ahm, n-naiihi lang ako kuya..” Mariin akong napapikit at napamura sa aking isipan. Tang ina, bakit yun ang sinabi ko? Sandali itong natigilan sa sinabi ko. Dahil sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan na andito na pala kami sa university. “Kanina ka pa ba naiihi?” Agad akong pinamulahan, nakakahiya! Marahan na lamang akong tumango, hindi naman talaga ako naiihi, nakikiliti lang ang aking p********e dahil sa mga pinag iisip ko kanina. “Kuya, salamat sa paghatid.” Tumango naman ito. “Hintayin mo ako dito dahil susunduin kita mamaya.” Matapos niya iyong sabihin ay umalis na din ito. Gusto kong magtatalon dahil sa labis na kahihiyan. Pero wala nadin naman dahil nangyari na, nasabi ko na. Pumasok na lamang ako sa klase, hanggang lumipas ang mga oras at uwian na nga. Nakita ko din agad si kuya Arzhel na naghihintay sa labas at nakasandal sa kanyang kotse. Lahat ng mga babae at mga bakla at napapatingin na naman sa kanya at halos mabali na ang mga leeg kakatingin dito. “Kamusta naman ang araw mo?” Agad na tanong nito sa akin, bumabyahe nadin kami pauwi ng bahay niya. “Ok lang naman po, medyo napagod lang dahil madami kaming ginawang activities.” Napasandal ako sa upuan at napapikit. Inaantok na naman ako, wala kasi akong maayos na tulog dahil sa nangyari kagabi. “Ano bang plano mo pag graduate mo?” “Gusto ko pong mag negosyo kuya, gusto ko magkaroon ng flower shop.” Nakapikit kong sagot dito. “Pagagawan kita ng flower shop.” Napamulat ako ng mata dahil sa sinabi nito. “Bakit naman kuya?” Takang tanong ko dito. “Dahil gusto ko, para hindi kana umalis sa poder ko.” Seryoso ang boses nito, hindi nakatingin sa akin at sa daan lang. Bumilis ang pintig ng puso ko, iba ang naging dating sa akin ng mga sinabi niya. May pagka possisive ang tono ng mga salita niya, pero alam ko naman na nag a- assume lang ako. Napabuntong hininga na lamang ako. Dapat ipa intindi ko na sa kanya ngayon na hindi ako pwedeng manatili sa poder niya, hindi na pwede dahil mag asawa na sila ni ate. At isa pa gusto ko talagang bumukod dahil nadin sa nararamdaman ko para sa kanya. Baka di na ako maka survive sa araw araw kapag nanatili ako sa poder niya. “Kuya Arzhel, gusto ko na bumukod sa inyu ni ate kapag kasal na kayo.” Nakaduko kong turan. Ayaw ko kasing magtampo siya sa akin. “Gusto kong sanayin ang sarili ko na maging independent, gusto kong tumayo sa sarili kong mga paa. Dahil alam ko naman na darating ang panahon na mag aasawa nadin ako, pero bago mangyari iyon ay nakapag ipon na—” Naramdaman kong tumigil ang sasakyan, nakita ko na andito na pala kami. Pero napatingin ako kay kuya Arzhel dahil marahas ang pag tigil niya sa kotse. “Bakit kailangan mo pang bumukod? Sinabi ko naman sayo na pwede ka sa kompanya ko, kaya kong pagawan ka ng flower shop.” Ani nito sa mababang boses. Pakiramdam ko nag iba ang awra niya, napaka seryoso ng mukha niya. Mukhang galit na ito. “Kaya mo bang iwan ang ate Almira mo?” This time ay napatingin na siya sa akin, salubong ang kanyang kilay. “Hindi naman sa ganun kuya, hindi naman ako mag aalala kasi kasama kana ni ate. Masaya na ako na may makakasama na siya habang buhay.” Nakangiti kong turan dito. Nakita ko ang paggalaw ng panga niya at agad na umiwas sa akin, hindi din naka iwas sa akin ang pagtaas baba ng kanyang adams apple. Mukhang galit na nga siya sa akin. “Kuya Arzhel–” “Let's go inside, pagod na ako.” Mabilis itong lumabas ng kotse bahagya pa akong napaigtad dahil malakas ang pagbagsak nito sa pinto. Naiwan din akong bagsak ang balikat. Magtatampo na naman iyon sa akin. At ang mangyayari ay susuyuin ko na naman ito. Kasi ilang beses na itong nag tampo sa akin at hindi ako kinausap ng ilang araw. “Kuya Arzhel naman eh! Mas lalo mo akong pinapahirapan. Paano kita makakalimutan kung ayaw mo akong paalisin sa poder mo?” Halos sabunutan ko na lamang ang aking sarili dahil sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD