Elora's POV Nagising ako na andito na ako sa aking kwarto, sa pagkaka alala ko, matapos ang nangyari sa amin ni kuya Arzhel ay binuhat ako nito at hindi ko na napigilan ang tuluyang makatulog. Nanghihina ang katawan ko ng mga oras na yun kaya agad akong napapikit. Sandali akong napatulala ng manumbalik sa aking isipan ang mapusok na pangyayari sa swimming pool. Hindi ko mapigilang kagatin ng mariin ang pang ibabang labi ko, ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko ngayon. Pero agad ko din sinuway ang sarili ko dahil wala na akong panahon para isipin pa ang nangyari. Ang kailangan kong gawin ngayon ay mag isip ng plano, wala nadin naman akong magagawa pa kahit magpumiglas o tumakas ako ngayon. Tatakas ako pero kailangan kong planuhin ng maigi, kailangan malaman ko muna mula dito ang tung

