Episode Twenty Five

1905 Words
Xavier’s Point of View             Pagkaraan ng lagpas tatlumpung minuto ay nakarating na nga kami sa bahay nila Samantha. Pagkababa ng lahat ay nag-inat kami. Napatingin ako sa paligid. Malaki ang bahay nila. Dalawang palapag at sa paligid ay may mga tanim na halaman. Mukhang tahimik naman ang paligid. Gusto ko ng mga ganitong tanawin. Nakaka-refresh ng isip.             “Samantha, anak!” ang pagtawag ng isang boses. Napatingin naman kaming lahat. Isang medyo matabang babae ang sumalubong sa amin. Hula ko ay siya ang ina ni Samantha. “Nakarating na kayo, sa wakas!”             “Nay, na-miss kita!” si Samantha sabay yakap sa kanya. “Heto nga pala ang mga kaibigan ko. Heto nga po pala ang mga kaibigan ko; si Xavier.”             “Siya ba yung ikikwento mong magaling gumawa ng mga panghimagas?” ang tanong ng nanay niya sabay harap kay Xander. “Napakagandang binate.”             “M-maganda?” ang reaksyon naman ni Xander. Nagkatinginan naman kami nila Nico at nagpigil ng tawa. Napangiti naman ang nanay ni Samantha sabay tango. “Paniguradong maganda ka kapag naging babae ka. Tignan mo yang mga labi, mahihiya ang mga rosas kapag itinabi sa mga yan.”             “Heto po si Xander, ang kambal ni Xavier,” ang sunod namang pakilala naman ni Samantha sa akin. Lumapit naman ang kanyang nanay at hinarap ako.             “Aba’y…napaka-gwapong bata!” ang reaksyon niya nang makita ako. “Hindi na ako nagulat na magkapatid kayong dalawa. Napakagandang lahi. Baka interisado kang lahian ang angkan namin?”             “Nay!” ang suway naman ni Samantha. Natawa naman kaming lahat. “May girlfriend na yang si Xander. Heto po, si Trisha.”             “Sayang naman,” ang komento naman ng nanay niya. Napatingin naman siya kay Mikael. “At sino itong matangkad at gwapo ring ito?”             “Siya naman po si Mikael,” ang pagpapakilala naman ni Samantha kay Mikael.             “Ah, siya si Mikael,” ang nakangiting tugon ng nanay niya sabay tingin kay Xander. “Ako ng pala si Flora, ang nanay ni Samantha. Halina muna sa loob.”             Sumunod naman kami bitbit ang aming mga gamit.             “Pwedeng kasama ko si Trisha ko, Nay,” ang suhestyon ni Samantha kay Aling Flora. “Kung okay lang sa’yo?”             “Okay lang sa akin, ano ka ba?” ang reaksyon naman ni Trisha. “Mas maganda nga yun kasi makakapagkwentuhan pa tayo. You know, girl talk.”             “Sa kabilang kuwarto naman ang mga lalake,” ang bilin naman ni Aling Lucia. “Magpahinga na muna kayo, mga anak. Ipaghahanda ko kayo ng pananghalian.”             Pumasok naman kami sa kuwarto. Kaagad akong dumungaw sa bintana upang tignan ang kapaligiran. Nakakatuwang panoorin ang mga punong sumasayaw sa ihip ng sariwang hangin. Ngunit mas lalo akong namangha nang mapagtantong malapit ang bahay nila sa dalampasigan.             “Tignan niyo ‘to,” ang pagtawag ko naman sa kanila. Kaagad naman silang lumapit at dumungaw sa bintana. Itinuro ko ang dalampasigan.             “Beach!” ang eksklamasyon naman ni Nico. “Pwede ba tayong pumunta diyan pagkatapos nating bisitahin yung albularyong kakilala ni Samantha?”             “That’s why were here, right?” ang reaksyon naman ni Xander habang nakangiti. Natigilan naman kami nang may kumatok sa pinto. Nagbukas naman ito kasunod ng pagpasok ni Aling Flora.             “Tara na muna kumain bago kayo magpunta kila Bebang,” ang bilin niya. Kaagad naman kaming sumunod sa kanya. Habang pababa kami ng hagdanan ay kinakausap pa rin kami ni Aling Flora. “Hindi ako makapaniwala na… sa panahong ito. May mga bata pang naniniwala sa mga albularyo. Teka nga, matanong ko nga, ano bang kailangan niyo kay Bebang at nadayo pa kayo rito sa Baler?”              “May kakilala po kasi kaming nakulam,” ang tugon naman ni Nico. Natigilan naman si Aling Flora at napatingin sa amin.             “Kulam?” ang pag-uulit niya.             “Oho,” ang pagkumpirma naman ni Mikael. “Aba, kung ganun nga ay si Bebang ang kailangan niyong kausapin.”             “Naniniwala rin po kayo sa kulam?” ang tanong naman ni Nico kay Aling Bebang nang pinagpatuloy namin ang paglalakad.             “Hijo, ilang dekada na ako rito sa Baler,” ang saad ni Aling Flor. “May mga hindi maipapaliwanag na pangyayari na akong nasaksihan. Kaya naman, para sa akin, walang imposible sa mundong ating ginagalawan. Kahit nga nung mga panahon na hindi pa tayo nasasakop ng mga Kastila ay meron nang sinaunang mangkukulam. Mga babaylan ang tawag sa kanila.             Tama na muna itong usapan natin, kumain na muna tayo,” ang sabi ni Aling Flor nang nagtungo kami sa kusina. May malaking mesang gawa sa kahoy, naroon ko na nga sila Samantha at Trish na naghahanda ng mga pinggan. Naupo naman kami at nagsimulang kumain. Sinigang at iba pang pagkaing Pinoy ang aming pinagsaluhan.             “HANDA na ba kayo?” ang tanong ni Samantha nang nasa labas na kami ng bahay nila. Papunta na kami sa tirahan nitong nagngangalang Aling Bebang. Napatingin naman kami ni Xander sa isa’t-isa at sabay na tumango. Pinili naming maglakad patungo sa kanila. Malapit lang naman daw ito at malalakad ng hindi hihigit ng sampung minuto. Gusto rin naming ma-enjoy ang kalikasan. Iba rin kasi iting tanawin. Halos ilang araw na kaming nakakulong sa campus ng Richmond University kaya naman hindi na kami nagdalawang-isip maglakad kahit na tirik ang araw. Isa pa, komportable rin naman ang pag-ihip ng hangin.             Pagkatapos nga ng mahabang lakaran ay nakarating din kami sa tapat ng isang munting bahay.             “Aling Bebang!” ang pagtawag ni Samantha sabay katok sa pinto. “Aling Bebang! Andyan po ba kayo? Ako po ito, si Samantha; anak ni Flora.”             Wala namang sumasagot o nagbubukas ng pinto. Nagkatinginan kami sa isa’t-isa. Ipinagpatuloy naman ni Samantha ang pagtawag at pagkatok.             “Anong kailangan niyo?” ang tanong ng isang malamig na boses mula sa likuran namin. Napatalon ako dahil sa gulat. Gayun din ang iba kong mga kaibigan. Kaagad naman kaming lumingon. Isang medyo nakakatakot na matanda ang nagpakita sa aming likuran. Puti na ng kanyang buhok at ang isa sa mga mata niya ay kulay abo. Lumapit naman sa kanya si Samantha.             “Aling Bebang,” ang pagtawag ni Samantha. “Ako po ito, si Samantha.”             “Anak ka ni Flora, hindi ba?” ang tanong ni Aling Bebang. Tumango naman si Samantha. “Anong kailangan niyo?”             “Kailangan po ng mga kaibigan ko ng tulong ninyo,” ang tugon naman ni Samantha sabay turo sa amin ni Xander.  Napatingin naman siya sa aming dalawa. Napasinghap siya nang makita kami.             “Nakikita ako ang mga bakas ng isang sumpa sa inyong dalawa,” ang komento niya. “Gawa ng itim na mahika. Pumasok muna kayo mga anak.”             Sumunod naman kami sa loob. Kakaiba ang pakiramdam sa loob. Hindi nakakatakot, bagkus ay may init akong nadarama. It all feels safe.             “Kilala niyo ba ang may gawa sa inyo nito?” ang tanong ni Aling Bebang.             “Isa po sa mga estudyante sa university naming,” ang tugon ko naman.             “Isa lang ang masasabi ko, sa nakikita ko, isa siyang malakas na nilalang,” ang komento ni Aling Bebang. Umalis naman siya at sa kanyang pagbabalik ay may bitbit siyang sisidlan na puno ng tubig. Sinindihan naman niya ang isang kandila at inabot sa akin. “Magpatulo ka ng kandila s tubig.”             “Para saan po?” ang tanong ko.             “Para makilala natin ang pagkakakilanlan ng taong gumawa sa inyo niyan,” ang paliwanag naman ni Aling Bebang.             “P-per kilala—”             “Sssh,” ang pagpapatigil niya sa akin. Napatango na lang ako at sumunod. Pinanood namin ang pagpatak ng natunaw na kandila sa tubig. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagaganap. Pagkatapos ng ilang minuto ay may hugis na nabuo mula mga patak ng kandila. Kinuha naman yun ni Aling Bebang at sinuri.             “Tipan ng Gabi,” ang bulong ni Aling Bebang.             “Ano raw?” ang bulong naman ni Nico sa akin. Napakibit-balikat naman ako.             “Ano po yun?” sa wakas ang tanong ko.             “Ang Tipan ng Gabi ay isang grupo ng mga mangkukulam,” ang pagsisimula ni Aling Bebang sa kanyang pagpapaliwanag. “Isa sa layunin nila ang hindi paggamit ng kanilang mga abilidad sa paghamak ng ibang tao. Kaya naman… nakakagulat na isang miyembro ng Tipan ng Gabi ay magagawa ang isang tulad nito. Per paano?”             “Paano niyo po alam ang mga ito?” ang tanong naman ni Xander sa kanya.             “Isa ako sa kanila,” ang tugon naman ni Aling Bebang sabay pakita sa kanyang bukung-bukong. May marka na kawangis sa hugis ng kandila na kanyang hawak. “Isa akong mangkukulam ng karagatan.”             “Sea witch,” ang bulong naman ni Xander sa kanyang sarili. Hindi ko pa rin maintindihan ang lahat.             “Makakabalik pa po ba kami sa dati?” ang tanong ko.             “Sa totoo lang, hindi ko sigurado,” ang masama niyang balita. “Ang mga sumpang nagawa dahil sag alit ay mahirap alisin, mahirap baliktarin.”             “May pag-asa pa po ba?” ang tanong naman ni Xander.             “Naka-depende yan sa taong gumawa sa inyo,” ang tugon ni Aling Bebang. “May mga sumpang madaling gawin, ngunti mahirap alisin. Ngunit huwag kayong mag-alala, ang galit ay parang bagyo; lumilipas at humuhupa.”             Napabuntong-hininga ako sa aking nalaman. Nakakalungkot at nakakadismaya ngunit wala naman kaming ibang magagawa. Mukhang kay Blue nga nakasalalay ang aming huling pag-asa.             “Bago kayo umalis, may gagawin muna akong orasyon upang matanggal ang bakas ng itim na mahika, kailangan kong protektajan ang mga kapatid ko sa tipan,” ang saad ni Aling Bebang.             “Protektahan? Saan po?” ang tanong ni Samantha.             “Mula sa Punong Ministro ng Tipan ng Gabi,” ang tugon naman niya. “Dahil bawal kaming gumamit ng itim na mahika, may parusang katapat sa mga lalabag.”             “Ano po?” ang tanong ko.             “Kamatayan,” ang tugon niya. Napasinghap naman kaming lahat sa aming narinig.             “K-kamatayan?” ang nauutal kong pag-uulit, tumayo ang aking mga balahibo.             “Kailangan niyo siyang masalba para masalba din kayo,” ang bilin ni Aling Bebang bago nagsindi ng mga napatuyong dahon at nagpa-usok sa paligid namin habang may binabanggit na sa lengwaheng hindi ko maintindihan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD