KABANATA 1

1692 Words
Elora’s POV Is it a sin to fall inlove with your sister's lover?? Probably.. Yes it is a sin.. Lalo na kung mahal na mahal mo din ang ate mo at ayaw mong masira ang relasyon na meron kayong dalawa. Ganito ang sitwasyon ko ngayon, minamahal ko ang lalaking pinakamamahal ng ate Almira ko. Pero dahil ayaw kong masira ang relasyon naming dalawa ay lihim na lamang akong umiibig kay kuya Arzhel, hanggang sa malayo na lamang ako humahanga sa kanya dahil mahal na mahal ko din ang ate ko at kami na lamang dalawa ang nagdadamayan sa buhay, ayaw kong mawala din ang ate ko kaya hangga't kaya ko hindi ko pinapahalata ang nararamdaman ko kay kuya Arzhel. Araw ng huwebes ngayon at natapos nadin ang klase namin, nasa fourth year college na ako at sa susunod na buwan ay magtatapos nadin ako sa kursong business ad kaya konti nalang at makakapag trabaho nadin ako, matutulongan ko na din ang ate Almira ko sa mga gastusin sa bahay. Kahit dalawa nalang kami sa bahay ay marami pading mga gastusin lalo na sa pag aaral ko ang ate almira ko ang gumagastos sa lahat ng pag aaral ko kaya nag sisikap ako na makapag tapos para ako naman ang makabawi sa kanya. “Uuwi kana ba Elora?” Napalingon naman ako sa nagsalita at si Dave lang pala ka klase ko sa isang subject, hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto ito sa akin at gustong manligaw pero ni reject ko na dahil naka focus ako sa pag aaral ko ngayon, lalo na't graduating nadin ako, bata pa naman ako para sa ganyan. 21 years old palang ako kaya mas uunahin ko muna ang pag aaral bago ang mag jowa. Hindi na din naman ako umaasa na mapapasa akin si kuya Arzhel dahil wala sa isipan ko ang gumawa ng hakbang para lang maangkin ang lalaking mahal ng ate ko, hindi ako gaga para gawin ang bagay na iyon dahil sobrang mahal ko ang ate ko, ganun din ito sa akin. Kaya ko din naman pigilan ang nararamdaman ko para kay kuya Arzhel, kaya kong maging normal at hindi makaramdam ng awkwardness sa harap nito, hangga't kaya ko pinipigilan ko talaga. Pero may mga sandali talaga na hindi ko mapigilang hindi mapatitig at mag pantasya sa kanya kapag hindi siya nakatingin o ako nalang mag isa. Hindi din maiwasan na hindi ko siya mapanaginipan. Pero hanggang doon na lamang iyon. “Oo, bakit dave?” Napakamot naman ito sa kanyang ulo, halatang nahihiya sa gustong sabihin nito. “P-pwede kitang ihatid, kung wala ka pa—” “Elora..” Napalingon naman ako sa tumawag sa akin, at lumawak ang ngiti ko nang masilayan ang lalaking laman ng isip at puso ko. “Sorry dave, anjan na sundo ko si kuya Arzhel..” Hinging paumanhin ko dito at ngumiti sa kanya. “Sige ok lang, next time nalang..” “Sige, mauna na ako Dave..ingat sa pag uwi..” Nakangiting saad ko dito, pinamulahan naman ito ng pisngi kaya natawa pa ako ng bahagya, nang mapalingon ako sa pwesto ni kuya Arzhel ay seryoso itong sinundan nang tingin si Dave. May pagka over protective din itong si kuya Arzhel sa akin, kasi para nadin kasing bunsong kapatid ang turing nito sa akin, medyo masakit sa dibdib pero wala naman akong magagawa dahil yun lang talaga ang turing niya sa akin wala nang iba pa. Ako lang naman itong nagmamahal sa kanya. “Nagpupumilit parin bang manligaw sayo yun?” Tanong nito sabay bukas sa pinto ng kotse niya sa front seat. Alam din kasi nito na isa si Dave na gustong manligaw sa akin, at isa din ito sa nereject ko. “Hindi na kuya, pero nagpaparamdam padin..” Sabi ko pa sabay sakay sa loob, nang masara niya na ay umikot naman siya patungong driver seat. “Tama yan, wag ka munang mag boyfriend..dahil konti nalang din naman at ga graduate kana..” Habang nagsasalita ito ay abala naman ako sa pag kulikot ng seat belt dahil hindi ko na naman ma kabit ito, palagi nalang talagang ganito ni hindi ko magawang masara ito, ang tigas kasi ewan ko kung bakit. “Ang hirap talagang ikabit n—” “Let me..” Halos mahigit ko ang hininga ko dahil sa paglapit ni kuya Arzhel sa akin, amoy na amoy ko ang nakaka adik niyang pabango, hindi ko tuloy mapigilang hindi mapapikit at damhin ang amoy niya. Pero agad din akong nagmulat at pinakalma ang sarili ko. “Ok na, antagal mo nang sumasakay dito sa kotse ko pero di ka padin marunong mag kabit ng seat belt..” Napakurap ako ng ilang beses dahil malapit padin ang mukha niya sa akin kaya ako na agad mismo ang nag iwas ng tingin, at syempre sanay na akong magpanggap na hindi na aapektuhan sa mga ganitong eksena. “Ewan ko ba dito sa seat belt mo kuya, pag si ate naman ang nakasakay dito agad naman niyang nakakabit..” Nakasimangot kong saad, narinig ko naman ang mahinang pagtawa niya at ang sarap naman talaga sa