I want all of you. Your flaws. Your mistakes. Your imperfections. I want you and only you.
--
Dear EX,
Niyaya ako ng kapatid ko na kumain sa labas, libre daw niya kaya naman panay ang tanong niya sa akin kung ano ba raw ang gusto ko. Matamlay ko namang tiningnan ang menu sa harapan ko. Iginala ko ang mga mata ko habang paulit-ulit sa isipan ko ang katanungan na ‘anong gusto mo?’ tapos ikaw bigla ang pumasok sa isipan ko.
Ikaw ang gusto ko. Ikaw pa rin hanggang sa huli ang gusto ko.
Magmula noon hanggang ngayon, ikaw ang pinakagusto ko. Hindi ako magsasawang isipin ka, lahat ng tungkol sa'yo, dahil gustong-gusto pa rin kita.
Gusto kitang kausap. Gusto kitang ingatan at gusto kitang alagaan. Gusto kitang mahalin hanggang sa dulo ng buhay ko. Gusto kong ikaw ang makasama ko sa lahat ng pangarap ko. Ang dami kong gustong gawin at maranasan na kasama ka.
Pero alam ko naman na hanggang pangarap na lang ang lahat ng iyon. Na kahit gaano pa kita kagusto ay wala naman akong magagawa kung hindi naman ako ang gusto mo.
Wala akong magagawa kung—hindi talaga tayo hanggang dulo.
MGN