Third Person's POV Nagtagis ang kanyang ngipin habang namumuhing tinitigan ang binata, walang ibang emosyon sa kanyang mga mata ngayon kundi labis na galit para dito. Mabilis ang naging galaw niya at agad na itinulak ito. “W-wag mo akong hawakan!” Namumuhing sambit niya dito, umatras siya ng makailang beses hanggang sa marating niya ang kabilang bahagi ng kama. Mabilis siyang tumayo at tumakbo, pero dahil sa kadenang naka tali sa isang paa niya ay agad siyang nadapa at napasubsob sa sahig, kitang kita niya ang paglapat ng mga flower petals sa kanyang braso at pisngi. Kahit nasa ganitong sitwasyon ay sariwa padin sa isipan niya ang nangyari kanina, alam niyang basang basa ang mga damit niya dahil sa malakas na ulan, pero ngayon ay iba na ang suot niya. Isang bestidang puti na walang m