tenga. Di nadin nagtagal ay umalis na din kami. “Si ate po pala?” Tanong ko pa habang nasa byahe kami. “Nasa bahay ko na, doon tayo mag di-dinner..” Napatango naman ako sa sinabi nito. Mayaman pala si kuya Arzhel, marami din siyang mga negosyo kaya masasabi ko talagang may kaya siya sa buhay, di gaya namin ni ate na galing pa kami sa mahirap pero kung ikukumpara noon at ngayon, ibang iba nadin naman. Yung parents namin wala na sila, namatay sila mama't papa sa isang bus accident at yun ang pinakamasakit na araw sa buhay namin ni ate Almira. Kaya kami nalang ni ate Almira ang nagdadamayan ngayon. Masipag ang ate ko at maganda kaya siguro nagustuhan siya ni kuya Arzhel at ganun din naman ang ate ko dito dahil mabait naman talaga si kuya Arzhel, gwapo at may matipunong pangangatawan, mukha nga itong isang modelo eh, dahil nadin sa tangkad nito. Kaya nga din siguro nahulog ako sa kanya. Sa edad naman, 26 year old ang ate ko at si kuya Arzhel naman ay 34. fourteen years ang agwat ng edad namin ni kuya Arzhel. Pilit ko naman pinigilan noon pero habang tumatagal na nakakasama ko siya halos araw araw ay mas nahulog ako sa kanya, siya din halos naghahatid sundo sa akin sa school kapag di siya busy, pero halos araw araw niya talaga akong hinahatid sundo kaya medyo nakakaramdam nadin ako ng hiya dahil baka nakaka istorbo na ako sa kanya. “We're here..” Naputol ang malalim kong pag iisip nang marinig ang boses ni kuya Arzhel, napatingin naman ako sa labas at andito na nga kami sa magarang bahay niya. Hanggang ngayon di ko parin mapigialng hindi mamangha sa malaking bahay niya, moderno itong tingnan, ang akala ko sa hindi ko mararanasan ang maka pasok sa ganitong bagay pero simula nang maging sila ni Ate Almira ay nakapasok na kami sa bahay niya. Lumabas na nga ako ng kotse at nakita ko si kuya Arzhel na umikot sa likod at sa tingin ko may kinuha siyang mga gamit roon kaya sumunod naman ako sa kanya para tulungan siya. “Akin na yung iba kuya..” Mabilis ang naging paglapit ko sa kanya kaya dumikit ang braso ko sa braso niya, pero kahit ganun na may telang nakatakip sa kanyang braso ay may kuyenteng dumaloy padin sa katawan ko, pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko. “Sige, ito ang dalhin mo..” Binigay niya sa aking ang apat na paper bag, at wari ko sa mga laman nito ay mga mamahaling gamit dahil na din sa mga brand nito na nakita ko na sa mall. Siguro ay para ka ate ang mga ito, napaka swerte naman talaga ng kapatid ko. Hindi ko maiwasang hindi kumirot ang puso ko pero hangga't maari ay iiwasan ko ang ganitong pakiramdam dahil ayaw kong mag iba ang pakikitungo ko sa aking kapatid, mahal mahal ko yun. Kaya kahit ang nararamdaman ko para kay kuya Arzhel ay kaya kong ipagsawalang bahala. Napatingin naman ako kay kuya Arzhel dahil hindi na siya gumagalaw sa kinatatayuan niya, inosente ko siyang tiningnan pero agad din nagbaling siya nang tingin sa ibang mga gamit na nasa loob pa. Pumasok na nga kami sa loob at naabutan namin si ate at ibang katulong na naghahain ng pagkain sa mesa, kumunot naman ang noo ko sa dami ng pagkain na nakahain. “Andito na pala kayo..” Lumapit naman si ate kay kuya Arzhel at naghalikan silang dalawa mismo sa harap ko, gustuhin ko mang mag iwas pero di pwede dahil ayaw kong mahalata nila ako. “Ate, anong meron?” Masiglang turan ko sabay lingon sa mga pagkain na nasa mesa, doon ko na lamang tinuon ang atensyon ko para ma distract ako. “Mag ce-celebtrate tayo!” Masayang wika ng ate ko, mas kumunot naman ang noo ko, bakas talaga ang sobrang kasiyahan sa kanyang magandang mukha. “Ano po ba ang okasyon?” Curious kong tanong dito. Nagkatitigan pa silang dalawa ni kuya Arzhel na para bang nagtutulakan sila kung sino ang magsasabi, ako naman ay nakangiti habang naghihintay sa sasabihin nila. “We're getting married, Elora!” Natigilan ako sa sinabi ni ate, pero ang ngiti ko ay nanatili sa aking labi kahit ang kalooban ko ay unti unti nang nawawasak. Hindi agad ako nakapag salita dahil sa gulat. Malawak ang ngiti ng ate ko habang nakataas ang isang kamay niya na may suot na sing sing sa ring finger nito, halata iyon dahil kumikinang iyon sa ganda, nasa tabi niya si kuya Arzhel na nakapulupot ang kamay nito sa bewang ng ate ko habang nakangiti din. “Talaga ate?! Congratulations sa inyung dalawa!” Masayang turan ko at agad kaming nagyakapan ni ate habang ngiting ngiti parin ako kahit ang puso ko ay sumisikip at unti unting nadudurog. Ine expect ko na to, dapat handa na ako sa ganito..pero bakit? Bakit sobrang sakit pala? Na para bang hinihiwa ang aking puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD