Episode Seven

2253 Words
Xavier's Point of View       NAKAKABAGOT kasama itong si Xander. Hindi kami nag-uusap. Mabuti an lang ay dala ko ang aking headphones. Ilang oras na din kaming nasa daan. Natigilan naman ako nang mag-park siya sa isang gasoline stopover. Halos magkasabay kaming bumaba ng kotse. Dumeretso naman siya sa banyo samantalang pumasok ako sa convenience store. Nang makabili ng pagkain at inumin para sa aming dalawa ay bumalik ako sa sasakyan. Hinintay ko naman siyang bumalik.        “Uhm…” ang hindi ko siguradong pagsisimula. Hindi ako sanay na kausapin siya. Napatingin naman siya sa akin; halata ang pagka-inip sa kanyang mukha.        “Kung may gusto kang sabihin; sabihin mon a agad” ang komento niya. Ngayon ko lang napagtanto na hindi ko bagay ang nakabusangot.        “Sa tingin ko, kailangan nating gumawa ng Plan B” ang suhestyon ko naman. Mas lalo naming kumunot ang kanyang noo nang mapakinggan ang gusto kong sabihin.       “Plan B? Para saan?” ang naguguluhan niyang tanong.       “Just in case, hindi tayo makabalik sa dati” ang paliwanag ko naman. “Lalo na’t hindi biro ang ginawa mo kay Blue.”        “I know. I know” ang tugon naman niya. “You don’t need to rub it on my face. Trust me; magagawan koi to ng paraan.”         Hindi naman ako tumugon. Bilib na bilib talaga siya sa kanyang sarili. Isinuot ko na lang ang headphones  ko at nakinig na lang sa mga kantang naka-save sa playlist ko.         “I-I think we’re lost” ang anunsyo naman niya kaya natigilan ako. Mahigit  isang oras na ang lumipas. Napatingin ako sa labas ng bintana. Mukhang malayo na nga kami sa kabihasnan.        “Akala ko ba, maaasahan yang GPS mo?” ang tanong ko naman.        “Stop getting into my nerves, will you?” ang reaksyon naman niya. “What the hell! Sigurado akong tama ang na-pin kong location sa mapa.”         “Magtanong na lang tayo kung may makita tayong tao sa daan.” Ang suhestyon ko naman. Tumango lang naman siya bilang tugon. Napatingin naman ako sa labas. Pagkalipas ng ilang saglit ay may natanaw kaming maliit na gusali. Isang tindahan.        “Magtanong tayo ng direksyon doon”  ang sabi ni Xander.          “Mabuti pa nga” ang tugon ko. Nakakaramdam ako ng hilo. Oo nga pala, madaling ma-carsick si Xander. Magkasunod kaming pumasok sa maliit na gusaling gawa sa kahoy. May ilang mga panindang nakasabit sa bungad. Kapwa kami napatingin sa paligid; kapwa naghahanap ng taong makaka-usap.         “Ano pong hanap nila?” ang tanong ng aleng nagbabantay.        “Magtatanong po sana ng direksyon” ang tugon naman ni Xander.         “Saan ho baa ng punta niyo?” ang tanong naman ng ale.Ipinakita ko naman sa kanya ang address na kailangan naming mapuntahan.          “Ah, malapit na ito. Kaunting maneho na lang. Malalagpasan niyo ang sementeryo” ang paliwanag naman ng ale.         “Maraming salamat po” ang pasasalamat ko sabay ngiti.         “Walang anuman at nakikiramay ako” ang tugon naman niya. Nagkatinginan naman kami ni Xander.         “A-ano pong ibig niyong sabihin?” ang nagtataka kong tanong.        “Aba, hindi niyo ba alam kung anong pupuntahan niyo?” ang tanong pabalik ng ale. Kapwa naman kam i napailing ni Xander. “Isang mortuaryo ang pupuntahan niyo.”          “Mortuaryo?” ang kapwa naming reaksyon ni Xander.         “Teka, ano yun?” ang tanong namn ni Xander sabay tingin sa akin. Sinalubong ko naman ang tingin niya.         “Mortuaryo; doon pinupunta ang taong namatay bago ilibing” ang paliwanag ko naman sa kanya.          “Pero ang hinahanap po namin ay si Blue Rodriguez” ang sabi naman ni Xander nang matutunan ang ibig sabihin ng salitang yun.             “Kung ang tinutukoy mo ay ang batang kasama nila Adele at Lucia na mga Rodriguez din; sa kanila nga yun” ang tugon ng ale. “Siya yung itim at asul ang buhok, tama ba?”             “Siya nga po!!” ang kapwa namin pagkumpirma ng kakambal ko.             “Pagpasensyahan niyo na kung mali ang pagkakaintindi ko” ang paghingi ng paumanhin ng ale.             “Wala ho yun” ang depensa ko naman.             “Diyan niyo nga siya mapupuntahan” ang pagkumpirma ng ale.             Pagkatapos makapagpasalamat ay bumalik kami ni Xander sa daan. Natigilan naman ako nang tumunog ang phone ko; may nag-text. Hinugot ko naman ang phone ko mula sa aking bulsa at tinignan kung sino yun. Laking tuwa ko nang makita ang pangalan ni Mikael. Kaagad ko naming binasa ang pinadala niyang mensahe.           “Kamusta ang araw mo?” ang tanong niya.          “Bored. Kasama ko ngayon ang Kuya ko” ang tugon ko. “May biglaang lakad.”         “At least, you’re given the chance to bond” ang komento naman ni Mikael. Napasulyap naman ako kay Xander. Isang bagay lang ang alam ko, wala na siyang pag-asa. “Oh, well. Hindi na kita aabalahin pero sunduin kita bukas sa dorm niyo. Hatid kita sa SHE.”         “Ha? Sigurado ka?” ang tanong ko naman. “Hindi ba malayo ang tirahan mo? At tsaka, 8am ang unang klase ko.”         “Basta ikaw; okay lang” ang tugon niya na naglagay ng isang ngiti sa aking labi. “As a return, just treat me breakfast.”          “O, sige” ang pagpayag ko naman.          “See you”         “Can’t wait”         “Malapit na tayo” ang anunsyo naman ni Xander. Napatingin naman ako sa labas ng bintana. Natatanaw ko ang mga nadadaanan naming mga musuleo. Nasa gilid na nga kami ng sementeryo. Hindi naman nagtagal ay may nakita kaming metal na arko na may katagang nakalagay: Museleo de Ispirito. Pinasok naman ni Xander ang sasakyan sa arko. Sa malapit ay isang gusaling gawa sa kahoy. Masasabi kong may kalumaan na yun. Gumala ang tingin namin ni Xander sa paligid pagkababa namin ng sasakyan. Nakakakilabot ang kapaligiran. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Nagulat naman kami at napatingin nang may malakas na tunog na nagmula sa tapat ng pintuan. Isang itim na pusa ang nakatayo; tinititigan kaming dalawa. Ang mga kulay kahel na mga mata nito’y waring nababasa an gaming mga isip.        “That cat’s scaring the hell out of me” ang komento naman ni Xander. Hindi na ako nagulat dahil ayaw niya talaga sa mga pusa. “And this place, too.”        “Tara na nga” ang yaya ko. Pumanhik kami sa mababang hagdanan. Pinanood lang kami ng pusa at hindi man lang tumakbo nang makita kaming papalapit. Huminto naman ako saglit para laruin ang pusa. Hindi ko inasahan na mabait ito at hinayaan langa kong hawakan siya.        “Xavier” ang pagtawag sa akin Xander. Kaagad naman akong sumunod. Itinulak ni Xander ang pinto kasabay ng pagtunog ng isang maliit na kampanang nakasabit sa pintuan. Sabay naman kaming pumasok. Napatingin kami sa paligid. Isang maliit na reception area. Ibang-iba ang inasahan ko. Akala ko ay magiging nakakatakot ang madaratnan namin pero maaliwalas sa pakiramdam.        “Andyan na. Andyan na” ang sigaw ng isang boses babae. Napatingin naman kami ni Xander sa direksyon kung saan nanggaling ang boses. Pagkalipas ng ilang sandali ay may nagpakita sa pasilyo at naglakad papunta sa kinalalagyan namin. Dalawang babae. Isang matangkad na payat at medyo namumuti na ang buhok at isang medyo mataba na maliit na may kayumangging kulutang buhok. Natigilan sila saglit nang masilayan akming magkapatid. Nagkatinginan silang dalawa bago naupo sa dalawang upuan sa kabila ng mesa.         “Maupo kayo” ang bilin ng babaeng matangkad. Napaka-pormal ng tono ng pananalita niya. Naupo naman kami ni Xander.         “Anong maipaglilingkod namin sa inyo, mga hijo?” ang tanong naman ng isa sa amin.         “Hinahanap po namin si Blue” ang tugon ni Xander. “Kailangan po namin siyang maka-usap.”         “Mga kaibigan kayo ni Blue!” ang masayang bulalas ng babeng may kayumangging buhok. “Ito ang unang pagkakataong may bumisita sa kanya!”         Napatikhim naman ang kasama niya.        “Siya nga pala, ako si Lucia at ito ang ate kong si Adele” ang pagpapakilala niya sa kanila. Pinakilala naman namin ang aming mga sarili. Nagpaalam naman si Aling Lucia upang tawagin si Blue. Sa wakas ay mabibigyang solusyon na ang aming problema. Nagulat naman ako nang biglang may tumalon sa aking kandungan. Ang itim na pusa kanina.         “Ang cute” ang komento ko sabay haplos ng likod ng pusa.          “Anong kailangan niyo kay Blue?” ang tanong naman ni Aling Adele. “Ganun ba ka-importante ang dapat niyong pag-usapan?”          Nagkatinginan naman kami ni Xander. Alam namin na hindi namin pwedeng sabihin dahil wala namang maniniwala sa amin.          “Uhm, tungkol po sa project group project namin” ang ginawa ko namang dahilan bilang si Xander. Napatango naman siya ngunit ramdam ko na hindi bumenta ang aking naging dahilan.         “Blue” ang pagbanggit ni Xander nang makita namin siya. Rumihistro sa kanyang mukha ang gulat nang makita kami; lalo na nang makita ako.         “X-Xander” ang pagtawag niya sa akin. Nagkatinginan naman kami ni Xander.          “Blue” ang pagtawag ko sa kanya. “Kailangan ka naming maka-usap. Please.”         “Sige” ang pagpayag naman ni Blue. “Doon tayo sa labas”         Sinundan naman namin siya palabas ng mortuaryo.             “Ano pa baa ng gusto mong sabihin sa akin, Xander?” ang galit niyang tanong niya sa akin. “Hindi pa ba sapat yung mga sinabi mong masasakit sa akin nung isang araw?”             Ito na nga ang kinakatakutan ko.             “Blue, making ka muna sa akin” ang paki-usap ko naman. “Hindi ako si Xander.”             “Ha?” ang tanging reaksyon naman niya.             “I’m Xander” ang pagpapakilala naman ni Xander sa katauhan ko. Napatingin naman si Blue sa kanya. “I know it sounds crazy but it’s true.”             “Blue, kung ano mang ginawa mo sa amin; nakiki-usap ako. Ibalik mon a kami sa dati” ang paki-usap ko.             “Nababaliw na ba kayo?” ang tanong naman ni Blue. “Naririnig niyo ba ang mga pinagsasabi niyo?”             “Alam namin na ikaw ang may kinalaman nito” ang sabi naman ni Xander. Ipinakita ko naman ang itim na kuwaderno. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang hawak-hawak ko. “Sayo ito. At ang laman nito ay mga sumpa.”             “Akin na yan” ang sabi niya sabay lapit sa akin ngunit kaagad kong tinago ito sa likod ko. “Saan niyo yan nakuha?”             “Hindi na yun mahalaga, Blue” ang komento ko.             “Ibalik mo yan sa akin” ang diin niya. Umiling naman ako sabay pakita sa kanya ang kuwaderno. Nanlamig ang aking katawan nang bigla na lang lumipad ang kuwaderno mula sa kamay ko patungo kay Blue.             “I-ikaw nga” ang pagkumpirma ni Xander. “Bring us back to normal, you fag!”             Letse talaga itong mood ni Xander. Hindi nakakatulong.             “Naniniwala nga akong ikaw nga si Xander” ang komento ni Blue. “Ikaw at ang bunganga mo; mas masahol ka pa sa basura. Well, you deserve it.”             “Blue” ang pagtawag ko naman sa kanya. “I’m sure hindi sinasadya ni Xander yun; nadala lang siya ng emosyon.”             “Umaasa ako na makakatulong sa inyo ang mga paniniwala at emosyon ni Xander” ang komento ni Blue. “Alam ko ang tinatago mo, subukan mong turuan ang kapatid mong maging makatao.”             Nagsimula namang maglakad papasok si Blue. Natigilan ako sa aking kinalalagyan. Anong ibig niyang sabihin na alam niya ang tinatago ko? Paano na ito? Napatingin ako kay Xander.             “You and your big mouth!” ang bulyaw ko kay Xander dahil sa inis. Natulala naman siya sa kinalalagyan niya. “I should have known better. “Imbes na suyuin mo; mas lalo mong ginalit yung tao.”             “Bakit parang kasalanan ko pa na nagkagusto siya sa akin?” ang tanong naman niya. “Bakit parang ako pa ang mali na tinanggihan ko siya?”             “My God, Xander! Hindi yun ang punto” ang sabi ko. Nakaka-frustrate talaga itong kambal kong ito. “The point is you could just have rejected him…just said no but instead, pinahiya mo yung tao at sinabihan ng mga masasakit na salita na hindi naman dapat.”             Napabuntong-hininga naman siya at nanahimik.             “Tara na” ang yaya ko naman sabay lakad patungo sa sasakyan. Binuksan ko ang pinto at sumakay.             “Eh, paano si Blue?” ang tanong naman niya.             “Hindi natin siya mapapapayag sa ngayon dahil nga ginalit mo na naman siya” ang komento ko. “Wala tayong ibang pagpipiliaan kundi manatili sa ganito ng ilang araw. Bumalik na lang tayo sa susunod, kung kailan ma-kokontrol mo na yang bibig mo.”             Napailing naman siya at sumunod sa sasakyan.             “Look” ang pagsisimula niya. “I’m sorry, okay.”             Hindi naman ako umimik at napaikot naman ang mga mata ko. Sa totoo lang, gusto ko na talagang bumalik sa dati. Isang araw pa lang sa katawan ni Xander, parang impyerno na. Ano pa kaya ang mga susunod na araw?  Kapwa naman kami nanahimik ni Xander nang magsimula siyang magmaneho pabalik sa dormitory.             “Xavier” ang pagtawag niya sa akin. “Don’t attend your classes tomorrow.”             Napakunot naman ang noo ko at napatingin sa kanya.             “You’re Xander now” ang sabi niya. “May alam ka ba sa architecture?”             “Eh, ikaw? Alam mo bang magluto o sumunod man lang sa recipe book?” ang tanong ko pabalik.             “Hindi” ang sabay naming tugon sa magka-ibang tanong.             WE. ARE. DEAD.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD