I C E Nagising ako mula sa mahimbing kong pagtulog sanhi ng malakas na paghilik sa tabi ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko saka nagpalinga-linga para hanapin ang pinagmulan ng ingay. “W-Whoa! Whoa! Hoy. Hoy! Gumising ka nga,” bulyaw ko kay Jay na nasa gilid ko natutulog. “Jay. Jay!” mutawi ko ulit habang sinusundot-sundot ang pisngi niya. “Hmm… D-Don’t touch me,” aniya sabay hawi ng kamay ko. I squinted. Aba! Nakikitulog na nga sa kama ko, ayaw pang magpahawak? Kumunot ang ilong niya nang maalimpungatan. Naka-nap position siya kaya mukha niya lang ang nakikita ko. “Hmm… ang gulo,” bulalas niya ulit. Nabwibwisit ako sa pagmumukha niya. “Ikaw itong magulo!” bulyaw ko ulit sabay alog sa balikat niya. “Heeey. You’re so noi– oh, so you’re up?” he asked still sleepy and is rubbing hi

