Nang marating namin ang tuktok, sa gitna nito ay may parang gazebo na may mataas na bubong para di maabot ng siga ng apoy. Dito ay puwedeng magluto , ang iba ay clinear ang area. kunting gapas dito, gapas diyan para maitaboy ang mga hayop sa paligid. Kami naman ni Ced nanguha ng mga sangang kahoy para sa magdamag na siga ng apoy. Ang iba nama'y nag umpisa ng magluto nang aming kakainin. pagkabalik namin galing sa pangunguha ng putol na sanga nadatnan namin di maitayo-tayo ang malalaking tent nila Kisky at Aizen kaya tinulungan na namin sila.
Salo-salo kaming kumain kanya kanyang share ng kwento about sa buhay, mga napuntahan lugar bilang turista at di mawawala ang mga kababalaghan.
"Marami magagandang lugar dito sa Mountain Province ang di pa natutuklasan at hinihintay lang na mapuntahan ng mga kagaya ninyong turista." Sabi ng pinaka matandang tour guide.
Salitan ang pagbabantay ng bonfire para hindi ito mamatay sa magdamag kaya nauna na kong pumasok sa tent.
"Dito ko matutulog ah, Kinausap ko na si Kiskey para ma-solo kita." sabi ko.
"Basta ba hindi ka humihilik ah. Mahirapan ako makatulog niyan." ani ni Aizen.
"Ang totoo niyan babantayan kita magdamag habang natutulog ka."
"Oh bakit natahimik ka Zenzen?" Puna ko.
"Naalala ko kasi yun napanaginip ko kanina na mahuhulog daw ako sa bangin, pati yun mga kabaong kanina. Ang weird di ba, hindi kaya babala na may mangyayaringa masama." Sabi niya.
"Kaya nga sabi ko sayo wag mo nang tingnan eh."
Tumabi ako ng husto kay Aizen at saka ko inakbayan.
"First time ko kasi mag camping, kaya takot ako pag ganitong mga lakad, I'm adventurous na tao pero pinalaki naman kami na mga kapatid ko na matibay ang loob. Hindi ko lang lubos na maisip bakit may nagtatangka sa buhay ko?" patuloy niya.
Mabilis akong hinalikan ni Aizen at sabay yakap sa akin.
"Nagiging malambing ka na talaga sakin." Sabi ko.
"Nagpapasalamat ako kasi dumating ka sa buhay ko, ilang beses mo na kong inililigtas, utang ko sayo ang buhay ko."
"Kaya bumabawi ako Brent feeling ko kasi lagi na lang ikaw ang nagpaparamdam sakin na mahal mo ko, kaya ngayon ako naman magiging sweet sayo magmula ngayon, mahal na mahal kita Brent."
"Wala yun lahat gagawin ko para sayo Zenzen.Mahal na mahal din kita Aizen." Sagot ko.
Muling naglapat ang aming mga labi, sa puntong ito mas masuyo ang aming halikan. Kinabig ko pa ng husto si Aizen upang maikulong ko sa mga bisig ko. Malugod naman gumanti ng yakap sakin si Aizen.
Masasabi kong si Aizen na pinakamamahal ko sa lahat. Sa lahat ng taong nagdaan sa buhay ko, mapa babae man beki o matrona. Ngayon lang ako umibig ng ganito. hinahanap ng sistema ng katawan ko kapag hindi ko siya nakikita o wala sa aking tabi. Unti-unti na rin nawawala sa isip ko ang paghihiganti sa kanyang pamilya. Siya ang bumura ng galit sa puso ko.
Flashback
"Pakiusap Chief, pakinggan ninyo akong mabuti."
Nakatayo ako sa harapan ni Chief sinusubukan ko siyang pakinggan ang aking pakiusap.
"Sige makikinig ako." matipid na sagot ng may edad na lalaki na matagal nang nagtratrabaho bilang head of security personnel ng mga Shau-chen.
"Payagan po ninyo ko ilihim ang aking totoong detalye sa buhay ko, upang maisagawa ko ang pag iimbestiga sa mga taong nagtatangka sa buhay ng Vice President." Wika ko.
"At bakit ko naman gagawin iyon, Bakit kita pahihintulatan magsagawa ng ayon lang sa sarili mong plano, at bakit hindi mo pinaalam sakin ang mga plano mo?" Tutol ni Chief sakin.
"May palagay po kasi akong naririto lang sa paligid ang Mastermind." Mariing sabi ko.
Lumapit ako upang ibulong ang sasabihin.
"Kasama po ako sa mga kidnappers ng gabing dinukot ang Vice President, sa pamamagitan ko nakatakas siya dahil nagbago po ko ng isip at mas pinili ko ang gumawa ng tama."
Nanlaki ang mga mata ni Chief Rodriguez sa nalaman.
"Puwede po ninyo ko kasuhan pero pahintulutan ninyo ako na matunton ko ang Mastermind sa lahat ng pagtatangka sa buhay ng Vice President. Pagkatapos noon ay handa po akong makulong pero hayaan ninyo muna mabantayan ko ang mga VIP."
Tahimik lamang ang Chief ng security agency na nagbabantay sa Shau-Chen sa tantya ko ay nagiisip ito ng malalim.
"Kung hindi kayo naniniwala sa sinasabi ko isangguni ninyo sa Vice President ang pagsasabi ko sa inyo ng totoo, ipinasiya niya na huwag na ako idawit sa kaso ng kidnapping bilang pasasalamat niya sa akin, sinisiguro ko sa inyo na sasang ayunan niya ito, pakiusap hayaan ninyo ako sa plano ko." Pagpupumilit ko.
"Sige panghahawakan ko ang mga sinabi mo naka record lahat ng mga binitawan mong salita kaya wala kang maitatanggi."
Masasabi kong matalino nga ang Chief namin na maisipan niyang irecord ang sinasabi ko.
"Sa tingin ninyo ba papalya si Lieutenant Morales sa pagkalap ng mga impormasyon sa akin, hawak ninyo lahat ng dokumento tungkol sa akin, wala na akong naitatagong baraha kung nakikipag sugal ako sa inyo." Muli ko pang sabi.
"Matalino ka bata, Pagkakatiwalaan kita. Itatago ko ang mga dokumento ng tungkol sa iyo." aniya.
"Ito po ang ipakita ninyo kung sakaling may mag background check tungkol po sa akin."
End of flashback
Ilang minuto na pala ang nakalipas, nakatulog na pala habang yakap ko si Aizen, hawak ng kanang kamay ko ang pisngi ni Aizen sabay marahan kong pinipisil ang kanyang labi. pagkatapos nito'y hinalikan ko ang kanyang noo.
************
2nd day ng aming trek sa mga kabundukan ng sagada tila napatingin sakin sila Cedrick at Kisky na naupo lang ako sa malaking bato nang iligpit ni Brerent ang tent namin.
Nang makaligpit ay nagumpisa kaming tahakin ang daan sa kabilang bundok nahihiya man akong pasanin ni Brent dahil pinulikat ako.
Ganito pala kasarap yumakap sa bortang boyfriend ang sarap yapusin sa lahat ng oras ay lagi naman ako secured pag binabantayan niya ko lalo pa ngayon nakapasan ako sa kanya kaya magmula ngayon araw araw na ko magiging sweet sa kanya i swear wag lang mag PDA in public.