Bitter Sweet (Part 1)

2417 Words
"Iho kailangan na talaga magpa lab test ni nanay para matukoy na natin kung ano dahilan ng madalas na paninikip ng dibdib niya." saad ng doktor pagkatapos gamitin ang stethoscope. "Gagawan namin po ng paraan Doc, sa pagbabalik namin makakapag lab test na kami." sagot ni Spocky sa doktor. "Sana po Doc ay wala kong sakit at sa pagod lang ito." wika ni Aling Mira. "Hopefully ganoon nga sana at ipagdasal natin, heto yun reseta ipainom mo kaagad sa kanya kapag nakaramadam si nanay ng paninikip ng dibdib." "Thank you po Doc." sabi ni Spocky. "Ingat kayu sa pag-uwi." paalala ng doktor. Nang maka uwi na ang mag-ina sa bahay, inaya ni Spocky ang kanyang tropa't kagrupo niya sa GoVoyz sa labas mag usap. "Aki ano balita sa Mama mo?" tanong ni Zeke habang palinga-linga sa buong paligid ng tenement. Unang punta niya dito dahil bagong miyembro lang siya sa grupo. "Kailangan na talaga magpalab test ni Mama para makasiguro na kami sa nararamdaman niya, Ang kaso wala pa kaming pera pang gastos." malungkot na saad ni Spocky. "Kaya nga kami naparito Aki para damayan ka at hanapan ng solusyon ang problema mo. Yun nga tol napagdesisyunan mo na ba?" tanong ni Reyster sabay kindat ng mga mata. Halatang may lihim na usapan ang dalawa na nakapukaw ng pansin kay Zeke. "Di ko pa alam eh, bahala na kailangan ko gumawa ng paraan malapit na rin pala mag enrollment," sabay hampas ng mga kamay ni Spocky sa pader at huminga ng malalim. "Kung di lang badtrip sakin si Mama at di sinusulsulan ng Stepdad ko na gago , maso-solve natin yan problema mo kaso di na niya ko pinadadalhan nang direkta eh. Sa Stepdad ko na dumadaan allowance ko kontrolado niya expenses ko." sagot ni Zeke. "Kaya nga tol hinihintay ko na desisyon mo. Kung oo sagot mo , solve yan problema mo kung willing ka talaga." ani ni Reyster kay Spocky. "Kapag naka oo ka na tol wala nang atrasan to bigatin 'tong contact ko!" dugtong uli ni Reyster. Napakunot nuo naman ang may kakapalan kilay, may pagka artistahin at cute na mga mata itong si Zeke na nahuhulaan na booking ang pinaguusapan ng dalawa. "Kung gusto mo tol samahan kita, nandito lang kaming mga tropa mo. Hindi kita pababayaan." ani ni Reyster. "Ou nga solid GoVoyz tayo pre di ba!" dugtong ni Zeke kahit baguhan naman to sa grupo. Tumango ng dahan dahan si Spocky kahit na nakayuko dibdib niya ay abot abot ang kaba. ********** Samantala sa Mansion ng mga Shau-Chen... "Wow ang galing tlga walang kupas," paghanga ni Kiskey ng sunod sunod na bulls eye ang pagpana ni Aizen dahil magaling talaga ito sa archery. "Pag dating sa archery wala talagang makakatalo sa kanya." singit ni Lime. "Pero ako wala kong hilig diyan, makapagbasa na nga lang ng magazine." Muling sabi ni Lime sabay kuha ng teen magazine at napansin ang poging cover model nito. "Ang pogi ah kaso social media talent lang hindi artista, good luck sa career kuya." Sabay lapag ng magazine sa lamesa. Naupo na din si Aizen upang uminom ng kiwi and grape shake. Mtapos uminom ay na-curious din siya sa magazine na nasa lamesa. "Spocky Montecillo." pabulong na basa niya. Napansin ni Aizen na may kapogian nga ang batang bata itsura ng nasa magazine cover. Malakas ang karisma ng binatilyo, manipis ang mga labi at ang mga ngiti lakas makahawa. Wala sa loob ni Aizen na mapangiti ng bahagya. Lance POV Ayun ang magaling na Aizen na iyon, napakaswerte mo naman at nakaligtas ka pa sa mga kidnaper mo. Palpak namam kasi itong kinuha ni Haze nakakabwisit! Napansin ni Haze na hinto ako sa nilalakaran ko kaagad ko siyang sinimangutan. "O Lance bakit ka huminto? May problema ba?" tanong sakin ni Haze. Kababata namin ni Aizen si Haze. Isa din siya sa kumukulo ang dugo sa pinsan kong paboritong paborito ni Chairman Mao. Nangininginig ako sa galit at nakatikom ang kamao ko. "Naalala ko yun halos ipahiya niya ko kay lolo at sa harap ng mga media during presscon!" "Relax ka lang! Ano ka ba? Kailangan natin magkunwari concern sa kanya para di tayo maisipan na tayo ang may pakana sa pag kidnap sa kanya," payo ni Haze sa akin. "Nuknukan ng bobo yun mga kinuha mo. Pasalamat ka na lang at tinapalan ko ng pera mga bunganga nila kung hindi kasama din tayo naghihimas ng bakal ng selda." "O siya, siya kasalanan ko na. Hindi na mauulit ang kapalpakan ko." tugon ni Haze. "Kung hindi mo makontrol galit mo, huwag na tayo tumuloy." patuloy ni Haze. "Huli na nakita na nila tayo!" Nang makalapit ako kay Aizen ay agad ko itong niyakap. "Cuz tama bang di kami ininform na nandito ka lang pala sa mansyon. I hope your doing fine now." sabi ko. "Kung hindi pa sinabi samin ni Mommy Ives wala kami kaalam-alam nakakatampo ah!" sabat ni Haze. "Okay na ako Lance nakapag distress na ko sa nangyari sa akin, probably pwede na ko magtrabaho ulit next week." sagot niya. "Ano ka ba Aizen? Don't push yourself." "Nakakamiss yun ganito magkakasama tayo ulit, alam mo minus Chairman walang pressure, no toxic, yun nag eenjoy lang tayo. Nakakamiss bonding natin noon." saad ni Lime. "Yes, In deed. nakakamiss talaga." Sang-ayon ko. "Oo nga eh gusto mo now na, archery, chess, horseback riding tau?" suggestion ni Aizen. "Hay naku boring at saka for sure ikaw naman panalo dahil ikaw na lang lagi nananalo." pagtataray ni Haze may pagka insecure talaga itong baklang ito. "By the way, sama ka naman sa event namin para makita ka na din ng mga friends natin." invite ko kay Aizen. "Naku kahit nagsawa na ko kakadalo ng mga welcome back party pero sige dahil ikaw ang nag invite sakin Lance pupunta ako." sagot ni Aizen. "Sure yan ah!" Pagkasabi nun ni Haze. Naagaw ang atensyon niya sa isang bahagi ng malaking area ng garden namin. Kung saan naroon ang mga newly hired bodyguards, parang familiar sakin ang isa sa kanila. Napako ang paningin ko sa matipuno at magandang tindig ng guwapong lalaki. "Mga bagong security personel namin mga yan." singit ni Lime "Basta punta ka ah, o paano call ako sa horseback riding game?" Wika ko sabay deadma sa pinsan kong si Lime na cross dresser. "Sure tara game!" sagot ni Aizen at napuno ng kasiyahan ang maghapon nila. ********** Magarang-magara ang hall at nadedekorasyunan ng bonggang palamuti na may makukulay ang mga lights na nagmumula sa stage at background songs ay yun mga kantang kinahihiligan ng mga miyembro ng l***q community. Para sa l***q community ang naturang event na nagpagulat ng kunti kay Aizen. Pagkadating nila Kiskey at Lime naka agaw pansin sila sa mga naroroon dahil kilalang kilala si Lime dahil aktibo ito ganitong occasion ng l***q, kaagad na pinakilala ni Lime sila Kisky at Aizen, prinisinta niya sa mga mga taong naka upo sa table na kapatid niya si Aizen. marami nmn humanga sa kapogian nito magiliw naman si Aizen nakipag kamay sa mga ito. Sa di kalayuan ay kumakaway si Lance naka naka white polo kasama si Haze at isa pang kaibigan nito. Nagsama-sama sila sa malaking round table lahat ng mata'y nakapukol kanila Lance at Aizen dahil center of attraction sila dahil sa kapogian at kasikatan nila sa kani- kanilang karera si Lance sa modelling at si Aizen sa business community. "Pre dun sa table 8 champagne at wine pa follow up sakin lalakas kasi uminom" pakiusap ni Cedrick kay Brent. "Sige pre ako ng bahala magserve" sagot ni Brent. Mabilis na nagserve ang dalawa kasama pa iba pang waiters at catering service na kasama nila palalim ng palalim ang gabi tila walang katapusan magsilaklak ang mga guest sa loob ng hall ng malaking hotel. Sa table naman nila Aizen ay nagkakasarapan sila ng usapan napapadami na rin ang inom nila puro kantyawan ang maririnig sa usapan nila, habang nakikitawa na lang sa kanila si Aizen at Lance. "I think kailangan na natin magpareserve ng kwarto mukhang di ko na kakayanin magdrive pauwi," suggestion ni Lime. "Ou nga tara Kisky punta tayo sa lobby ng hotel pa-reserve na tayo" utos ni Aizen. "Solo ako ah," sagot ni Lime na mejo wasted na . "Kami din may iche-check sa room namin." sabi ni lance sabay hatak niya sa dalawa . biglang nagkaroon ng commotion sa isang table na ikinagulat ng madami may isang waiter pala ang natapunan ng drinks nito sa katawan, kalaunan ay tuloy lang ang inuman ng mawala sa paningin nila ang waiter.  pag pasok nila Lance sa room nila kaagad din pumasok ang dalawang lalaki naka suot lng ng jeans at shirt "So nandito na din pala kayo" ani ni Lance sa dalawang lalaki na may katangkaran din ngunit mas matangkad pa rin sya dito. Si Haze naman dahil sa sobrang kalasingan agad n lumapit sa isa sa mga lalaki at hinawakan ang batok nito at pisngi upang hagkan ang mga labi nito ngunit umiwas ang naturang lalaki. "Aba napaka arte mo ah," at pilit pa rin hahalikan ang lalaki ngunit hindi siya nagtatagumpay dahil inilalayo nito ang bibig nito. "Magkano ba gusto mo" galit na sabi ni Haze. Agad na kinuha nito ang cheque at sinulatan sabay hampas nito sa dibdib nito, kung kanina ang lalaki'y napaka amo ng mukha ng kanilang lapitang ngayon tila nagliliyab ang mga mata nito sa galit. "Your angry ayan oh bayad na kita kaya wala ka ng dapat ipag inarte pa, Bayad ko na ang katawan mo!" sabi ni Haaze na wala na sa wisyo pinagsasabi. "Hey, hey just relax its too early, we will be back for the meantime kumain muna kau ng dinner while your waiting on us" sabi ni Lance sabay alis nila sa room. Samantala naka dalawang restroom na si Aizen ngunit mahaba ang pila kaya nagtanong pa sya kung saan pa may cr ang hotel hawak nito tyan mukhang napasama ata ang kain. Nang makita siya ng roomboys na mukang kelangan na talaga nito mag cr ay itinuro ito sa dulo kung saan usually gumagamit ang employee pagkapasok ni Aizen derecho siya sa cubicle at nagbawas. Nanlaki ang mata niya na wala pala tissue roll sa sabitan nito, nanlamig sya sa sinapit niya dahil paano siya makakapaglinis. Nakahinga siya nang maluwag ng may marinig siyang tao na pumasok kaya nagtangka na siyang humingi ng tissue roll dito dahil inakala niyang janitor ito gawa ng ingay na narinig niya sa luob ng restroom." "Thank you" wika ni Aizen ng iabot sa kanya pagkatapos niya ay agad n lumabas ito sa cubicle. Laking gulat niya sa lalaking walang pang itaas. si Brent ang nasa harapan niya di niya maiwasan mapako ang mga mata niya sa katawan at mukha ng gwapong Binata. Napatitig naman ang si Brent sa kanya dahil mas lalong namula pa mukha ni Aizen noon una'y dahil sa kalasingan at ngayon pagkakatitig nito sa kanya. "Ano nga pala ginagawa mo dito?" tanong ni Brent. "Invited ako sa gathering." sagot ni Aizen na mapatitig siya sa mga mata ni Brent. Nakaramdam ng hiya si Aizen dahil halata sa mukha niyang wasted na siya. Lalo pa siyang namula at di nakatakas iyon sa mga mata ni Brent. Dalawang buwan din ang lumipas magmula ng nagbitaw ng masakit na salita si Brent kay Aizen. May galak sa kanyang dibdib nang muli silang magkita di maipaliwanag ni Brent ang saya ng mga oras na iyon. Flashback "O tol tulala ka naman, alam mo itong mga nakaraang linggo parang laging malalim ang iniisip mo," si Cedrick na hawak hawak ang phone habang nagsasalita ay panay ang type nito sa screen ng phone niya. "May naalala lang ako tol!" inis n sagot ni Brent. "Tulad ng ano o baka sino?" nakangiting sagot ni Cedrick. "May tinutukoy ka ba, wag mo ko badtripin pre?" muling sagot ni Brent. "Yan ba yun makulit at madalas mong bukambibig kapag laman siya ng balita sa tv at dyaryo?" sa puntong itoy nakakaloko na ipinahihiwatig ni Cedrick. "Gago hindi!" sagot ni Brent. "Okay sabi mo eh, sana lang" makahalugang sabi ni Cedrick na patuloy sa pakikipagtext. "Sino ba yan katext mo?" tanong ni Brent "Jojowain ko bakit?" sagot ni Cedrick. "Sino na naman yan?" pagtataka ni Brent. "Joke lang nagkakamustahan lang kami ni richkid". "Gago kilala kita, alam ko yan galawan mo di naman ganoon si Aizen sa mga katulad ng mga nakakarelasyon natin, Oo nakikipagrelasyon tayo sa mga bading pero ibahin mo si Aizen. Lalaki yun hindi yun bading." "Wow tito di ka din napaghahalataan na interesado ka sa kanya, malay mo naman magkatotoo minsan pinapangarap natin, maraming nangyayari sa mundo na di maipaliwanag minsan, malay mo magkagusto siya sa akin o sayo." litanya ni Cedrick. "Baliw ang dami mong alam." Nakakalokong sabi ni Brent. "May nabasa ko dati eh minsan sa buhay ng isang tao may darating na tila babaliktarin ang mundo mo sa di mo inaasahan malay mo baka si Aizen na yun." "Ang baduy mo tol sa lagay na yan." End of Flashback... "May problema ba? Bakit di ka makatingin sakin ng derecho?" tanong ni Brent kay Aizen. Nakaisip ng kapilyohan si Brent. Mga ilang segundo na rin napatulala si aizen bagamat may tama ng alak ewan kung ano merun sa isip niya na magawa niyang titigan ang lalaking nakahubad ng pang itaas. "Pwede bang pakipunasan ako." utos ni Brent. Walang isip-isip pang inabot naman niya inabot ang face towel at sinimulang punasan ang dibdib at abs nito pabalik balik pa ang tingin ni aizen sa mata, dibdib at abs ni brent habang nanginginig na pinunasan niya ito. Dito na nakumpirma ni Brent ang nakatagong katauhan ni Aizen. "Ahem!!" si Brent na mariing nakatitig kay Aizen. Sa pakiwari niya'y nadadarang sa kanya si Aizen, pinutol nito napakagandang panaginip ni aizen kaya natauhan agad ito at tila nalilito pano dadaan sa nakaharang na si Brent. Nagulat na lamang ng hawakan siya ni brent at ipatong kamay nito sa kanyang dibdib nito kaya mas lalong nataranta si aizen na lumabas ng cr. Pagbalik ni Aizen ang kasama na lng ni haze at lance ang naiwan sa table ng tanungin niya ito kung asan sila Kisky at kapatid na si Lime , nauna n daw to sa kinuhang rooms sabay abot ng card key na may numerong 356 "Thanks ha sige mauna na ko kasi kelangan ko na din magpahinga medyo nahihilo na din kc ko." Nangiti lng ito sabay bulong ng "tonight there will be a fallen angel." sabay lagok ng wine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD