Siblings

1538 Words
Lance Pov "Yes Haze, I hope that na tuluyan ko nang mapapabagsak si Aizen para saking mapunta ang posisyon sa pagka Vice President!" luminga muna sa paligid kung may tao, kausap ko sa kabilang linya ang tapat kong tagasunod na si Haze. "But i would like to make sure na mawawala na siya sa landas ko, pipilitin kong makabisita sa kanya and see with my very own eyes his miserable life." "Yeah nabanggit mo nakakainis nga eh, ilang beses na kong nagpasabi na bibisitahin ko sila sa Mansion, pero ang nakakabuwisit kung bakit pati ako ay kailangaan dumaan sa security measures ng Security Agency nila. Sobrang higpit ng Director nila." "Nagpa total news block out pa sila para hindi maibalita ang nangyari kay Aizen at kahit ni katiting na info walang nakakarating sakin 'bout kay Aizen!!" "Ou parating na si Chairman pababa na ko sa lobby para abangan ang matandang hukluban. This is really a great blessing dahil malapit na ang aniversarry, gusto kong ako mamuno para sa project event na to at dahil wla pa si Aizen, sure na ko dito. It's time na para marealize nila importansya ko sa kumpanya at pamilyang to ang worth ko. Mapapansin nila na mas magaling ako kay Aizen. Bye for now haze tawagan mo na lng ko pag nakabalik ka na dito sa manila." Confident ako na tiningnan ko sa malaking salamin at inayos ko pa ang coat and tie ko. Pumuwesto ako sa unahan ng mga mataas ang katungkulan dito sa kumpanya. "Good Morning Sir Lance!" bati ng lahat sakin na di ko naman sila inintindi for me mga wala silang kwenta. Mga bwisit Sir lang ang tawag sakin ng lahat kailan ko kaya matitikman na matawag na President. Ni hindi ko sila pinansin hanggang sa nakita kong nagbabaan ang security team sa main entrance nitong gusali. Nagulat ako sa nasasaksihan ko. "Ano to!!!!" nanginginig na nakatikom ang kamao ko, bakit si Aizen itong nakikita kong kasama ni Chairman Mao. Anong nangyari? paanong maayos na si Aizen?" bulong ko sa sarili ko. "Welcome back chairman" bati ng mga Executives ng ibat-ibang Department. Nang tumapat na sa akin sila Aizen at Chairman pilit akong ngumiti at sabay bati sa kanila "Welcome back grandpa. It's good to see you back Aizen." Wika ko. Ngumiti lang si Chairman na nakakainis at si Aizen naman ay tumango na parang inaanyayahan akong sumama paakyat at tuloy-tuloy na pumasok kami sa conference room. Grrrr!!! Anong nangyari bakit nandito na si Aizen at mukhang maayos na siya. Hindi maaari ito anong nangyari bakit nagkaganoon? CLOSE DOOR MEETING CLOSE DOOR MEETING "Tara tol yosi muna tayo o kape" aya ni Cedrick kay Brent, pagkasabi nito'y niluluwagan ni Cedrick ang collar ng polo at umestretch ng bewang sa kaliwa at kanan na naka angat mga kamay sa ere. "UGGGHHH....." Daing ni Cedrick matapos makapag strecthing. "Sige tol saglit lang tayo baka tapos na ang meeting wala pa tayo, malalagot tayo niyan." Bago humakbang paalis ay sumulyap muna si Brent sa pinto ng Conference Room, naisip niya si Aizen sa loob ng kwarto at lumingon pa ng maka-ilang hakbang na sila. "Tol okay lang yun amo natin kaya huwag ka na mag-alala sa kanya, nakita mo naman kanina mukhang okay na okay na si Vice President di ba?" Ani Cedrick. "Hindi lang naman yun tol ang iniisip ko. May iba pang bagay ang bumabagabag sa isip ko." Sagot ni Brent. "Anong bumabagabag sayo Brent?" Tanong ni Cedrick. "Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin kung sino ang mastermind na naguutos kay Bossing na iligpit si Vice President. Naiisip ko din na kailangan ko din mag ingat dahil ako ang dahilan ng pagkasira ng plano ni Boss." "Sabagay tama ka kailangan mo din mag ingat, pero ngayon kabilang na tyo sa mga Security Aid ng mga Shau-Chen siyempre sagot na tayo ni Chief kaya wala ka nang dapat ipangamba Brent. Ang tanong sino kaya ang nagtatangka sa buhay niya?" saad ni Cedric. "Kaya nga dapat malaman ko kung sino sila at bago pa sila makakilos!" Sagot ni Brent. FLASHBACK (4 HOURS AGO) "Kisky, I am definitely fine, obvious naman di ba? gusto ko ng makapagtrabaho na ulit ang daming kong hahabulin na projects ng kumpanya. Aside from that pumayag na sila Mommy Ives at Lime na makabalik na ko sa kumpanya. According to Chief nagpadagdag na siya ng magbabantay satin." Wika ni Aizen habang binabasa ang files ng mga project for the month. "Kung hindi lang ngayon ang uwi ni Chairman, dito ka lang at ako na pupunta ng office." Wika ni Executive Secretary ni Aizen na si Kiskey. "Thank you." sabi nito sa maid ng abutin ang mga pinaplantsa ulit ng mga coat nila na gagamitin. "Tawagin niyo lang po kami Sir kung may kailangan pa po kayo, sige po." Wika ng mga ng mga maid at pagakatapos ay lumabas na ng kuwarto. "Kaibigan kasi kita Aizen kaya pinagiingat ka namin. Ayaw ko na kasing may masamang mangyayari ulit pa sa iyo." patuloy ni Kiskey. "Kaya nga mahal na mahal kita Kiskey ikaw ang nagiisang bestfriend ko na parang kapatid na ang turing ko sayo sabay yakap ni Aizen kay Kiskey. "Hayyy ikaw talaga si Aizen Shau-Chen the unstoppable, workaholic, goal achiever etc etc." Wika ni Kiskey. "Kailangan na kasi ako ng kumpanya natin, matagal tagal na din ang panahon na nawala ako lalo na malapit na anniversary event." Ani Aizen. "May naisip na ko concept at ideas para dito." Wika ni Aizen matapos yumakap kay Kiskey ay tiningnan niya ang mga files na ilalagay sa attache case. Matapos nun ay isinuot na rin niya ang coat. "Wanna join later para makapag kape sa favorite kong coffee shop?" Nakangiting sabi ni Aizen kay Kiskey at mukhang may hindi maganda itong binabalak. "Excited much ah, all smile ka pa best, eh sa tingin mo ba makakalusot ka ng mga bago mong bodyguards natin. Particularly kay Montecillo na hindi na nawala ang mga paningin niya sa pagbabantay niya sayo." litanya ni Kiskey. "Kailangan talaga may approval nila pag aalis ako? Baka nakalimutan mo na Kiskey wala pang na assigned na bodyguard ang nakapag pa renda sakin. Magaling kaya ko tumakas" sabay taas ng kilay ni Aizen. "Dare? Let's have challenge. Kung matatakasan mo yun mga security aid mo ililibre kita ng paboritong frappe or cappucino kapag hindi mo magawa ako ang ililibre mo latte. Deal?" Aya ni Kiskey kay Aizen. "Sure Deal." Wika naman ni Aizen. "Tawagin ko na ba sila?" Tanong ni Kiskey. "Go ahead at nang makaalis na tayo uutusan ko lang mga yan at ako masusunod" sabi ni Aizen na iniready na ang sarili. "Huwag papakasiguro." Masayang sabi ni Kiskey. Agad na pinapasok ni Kisky sila Brent at Ced humanay naman ang dalawa para harangan ang pinto, napuna ito ni Aizen kaya may awtoridad na nag utos si Aizen. "Starting today babalik na ko sa work." Nagtinginan muna sila Brent at Aizen sabay sabi ng... "No Sir." "Alam niyo ba ginagawa niyo, Ako ang amo niyo kaya ako ang masusunod." ani Aizen. Ngunit di natinag ang dalawa na di papaalisin ang amo sa kwarto habang si Kisky naman ay sumimple ng ngiti at umikot ikot ang paningin. "Sir, dito na lang po kayo habang wala pang advice ang doktor ninyo" sagot ni Cedrick. Sisimangot na sana si Aizen ngunit mabilis na nakahanap ito ng solusyon. "Matitigas kayo ha tingnan ko lang ngayon sa gagawin ko." bulong nito sa sarili. "Ayaw ninyo ko sundin ah, una ayaw ko sa lahat na kapag kinakausap ako dapat tinitingnan ako dapat ng diretso." Wika ni Aizen. "Sir bawal po samin makipag eye to eye contact sa Vip." sagot ni Brent. Lumapit si Aizen kay Cedrick at inabot nito ang shades na suot ngunit dahil sa matangkad si Cedrick dahan dahan itong yumuko upang maabot ni Aizen ang shades nito. BRENTS POV (Waahhh anong nangyayari kitang kita ko sa harapan ko na bumagal ang galaw nila, dahan dahan naman yumuko ang kaibigan ko para maabot lang ng amo namin ang shades niya, nang tingnan ko mukha ni Cedrick ay nakangiti ito sa amo namin. Ibinaling ko naman ang mata ko kay Aizen napakaaliwalas ng mukha niyanh nakangiti tila nakakaakit, nakakagaan ng pakiramdam parang mukha ng querubin ang sarap kurutin ang pisngi sa sobrang ka cute-an nito, Ang saya-saya sa pakiramdam nang bigla na lng may narinig ako sa aking dibdib na tunog, 'tsug tsug tsug tsug' puso ko ba yun,,, Mahal ko na ba si Aizen??? Kasunod nito bumuka ang bibig nito ngunit wala kong marinig na sinasabi nila at tumango naman ng dalawang beses si Ced, nagbalik na lang ako sa realidad nang madinig ko na nagpasalamat ang Vice Pres. At papalabas na sila ng pinto kaagad din akong sumunod at nagtataka sa ikinikilos nila papababa na kami mula sa 2nd floor ng mansion. Tinatahak na namin ang malaking hagdanan. "Pasensya na tol pumayag na ko kasi susunduin natin sa airport si Chairman Mao" paliwanag ni Ced sa akin. Pagkababa namin ay derecho na kami ng sakay ng van na itim, tila malabo pa sakin ang nangyare kanina kaya minabuti kong maupo sa unahan para maiiwas ko ang aking sarili sa pagkabigla ano bang nangyare sakin kanina sa taas. End of Flashback
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD