Crazy Little Thing Called Love Part 1

1022 Words
"Sa condo kami ni kisky tutuloy ngayon gabi pwede na kau umuwi" utos ni Aizen sa dalawa. "Hindi po puwede sir, kailangan pa rin po namin kayo bantayan." Tutol ni Brent. "Huh" pagtataka ni Cedrick sa tinuran ni Brent, gabi na gusto ko na ng pahinga tol sabi ni Cedrick sa sarili. "Gabi na masyadong malayo kung sa mansyon pa kami uuwi kaya sa condo na lang kami tutuloy ngayon." saad ni Aizen. "Sir nakasaad po sa protocol na kahit saan po kayo pumunta kailangan ninyo pa rin ng bantay, maliban na lamang kung ihahatid namin kau pauwi sa mansyon ngayon at saka lang po kami makakapag out sa duty namin." mahigpit pa rin sabi ni Brent. "Pero gusto ko na magpahinga!" pamimilit ni Aizen. "Okay po Sir, doon po tayo sa condo ninyo at hindi po kami uuwi titiyakin namin na safe kayo magdamag." sabi ni Brent na hindi pa rin matinag tinag ang pasya. Wala na ng nagawa si Aizen nang pagbuksan siya ng pinto ng kotse para sumakay na sa loob. Walang imikan sa loob ng kotse maliban lamang kay Kisky at Cedric na nagtuturuan ng daan patungo sa condo. Nang makarating na sila sa condo nagpaiwan ang dalawa sa labas para magbantay sa paligid. "Sigurado ka ba dito Pre? bakit di na lang tayo magpapunta ng ibang security personnel para may papapalit satin." suhestiyon ni Cedric. "Kanina ko pa ginawa yan pero di nakapasok ang isang kapalitan natin." Sagot ni Brent at pagkatapos ay ipinakita kay Cedric ang text mula sa Headquarters. "So palitan tayo sa pagbanbantay?" Wika ni Cedrick sabay kamot sa likuran ng kanyang ulo. "Ganun na nga." sagot ni Aizen. "Ano ba naman to tol, wala na nga tayo pahinga buong maghapon. Pati ba naman dito rin sa sahig tayo sasalampak." Reklmo ni Cedrick. "Huwag kang maingay diyan baka marinig tayo ng mga VIP sa loob." saway ni Brent kay Cedrick. "Eh kasi naman tol pahinga na sana natin to eh. Masakit na mga paa ko kakatayo magmula pa kanina sa Conference Room." Nayayamot na sabi ni Cedrick. "Isipin mo na lang O.T to." Mabilis na sabi ni Brent. "Pasok daw kayong dalawa sabi ni Vice President." sabi ni Kisky pagkabukas ng pinto. Nagkatinginan muna ang magkaibigan at hindi alam ang gagawin sa alok sa kanila ni Kiskey. "Pasok daw tayo pre, ayaw mo bahala ka." mabilis na nakapasok si Cedrick sa loob, wala naman nagawa si Brent kung hindi sumunod na lang sa kaibigan. Tumayo naman magkahanay ang dalawa sa harapan ng naghihintay na si Aizen. "Since pagod tayong lahat, huwag niyo na kaming bantayan, matutulog tayong lahat at wala ng magtatrabaho malinaw." Si Aizen na pilit n kino-compose ang sarili na huwag mainis. Nais pa kasi ni Aizen na lumabas ngayon gabi para makapag unwind. "Dalawa lang kasi ang bed sa kwarto.." Hindi pa tapos magsalita si Aizen nang... "Sir huwag na po ninyo kami alalahanin, Okay na po kami dito sa sala." mabilis na tugon ni Brent. Problema nito, ang sungit ah sabi ni Aizen sa sarili. "Okay Good, One more thing kasi naiinis ako puwede bang hubarin ninyo na mga shades ninyo." Hindi ko tuloy nakikita kagwapohan mo Brent pati pagka kwela ni Cedric di ko mamasdan tinatakpan ng mukha ninyo mga shades na yan. Pauso!! Sabay pasok sa kuwarto ni Aizen para kunin ang mga gamit na ipapahiram sa kanila dalawang towel. dalawang white tshirt at shorts. "Woooohh Salamat makakapagpahinga na rin tayo!" sabay dive sa malaking sofa ni Cedrick. "Parang sungit mo ata ngayon Pre" puna ni Cedrick nang mapansin nakatingin pa rin sa pinto si Brent. "Ako? panong masungit?" tanong ni Brent. "Oo kaya tol ang sungit mo kay babe, kay Vice pres." Loko lokong sabi ni Cedrick. "Hindi ako nagsusungit ginagawa ko lang trabaho natin." paliwanag ni Brent habang nagtatanggal ng sapatos at medyas. "Heto gamitin niyo pamalit tapos un toothbrush at sabon mayriin din pang guest sa bathroom." sabay abot ni Kiskey sa dalawa ng mga pamalit. Si Aizen naman ay hindi maipinta ang mukha pa rin dahil wala siyang kawala sa mga bantay niya. Kaagad naman naghubad ng suot pang itaas si Cedrick. "Mauna na ko mag shower tol ah." "Marami pong salamat Secretary Kiskey." si Brent na hinubad na ang coat at long sleeves na polo at isinampay sa cabinet na walang laman "Sir Naiinis po ba kayo dahil napakahigpit naming nagbabantay sa inyo? Hindi po ba kinausap ko na kayo na kailangan ninyo pag ingatan ang sarili ninyo." sabi ni Brent kay Aizen habang titig na titig ito sa mga mata ng Vice President. Nakaramdam naman ng pagkahiya si Aizen dahil sa tingin niya ay lumalabas siyang pasaway at nakakalimot sa mga nangyari. Iniwan na lamang ni Aizen si Brent. Samantalang naupo naman sa couch si Brent. Aizen Pov Magkaiba talaga ng personality ang dalawang yun, Si sungit masyadong strict, firm at seryoso sa trabaho, samantalang si Cedrick nakakatuwa, easy to be with, makulit parang tropa lang, hindi katulad ng Brent na yun mukhang mahihirapan ako sa kanya. Hindi ko siya magagawang takasan minsan. "Sarap magshower mapapasarap tulog ko nito." nang lumabas si kisky sa cr agad na humiga ito sa kama at nagbrowse ng phone. "Buti ka pa ,ako parang buhay na buhay pa utak at mga dugo ko di pa ko dinadalaw ng antok." Sabi ko habang tinitingnan ko ang mga libro sa study table. "Ito rin pala yun nasa bahay." Pansin ko. "Gusto mo uminom Kisky kahit wine lang." Aya ko sa matalik kong kaibigan. "tulog na pala siya agad grabe sumayad lang sa kama nakatulog agad de bale ako na lang kelangan ko uminom. Ang ligalig pa ng mga brain cells ko ang daming ideas pumapasok para event, kailangan ko ng pampaantok." sabi ko sa sarili ko. (door knocking) "Sir umorder po ba kayo ng pizza?" tanong ni Cedrick. "Ah O-Oo" natagalan akong sumagot dahil bumungad sa akin ang maskuladong hubad na katawan ni Cedrick. Dali-dali kong tinungo ang delivery boy at binayaran ang inorder ko. "Bakit ganoon tila parang may nanginig ng kunti ang katawan ko nun makita ko si Cedrick." pumikit ako pinilit na pinakalma ang sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD