Arzhel Zeker Demirci POV Nag taas ako ng tingin nang marinig ang ilang beses na katok. Salubong ang aking kilay, I told my secretary that I would not be receiving visitors because I did not want to be disturbed from my work. I let out a sigh.. “Come in..” Ani ko at ibinalik ang atensyon sa aking laptop. Babad ako sa aking trabaho ngayon, maraming nakatambak na mga papeles sa aking mesa. Medyo masakit pa ang ulo ko dahil wala akong maayos na tulog dahil sa nangyari kagabi. “Sir may mga bisita po kayo, kaib–” “Dude!” Tinapunan ko ng tingin ang bagong dating, at sa boses palang nito ay kilala ko na agad. Si Luke. Kumunot naman ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakit nandito itong mga gago. Si Rafael na nagtaas lang ng kamay at nakangiti ng matamis, agad naman silang umupo sa sofa lal

