GARNET VII (2): Ang Kidnapper

1865 Words
THE ANGELS "ANG lalim naman ng iniisip nya." sabi ni Uno. "Di pa ba tayo aalis? Kanina pa tayo nandito eh, wala namang kakaibang nangyayari." bagot na dagdag nito. Wala naman kasi silang ginagawa kundi pagmasdan ang parang nagdeday dream na doktor. "Boring." si Dos. "Hintay lang, girls." sabi ni Tres. Aktong pipikit na sana si Uno at Dos ng biglang bumukas ang pintuan ni Kiko. Naalimpungatan naman ang doktor sa pagdeday dream. Pinagmasdan ng tatlo ang naging reaksyon ng doktor. Kiko was clearly trembling habang nakayukong, magalang na binati ang dumating. "G-good m-morning, Master." sabi ni Kiko. Agad namang napabaling ang tingin ng tatlo sa tinawag na master. "Good morning, Kiko." nakangiting sagot nito at prenteng umupo sa couch at nakadekwatro pa. Malapit nitong naupuan si Uno, buti na lang nakatayo agad si Uno pero as if naman, mauupuan talaga eh tatagos lang naman yung master sa kanya. Pero basta, sino namang may gustong maupuan 'di ba? Intindihin nyo na lang si Uno. "Any progress sa pinapagawa ko sayo? It’s been two weeks, Kiko." nakangiti man ang mukha ng master pero may badya ng pagbabanta sa boses nito. Nakita naman ng tatlo ang pag-igtad at pagkataranta ni Kiko. Nakayuko pa rin ito na nakatayo. "M-master, g-ginagawa ko p-po l-lahat ng makakaya ko." "Siguraduhin mo lang Kiko dahil kung hindi, alam mo na kung san ka pupulutin." cool na sabi lang ng master pero parang maiihi na sa takot si Kiko. Takang-taka ang tatlong anghel. Anong nangyayari kay Kiko? Sino ang master nyang ‘to? Anong pinagsasabi ng master na pinapagawa nito sa doktor? Ang daming misteryo. Nakanganga ang tatlong nagpapalit-palit ng tanaw sa dalawang nag-uusap. "Dos, search the profile of this master. Dali." utos ni Tres kay Dos. Agad na tumalima si Dos. "Kailan mo ba mapapasagot si Miss Garcia, Kiko?" narinig nilang tanong ng master nito. Matiim na nakikinig lang ang tatlo. "Soon, Master. Soon." sagot naman ni Kiko. Nasa ganun pa rin itong posisyon. Yung master naman ay parang sanay na sanay sa pagkataranta ng mga tao sa paligid nya. The three angels was smelling danger from this man. Yes, he was a he. And like Kiko, matikas at gwapong lalake rin ito. Kagalang-galng rin ang porma sa magarang suot nitong corporate suit. "Gotcha!" announce ni Dos. Nakita na nito ang hinahanap. Takang-taka si Uno at Tres dahil 'di sinabi ni Kiko na sinagot na sya ni Gare. Nalilito ang mga anghel sa nangyayari. Hmm, amoy sardinas talaga ang hatid ng master ni Kiko. So fishy. "God, kailangan na nating maialis si Gare dito, girls. Tama si Faena. Gare's life is in danger. May planong masama ang master na yan sa subject natin!" bulalas ni Dos. Nakuha ni Dos ang atensyon ng dalawang kaibigan. "Bakit? Sino ba sya?" tanong ng dalawa. "Elijah Mendez, the supreme master of all gangs at isang mafia leader. Ex-bff ni Gare, kung tanda nyo. They're gonna kill Gare if they won't get what they want from her." si Dos. "Huh?!" gulat na bulalas ng dalawa. Shock sa info na nalaman. "Another week, Doc. At kung hindi mo pa magagawa ang pinapagawa ko, I'll kill you both." narinig nilang banta ni Elijah. "P-pero kaibigan mo sya master." dun na nagtaas ng tingin si Kiko. "I don't care!" galit na napatayo ito. Napaigtad naman si Kiko at bumalik sa pagkakayuko. Kaya pala takot na takot si Kiko dito dahil ito pala ang kanilang leader. "All I want is my diamonds back! Kukunin mo yun kay Gare at ibabalik mo sa akin, and if you will not do that, papatayin ko kayo ni Gare. Akala mo ba hindi ko alam na may gusto ka sa kanya, Kiko? No, gusto is an understatement dahil mahal mo sya! Haha! Hangal ka! Sinabi ko sayong wag kang magkakaroon ng feelings sa kanya pero ang tigas ng ulo mo. Hindi ka mamahalin nun dahil patay na patay sya kay Faena." at tumawa ito na parang baliw. Hindi nakasagot si Kiko. Nakatungo lang ito habang nakikinig. Gulat na gulat ang tatlo sa mga rebelasyong naririnig. "Si Faena." tumawa ulit si Elijah. "Si Faena ang mahal nya, Kiko!" then he slap Kiko. Hindi naman natinag si Kiko pero ang tatlong anghel ay napasinghap sa nasaksihan. "Gago ka kung maniniwala kang may pag-asa ka sa kanya! Wala kang mapapala kay Gare, Kiko! Paasahin ka lang nya, gaya ng ginawa nya sa akin." nakakuyom ang kamao at bakas ang galit sa mukha ni Elijah. "F*ck! Ang drama!" si Uno. Binatukan sya ni Dos. "Wag kang maingay!" "Wag ka nang umasa, Kiko. Just stick with the plan kung ayaw mong madamay si Gare. You will get my diamonds from her and break Gare's heart then we're done. Okay?" kalmado ng sabi ni Elijah and patted the head of Kiko na parang alagang aso lang nito si Kiko. Bilis makamood swing ng isang to. Tsk, ang daming bipolar dito sa kwentong to. Hindi na lang nagsalita si Kiko. Umalis na si Elijah at tsaka pa parang nabunutan ng tinik si Kiko na nanghihinang napaupo when he heard the door closed. He was relieved when Elijah was out in his office. Kalituhan ay nasa diwa pa rin ng mga anghel pero at the same time, awa kay Kiko dahil sa nakikitang kalungkutan sa mukha nito. Mas lalo pa silang naawa dito when Kiko, silently cried, calling the name of Gare and asking for forgiveness sa nakatakdang kasamaang gagawin dito. +++ GARNET "Nurse," narinig nyang untag sa kanya ng isang pamilyar na boses. She was zoning out na naman dahil hindi rin sya makapaniwala sa bilis ng pangyayari kanina. Ano bang nakain nya? Sinagot na nya si Kiko at sa harap pa talaga ng mga pasyente nila. What the hell am I thinking? Ugh! "Oh Poy?" takang tumingin ako dito. Buti na lang narito ito para aliwin sya. O tama bang sabihing aaliwin nga ba sya? But he was frowning and--- "Why are you crying?" nataranta kong tanong dito. In two weeks na nakilala ko ito'y nagkaroon na ito ng special na puwang sa puso ko. Not in romantic way pero as brother or friend. Mas nagigiliwan ako sa kanya kumpara kina Tong at Yani. "N-nurse, please help me. My mom is having a cardiac arrest in our house, tinawagan lang ako ng katulong namin to inform me. Dala ko kasi ang kotse kaya 'di nila masugod sa hospital." umiiyak pa rin ito. "Eh nagtaxi na lang sana sila." alo ko dito. "Mom, doesn't want to ride in other vehicle except our car. Loyal yun eh." kung hindi pa lang ito umiiyak, iisipin nyang nagbibiro ito pero hindi na lang sya nagtanong. "Wow ha, edi bigyan ng jacket ang mommy mo." oops, tong bunganga ko talaga minsan may pagkataklesa. "Nurse please, tayo na. I need your help. Huhuhu!" buti na lang 'di nya pinansin ang sinabi ko. "Pero may duty pa ako, Poy." "Hahayaan mo na lang bang mamatay ang mommy ko, nurse? Mas kailangan namin ang serbisyo nyo ngayon. Huhuhu!" napatingin ako kay Josie, asking for help on what to do. At kinonsyensa pa ako ni Empoy ha but he has a point. "Go, Gare. I'll cover you up to the head nurse." nakakaintinding saad ni Josie. Tumango naman ako. Yun lang ang hinihintay ko as I grab my purse at hinatak ko sya palabas ng hospital. "Thank you, nurse." sisinghot-singhot na sabi ni Poy. "No problem, Poy. Anong gagamitin natin? My car or yours?" tanong ko at nagmamadali kaming pumunta sa parking lot. "Mine." sagot nya at pumunta sa isang green hummer. "Wow, gara naman." puri ko sa sasakyan nya. Its windows was all dark tinted at super kinang pa ng sasakyan nya. Ganda talaga. Ngumiti lang si Poy at binuksan ang front door sa passenger side. Nakangiti na rin akong sasakay na sana nang mahagip ng mga mata ko ang isang mukha ng isang lalaking papasakay rin sa kotse nya. He was talking to someone in his phone at kakaside view ito sa akin pero kahit ganun, nakilala ko pa rin ito. "Elijah..." bulong ko sa hangin habang nakatingin dito. My first instinct was to approach him pero nakasakay na ito sa sasakyan at humarurot na umalis. Hindi ako pwedeng magkamali. That was him. That was Elijah, ang bestfriend ko. I thought he was in America? Pagkatapos naming makagraduate sa VBS ay wala na akong naging balita dito except that nalaman ko lang sa rumors na nasa America nga ito. Ano kayang nangyari sa taong yun? Nakakatampo naman dahil hindi nya man lang ako hinanap, eh nandito na pala sya sa Pinas. May pinagsamahan rin naman kami ah. And yeah, I'm missing him too. Matagal rin naman kaming naging magkaibigan. "Hop in." I heard Poy say at tumango lang akong sumakay. Iniisip ko pa rin si Elijah nang sumakay ako sa kotse kaya nagulat na lang ako ng may tao na pala sa driver's seat at ng makita ko kung sino ito, I felt my breath hitch by merely seeing the driver. "Hi, babe." nakangiting bati nito. Bigla namang dumagundong ang kaba sa dibdib ko, epekto lamang ng mga ngiti nya. I totally forgot about Elijah at nafocus na sa kanya ang buong atensyon ko. Hindi ako nakagalaw lalo pa't inabot nya ang isang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. Milyong boltahe ng elektrisidad na kaligayahan ang naramdaman kong kumuryente sa buong diwa ko ng ginawa nya yun. Lalo pa ng sinabi nyang, "I missed you." Laglag ang puso ko. Nyaaa! Langya. Ganun lang ang sinabi nya pero gusto ko ng bumigay. Oh no! No! No! No! Pahablot kong kinuha ang kamay ko and to my instinct, binuksan ko ang pintuan ng sasakyan sa gawi ko but I was too late dahil nilock na nya ito. "Faena, lemme out." determinadong sabi ko at siniksik ang sarili sa pintuan. Oh, I'm cornered with this gorgeous creature. God, she's so beautiful. "No, babe. Sasama ka sa akin." sabi nya. Babe? Babe? Babe pa more at bibigay na ako. No! Hindi! Gare, maghunos dili ka. "No! Hindi ako sasama sayo. This is kidnapping! Kakasuhan kita ng kidnapping!" okay, ako na yung exaggerated. Eh sa ayaw kong makasama ang babaeng to. Para ano pa? Para muling masaktan? No way! Sauce, if I know. Brain, please, zipper your mouth! Wait... May mouth ba si brain? Ayun, kahit na ano na naiisip ko. Argh! "Seriously, baby?" at tumawa ito. Pinigilan ko ang sarili kong wag itong kuyumusin ng halik dahil oh god, ang cute nyang tignan pagtumatawa at yung labi nya, parang ang sarap kagatin dahil nakakagigil sa kapulahan. Gosh, ano bang iniisip ko? "I'm serious, Fae! I'll get you for this! Kakasuhan talaga kita! Let me outta here!" sigaw ko para pagtakpan ang kakaibang nararamdaman ko tuwing kasama ko ang magandang babae na to. Parang masisira ko yung pinto sa pagpupumilit kong buksan ito. "Babe, masisira mo yung sasakyan ko. Bagong bili ko ‘to." reklamo nya. "Wala akong pakialam! Lemme go!" patuloy ako sa pagsigaw at pagpupumilit lumabas. "Enough Gare, masisira yung pinto ko. That's it. Yani, do your thing!" Yani? Sinong yani ang tinutukoy nya? Pero bago ko pa nalaman kung totoo ang hinala ko, mabilis na natakpan ni Yani, yes, ang Yani na kilala ko rin, ang bunganga ko ng isang puting panyo na hindi ako nagkakamali na nilagyan nila ng liquid na pampatulog dahil unti-unti na akong dinugok ng kadiliman pagkatapos kong magpumiglas pero no use ang pagpupumiglas dahil malakas si Yani. Bago ako mawalan ng ulirat ang huling mga kataga ni Yani ang baon ko sa pagtulog, "Sweet dreams, nurse." and all went black.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD