Abduction

3439 Words
"Live po tayo ngayon sa Marriot Hotel dito idinaraos ang taunang Asia Ceo Awards, kung saan binibigyan ng parangal ang ilan sa mga sikat na personalidad na nagpamalas ng pambihirang tagumpay at kagalingan sa pamumuno sa kanilang kumpanya, gayon din ang pagtulong sa ibat-ibang sektor ng lipunan". "Tampok sa gabing ito ang pagbibigay ng mataas na parangal sa pinakabatang Vice President na si Aizen Shau-chen ng Shau-Chen Corporation, sinasabing pambihira ito sa kasaysayan ng sektor ng pagnenegosyo." "1, 2, 3 end." sigaw ng field director sa tagapag-ulat. "Grabe ang galing naman 23 yrs old pa lang susunod ng Ceo ng SC Corporation." paghanga ng isang photographer na naka antabay sa mga parating na mga guest. "Walang dudang magaling siya eh na feature na siya sa CNN last year as one the most influential lider in South East Asia." sabat ng isang reporter. "Ang galing talaga!" papuri ng mga taga media naghihintay sa pagdating ng 'Man of the hour'. "Tip sa akin ng security niya padating na daw si Vice President." sabi ng isang manunulat sa tabloid. Nagsipaghanda na ang mga camera man, photographer sa kani-kanilang hawak na camera upang makuhanan ng tamang angulo ng lente ng camera ang sikat multi awardee na lider ng nangungunang kunpanya sa bansa. Habang ang mga news reporter naman ay nakahanda na makipag unahan ng ambush interview. Isang Black Toyota Alphard Mpv Van na nagkakahalaga ng 3 Million pesos ang huminto sa hotel. Awtomatikong nagsipagtakbuhan ang mga taga media upang makapag ambush interview sa batang bata soon to be CEO, ngunit biglang may mga security escort ang biglang humarang sa kanila. Unang bumaba ng sasakyan ang bodyguard nito, halos magkislapan mga flash ng mga camera at ilaw ng video camera nang mamataan ang lalaking nakasuot ng black suit na may red tie. Mukhang anghel ang napakaamong mukha ng tagapagmana ng Shau-Chen Incorporation. Maputi, singkit ang mga mata, may biloy sa kaliwang pisngi na tila iginuhit ang kapogian sa canvas, sakto lang ang height na 5'5 sa kanyang pangangatawan. "Sir, Sir kunting pahayag lang po, Ano po masasabi ninyo sa parangal na ibibigay sa inyo ngayon gabi?" tanong ng isang reporter. "Sir kayo na po ba ang susunod na CEO ng SC Corporation?" tanong ng isa pang reporter. "Sir , sir saglit lang po." Nang huminto ang taga-pagmana ng pamilyang Shau-chen ay natahimik ang mga taga media at nag abang sa sasabihin nito. "Magbibigay ako ng presscon para sa inyong lahat gusto ko kayo maka daupang palad habang nagkakape tayo, magbibigay ako ng announcement mamaya ang Executive Secretary ko salamat." Hindi sinagot ng batang Vice President ang mga tanong ng mga reporter. Sa hindi malamang dahilan ay nagbigay pa ito paanyaya upang imbitahan ang press core. "Wow sige po sir magandang ideya yan." Wika ng isang kolumnista ng isang kilalang broadsheet newspaper. "Aasahan naman yan Sir marami kaming nais malaman tungkol sa inyo." Ani ng writer ng isang Business and lifestyle magazine. "Just wait for my announcement later." Masayang sabi ng naturang lalaki sabay pasok nito sa lobby ng hotel. Parang napawi ang pagod nila sa maghapon pag-aabang sa labas ng sikat na hotel nang makita nila ang napakaamong mukha ng Vice Presiden ng SC Corporation. Ikinagalak pa ng press media dahil sa kauna unahang pagkakataon ay magbibigay siya ng oras para sa kanila. Napakailap sa mga media ang Vice President kaya pagkakataon nila makakuha ng magandang scoop at kunting kaalaman mula sa business genius. Inakala nilang tulad ng iba nasa alta sa siyudad ay hindi basta basta malalapitan ang katulad niya. Aizen Pov I was sitting beside with Chairman Mao nang mapansin kong napakaganda at very classic ang theme ng loob ng ballroom hotel. Naangkop para sa mga High Class Society dahil naroon lahat ang mga kilala sa business sector, mga iba't ibang company sa buong bansa na nagsama sama para sa taunang pagkilala ng Most Oustanding CEO sa lipunan. I was really nervous kaya nakapagtanong ako kay Chairman Mao ng ganito. "I can't believe na ako ang napili nila Chairman, hindi kaya nagkamali sila sa pagpili sa akin? Unang una Vice President pa lang po ang position ko at hindi pa po ako CEO." "Aizen deserving mo na tumanggap ng award because pinatunayan mo sa kanila na karapat dapat ka kilalanin bilang matagumpay na lider ng isang kumpanya. I taught you well kaya napakagaling mo nang humawak ng kumpanya soon ikaw na ang papalit sakin bilang chairman ng board." Sa lakas ng boses ni Chairman napukaw niya ang atensiyon mula sa ibang table. Wala pa man ang announcement ay nagbigay na sila ng pagbati sa akin at labis-labis naman akong nagpasalamat. Muling tumunog ang microphone hudyat na mag-aannounce muli ang lalaking host ng iba pang awardee kaya natahimik ang buong ballroom. "Despite of his current position as Vice President or acting CEO his wide range of high competitive leadership, achievements for SC Corporation and contributions to other sectors. And this year to the Most Outstanding CEO is the future CEO Aizen Shau-chen." Natagalan ako sa pagtayo, tila nalulunod ako sa palakpak at pagbati ng mga mayayaman at makapangyarihan mga tao sa lipunan mula sa aking paligid. "Congratulation Chairman Mao the SC Corporation future is in good hands!" sabi ng isang kapwa CEO ng isa multilevel marketing company. "I know kumpadre because i taught him well." Wika ni Chairma Mao at pagkatapos ay tumawa ng malakas. Tumungo na ko sa stage at last nag sink in na sa isip ko na totoo ang nagaganap sa mga oras na ito. Ako nga ang may natatanging award dahil sa mabilis kong napaunlad ng husto ang SC Corporation na dati ang Construction Industry lang ang hawak nito , ngayon ay isinabak ko na rin ang kumpanya sa Advertising . Kaagad kong tinanggap ang award at bago nagsalita ay tumingin muna ako sa buong paligid. All of them are waiting for my speech. "Thank you for this award, honestly i was informed a week ago and i said to them, What went wrong?" "Why me, Just kidding." Bahagyang natawa ang lahat ng bisita sa patawa ko para maging light ang mood nila. I was carefuly looking at them at napansin kong seryoso silang lahat. "I am trully privileged to have been selected to recieve it at first i was hesitated but my colleagues says it's not for me it is for the SC Corporation employees. I agree. A Ceo can only be outstanding if he has an equally and even more outstanding team supporting him." "I started to reflect on my own role, And on What makes a leader and it drives me -Be open, Be accepting , Be humble and Be sincere. In this increasingly complex and interlinked world, we must understand that no one that can have adequate knowledge to lead and manage. The only way for a leader to lead to survive and succeed for his company to survive and succeed is To listen and learn , To accept that there is more than one correct way of doing the right thing, To be respectful to others and their cultures , To be humble in your interaction with all stakeholders and giving your heart to your team, coordinates and down to the smallest employee. Thanks to this dynamic crowd whose now listening to me and thank you for the judges for giving me the oppportunity to share my thoughts. I am honoured and grateful. Pagkatapos ng ilang minuto pictorial isang masibagong palakpakan ang natanggap ko mula sa mga CEO at matataas na position ng ibat ibang kumpanya. Hindi ako magkamayaw ang kamay ko sa pakikipag shake hands. Napakarami ang bumabati sakin at nang makabalik ako sa aking upuan mahigpit akong niyakap ng aking lolo. "Im so proud of you apo!" "Maraming salamat po Chairman, sa inyo ko rin po inaalay itong award ko." sagot ko naman. "Congratulations best!" pagbati ni Kiskey ang aking assistant at the same time bestfriend. Kasunod ng pagbibigay ng parangal ay pag awit ng mga kilalang performers kasama ang orchestra. Hinugot ko ang phone ko sa bulsa at nakita kong maraming missed calls sa aking ang gf kong si claire. Binuksan ko ang isang text mula kay claire. I surrender Aizen, Hindi ko na matatagalan pa ang ganitong