Xavier’s Point of View Ilang araw na ang lumipas at patapos na nga ang University Meet. Ilang events din ang pinuntahan naming dahil wala rin naman kaming ibang pagpipilian. Bumalik naman kami sa normal ni Mikael. Napagkasunduan nga ng mga miyembro ng Soccer Team na magpunta na lang kami sa isang waterpark resort. Si Mikael nga nag magbabayad ng mga kuwarto para makasama ako. Kasalukuyan kaming nasa Culinary Club room ng School of Home Economics kasama sila Nico, Xander, Samantha at Trisha. Wala naman kaming ibang mapagtatambayan kundi dito. Wala namang nagawa sila Xander at Trisha kundi sumali sa Culinary Club. Kahit na alam ko na ang mga recipe ay umaarte naman akong nahihirapan sumunod. Sa tuwing si Xander ang magtuturo; inuunahan ko na siya nang turuan kung ano at paano ga