sitwasyon wala kang oras para sakin, Im am not on top of your priority even a single bit, kaya pinalalaya na kita. This is the end for us. Wag n wag mo na kong hahanapin pa. Im going to States wag mo na kong guluhin pa. "K-kiskey ipahanda mo ang sasakyan kailangan kong puntahan si Claire!" nangangatog kong utos sa Executive Secretary ko. "Copy" sabay alis ni kiskey para magtungo sa basement parking. "Chairman Mao kailangan ko po umalis hahabulin ko po sa airport si Claire." "Pero paano ang gathering later for sure marami sa mga nandirito ang gustong makausap ka." "Kayo na po muna bahala sa kanila Chairman. Susubukan makabalik agad pero kailangan ko na po talaga umalis". "That woman!" Napailing na lamang ang Lolo ko nang masiguro niyang desido na ko sa pag-alis. Mabilis kong tinakbo ang ang elevator para makababa ng basement park muntik ka pang mabangga ang mga waiters na may dalang wine glasses. Pagbukas ng elevator agad akong pumasok at pinindot ang button pababa sa basement. Nang marating ko na ang basement parking kinuha ko ang phone ko para tawagan si Kiskey. Hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nakarinig ako ng tunog ng isang taong binusalan ang bibig. Paglingon ko sa kanan, nakita ko si Kiskey nakaupo sa sahig kasama ang apat na bodyguards na parehas din nakabusal ang mga bibig at nakagapos. "Kiskey anong nangyayari?! Sigaw ko sa kadiliman ng basement parking. Bigla na lamang naramdaman ko na may mga taong humawak sa akin. Nagpumiglas ako ngunit may mga humawak din saking ulo at mabilis na tinakpan ang aking ilong at bibig ng panyo. Ilang saglit ay nakaamoy ng mabahong kemikal kaya unti-unti nanlabo ang aking paningin ang sumunod na pangyayari ay di ko na alam. *********** Masakit ang mga braso ko dahil sa mahigpit na pagkakatali nito sa aking likuran. Baluktot akong nkahiga na nakatagilid at nakapiring ang aking mga mata. Ito ang naramdaman ko ng ako'y magkamalay hindi ko maigalaw ang aking mga katawan. Sinubukan kong huminga at sumigaw ngunit ang aking bibig ay may nakadikit ng kung anong bagay. Pakiramdam ko'y may mabigat na nakadagan saking dibdib nang malaman kong ako ay bihag ng mga kung sinong tao. Napuno ng takot ang aking dibdib sa aking sasapitin. Please God save me from this danger wala naman po akong ginawang masama pero bakit may mga taong nagtatangkang tapusin ang aking buhay. Gusto ko mang mangiyak ngunit nakapiring ang aking mga mata ayaw lumabas ng luha ko, luha ng pangamba at takot. Saan ba nila ako dadalhin? Ito na ba ang wakas ng buhay ko. Kahapon, kanina, kagabi, ay di ko na alam kung ilang oras na ang lumipas nang makamtam ko ang tagumpay, The great highlights of my life tapos heto ngayon naghihintay ba sa akin ang aking kamatayan. Nasa gitna ako ng pagdadalamhati nang madinig ko ang boses ng mga nandukot sa akin. "Bossing saan ang tuloy natin nito?" boses ng isang lalaki na garalgal at may kalaliman. "Doon natin didispatsahin ang lalaking ito sa Nueva Ecija, pagkatapos niyan dun natin siya susunugin para walang makakaalam kung ano ang sinapit niya." isa pang boses na aking narinig mula sa aking harapan. Nakakatakot na halakhak na winasak ang nalalabi kong pag-asa. "Boss kailangan natin magpakarga ng gasolina ayun po may gasoline station tayong madadaanan" isang napakagandang tinig ng lalaki ang naiiba sa lahat ang aking naririnig. "Madali itago ang mga baril, Dagul takpan mo ang lalaking ito ng sapin." Pagkatapos nun ay nakaramdam ako ng telang bumalot sa aking katawan. Nag isip akong mabuti kung mag iingay ba ko para matulungan ako ng gasoline boy o pag aaralan ko ang kanilang kilos. On my observation tatlong boses ang aking nadidinig , dalawang boses ng mga matatanda at isang boses mas bata bata pa sa kanila. Tama tatlo silang kasama ko o mayroon pang silang kasama marahil di lamang nagsasalita o tulog. "Unleaded 500." sabi ng nakakabatang lalaki. Sa puntong yun ay nakaramdam ako ng gutom. Nagugutom ako dahil mula sa Awards night ay hindi pa ko nag dinner ng time na iyon. At kapag ganoon nag skip ako ng dinner ay maaga kong nagigising dahil nakararamdam ako ng gutom. Usually mga 6 in the morning ako ginigising ng aking stomach para kumain. Sa pagkakaalam ko wala naman sigurong kemikal na ginagamit sa pampatulog ang bisa ay dalawa o tatlong araw usually within a day lang ang bisa nuon. Tama wala pang isang araw akong nasa kamay ng mga demonyong to. Naka amoy ako ng sigarilyo. "Dagul buksan mo ang bintana nahihilo ako sa amoy ng sigarilyo mo." Maya maya pa'y naka amoy ako ng sariwang hangin tila mamasa masang dahon o damo at bukod dun nakarinig ako ng kalabaw. Tama ba ang iniisip ko bukid itong tinatahak namin. Amoy bukid! Sa gitna ako ng pag iisio nang maramdaman kong biglang huminto ang sasakyan. "Carrangalan, Carrangalan mapupuno na ang jip". "Bakit tayo huminto?" tanong ng isang lalaki. "Boss yun mga pato kasi tumatawid." sagot ng bata bata ang tinig kumpara sa mga nagsasalita kanina. "Bilisan natin at tirik na tirik na ang araw, umaga na!" Maya maya pa ay umandar na muli ang kotse at sa pagkakataong ito'y wala ng hinintuan ang sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan ay bumukas ang sasakyan tunog ng tila pintuan ng Van. "Madali ilabas yan lalaki, ipasok siya sa luob." Mabagsik na utos na sa tingin ki siya ang lider ng mga nangidnap sakin. Naramdaman kong dalawang lalaki ang kumuha sakin mula sa loob ng kotse, pagkatapos noon inutusan ng matanda ang mas batang lalaki na ako'y pasanin. Naramdaman ko ang matipunong katawan ng lalaking bumuhat sakin. "Hoy brusko mukhang gising na yan eh pakainin mo na baka mamatay na agad yan sa gutom, hindi pa tayo bayad sa serbisyo natin baka mamaya nagbago ang isip ng kliyente natin." Sabi ng tinatawag nilang boss. Tumunog ang pinto sabay ng pagpasok ata namin sa kwarto maingat niya akong iniupo sa isang papag dahil narinig ko pa ang pag langitngit nito. "Ump ump ump." nagpupumiglas ako ngunit wala kong magawa. Makalipas ang ilang saglit nakarinig ako ng may pumasok, kasunod ang tunog ng plato at tila kahoy pinaglapagan, maya-maya ay tinanggal ang nakatapal saking bibig. Sa wakas ay malaya na ko makakahinga mula sa bibig ko. "Kumain ka na muna para magka lakas ka" sagot ng mas bata sa kanila na tinawag na brusko. "Nagpapatawa ka, Do you think makakain ako sa ganitong sitwasyon ko mamatay naman din ako later on or sooner, so bakit pa ko kakain?" litanya ko sa lalaki. "May pamilya ka ba? O mga kapatid ka ba? Paano kung minsan mapunta sila sa ganitong kalagayan? Makakatulog ka ba at di ka mag- aalala kung napaano sila o namatay sila sa kamay ng mga masamang taong kagaya mo?" patuloy ko. Ngunit nanatiling tahimik ang lalaki. Hindi ata gumagana ang pag reverse psychology ko sa kanya. Lalaking tinatawag na Brusko.... Kung alam mo lang kung ano sinapit ng buhay ko, buhay ng pamilya ko na kagagawan ng pamilya mo. Naghirap kami dahil iniwanan kami ng ama ko dahil sa kasakiman ng lolo mo. Ngayon panahon na para makaganti kami. Makakaganti na ko para sa pamilya ko at ina ko. Patuloy kong tinitingnan ang tagapagmana ng Shau-chen Family. Nag uumpisa ng pumutok sa dibdib ko ang galit ko pero nang makita kong pumapatak na ang mga luha sa kanyang pisngi. Nakadama din ako ng awa sa sasapitin niya pero hindi ko hawak ang tadhana mangyari ang dapat na mangyayari. Sumalok ako ng kanin at ulam sa kutsara para isubo sa kanya. Ngunit di nito binubuka ang kanyang bibig. Hindi naman ako likas na masamang tao nahahabag din ako sa kalagayan niya kahit malaki ang atraso ng pamilya niya sa akin. Ngunit sa isang banda mas nanaig ang awa ko sa kanya lalo na ng marinig ko ang kanyang sinabi. "Pakiusap pigilin mo sila na sunugin ang katawan ko hayaan mong malaman ng pamilya ko na wala na ko sa mundong ito". Humihikbi na siya sa pag iyak tila batang nakakaawa. "Kaysa naman buong buhay nila, araw at gabi silang umiiyak, mababaliw sa kakaisip kung saan man ako naroroon." "Tahan na kumain ka na." Halata sa boses ko ang lungkot. Napalambot nito ang puso ko hindi ko alam kung bakit, pero yun ang nararamdaman ko sa kanya sa mga oras na ito. "Pakiusap please kahit yun na lang ang gawin mo sa akin kunting awa para sa pamilya ko. Handa na ko mamatay pero hindi ko maatim sa kabilang buhay na makikita kong buong buhay nila ay mag iisip sila kung anong nangyari sakin." Halos madurog ang puso ko sa mga sinabi niya, mamatay na lang siya ngunit ang pamilya pa rin ang iniisip niya. Katulad ko din siya na palagi ang kapakanan ng ina at mga kapatid ko ang iniisip ko. "Kumain ka na para lumakas ka at maka laban ka pa". Pabulong kong sinabi sa kanya Tila napatingin sa dako ko ang lalaking ito kahit nakapiring mukhang na nahulaan niya ang gusto kong ipinahiwatig ko sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya halos yakapin ko siya upang maabot ko ang lubid at luwagan upang makatakas siya. Wala sa loob ko ang ginawa kong yun. "Iipit ko ang susi ng sasakyan sa kanang gulong kunin mo kapag nagkaroon ka ng pagkakataon makatakas dito, yan lang maitutulong ko sayo." bulong ko. T*ng ina mali ang ginagawa ko pero bahala. "Salamat alam ko mula pa kanina ay hindi ka masamang tao alam kong hindi ka katulad nila." "Hoy pretty boy, brusko kung ayaw kumain wag mo ng pilitin tutal mamamatay naman din yan." "Pumunta ka sa bayan may ipabibili ako sayo." "Okay boss." at iniwan ko na ang lalaking bihag. Aizen POV Nanatili muna ako sa ganoon ayos. Pinakiramdaman ko munang mabuti ang galaw nila. Mula sa kaninang ingay at wala na kong naririnig na tunog dahan-dahan ko ginala- galaw ang tali saking kamay mabuti na lamang at nilubos ng lalaki ang pagluwag ng pagkakatali. Mga 30 minuto na ang lumipas nakarinig ako ng malakas na paghilik. "Thanks God tulog na ang isa sa kanila pero nasaan kaya ang isa, kailangan ko na siguro kumilos habang tulog pa ang isa mas mahirap kalabanin ang dalawa. Makakayanan ko naman kong siguro ipagtanggol ang sarili ko laban sa isang demonyo na yon." bulong ko sa sarili Mabilis kong tinanggal ang aking piring at tali sa aking paa sinanay ko muna ang aking mata sa liwanag dahil magdamag akong nakapikit. Nang luminaw na ang aking paningin mabilis akong kumilos palabas ng kwarto bigla akong napatigil ng tumambad sa aking ang isa kong kidnaper sobrang taba pala nito. Kinuha ko ang baril sa lamesa para magkaroon ako ng proteksiyon at marahang lumabas ng lumang warehouse. Nakita ko ang sasakyan na tinutukoy ng lalaki kaya dali-dali kong tinungo yun. "Hoy pano ka nakatakas, boss yun bihag tatakas" sigaw ng isa pang lalaking naliligo wala ng banlaw- banlaw at dinampot agad niya ang kanyang mga damit. Nakita ko ang susi ng van at mabilis kong pinaandar ang sasakyan ngunit ayaw nitong magstart. "Diyos ko please umandar ka na iligtas mo ko sa mga demonyo na yun!" Nakita ko sa side mirror na nagkukumahog ang lalaki para gisingin ang boss nila. Isa pang try at nag start na ang sasakyan mabilis kong pinaandar ang sasakyan binanggaan ko na gawa sa yerong gate upang tuloy-tuloy na makaalis. Malayo na ang tinatakbo ng saksakyan nang maalala ko ang phone ko. "Nasaan na kaya ang phone ko nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko makita.Kailangan ko tumawag para ipagbigay alam kung nasaan ako". Patuloy ako sa pagdrive nabuhayan na ko ng pag-asa makakauwi ako ng buhay sa pamilya ko pero di ako dapat magpaka kampante kelangan tuluyan akong makalayo sa masasamang luob na mga yon. Nasa napakalawak na bukid pa rin ang tinatahak ko, ineexpect ko na madadaanan ko ang kaninang narinig kong lugar kung saan may maraming tao. "Yes nakita ko na ang bayan sa dulo, sana may pulis station man lang dito sa lugar na ito kunti na lang" saad ko Nang biglang nakarinig ako ng pagputok sa aking sinasakyan nagpa gewang gewang ang sasakyan naputukan ata ako ng gulong. "Diyos ko anong gagawin ko, pinihit ko ang break ngunit di ito kumakapit marahan lang ito gumagana s**t nasira pa ata ang break ayokong bumangga sa madaming tao sa bandang iyon kelangan ko mapahinto ang sasakyan kaya bahala na ibabangga ko ito sa malaking puno
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD