Beatrix.
It’s been a month since Harry and I registered our marriage. Lumipat na rin ako sa manor ng mga Vallejo, binitawan ko muna ang posisyon ko sa company ni daddy habang wala pang plano si Harry sa magiging set up namin. Harry’s treatment towards me remains the same. Cold and terrifying. Simula nang lumipat ako dito sa manor ay hindi ko pa siya nakakasama ng matagal, uuwi lang siya kapag magpapalit ng damit o di kaya ay may ipapapirma kay Chairman Vallejo na mga papeles. I thought this is okay, I thought I’m fine with this ang mahalaga ay isa na akong Vallejo at legal niya akong asawa. Pero nagkakamali ako, hindi ko pala kaya, halos hindi ako makahinga sa malamig na pakikitungo sa akin ni Harry.
“Hanggang kailan mo ako tatratuhin ng ganito?” Sambit ko rito nang isang gabi ay umuwi ito sa manor, niluwagan nito ang necktie saka humarap sa akin, he stares at me at the most cold and disgusting look.
“Bakit? Hindi mo na ba kaya? We can file a divorce whenever you want, Beatrix.” Sarkastiko nitong sambit, napaawang ang labi ko, hindi makapaniwala sa narinig mula rito.
“How could you say that? I am your wife! I am not anybody else, I don’t deserve this kind of treatment Harry. Ganun ba ako kahirap mahalin?!” Tugon ko rito, hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
“I told you before, you’ll regret this. Makuntento ka nalang sa pagiging Vallejo mo, don’t expect anything from me.” Sambit nito, halos madurog ang puso ko, ang sakit isipin na hindi man lang ako magawang mahalin ng taong mahal ko.
“I don’t expect you to love me back, pero kahit respeto nalang sana ibigay mo sa akin. Because I deserve it. Tandaan mong hangga’t kasal ka sa akin, may karapatan ako sa’yo sa ayaw mo man o sa gusto.” Mariin kong sambit dito saka lumabas ng kwarto, I was so hurt and devastated.
Nagmaneho ako at nagpunta sa isang kilalang bar, nakakailang baso na ako ng alak, nagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Hanggang isang lalaki ang lumapit sa akin, si Kendrick Ramirez.
“Mrs. Vallejo. I’m surprise to see you here.” Sambit nito saka umupo sa katabi kong upuan, nginisian ko lang ito saka nilagok ang laman ng hawak kong baso.
“Why? Am I not allowed now to go places like this?” Tugon ko rito saka nirolyo ang mata, ngumiti ito saka sinenyasan ang waiter na bigyan siya ng maiinom.
“Mukhang hindi maganda ang mood mo ngayon Mrs. Vallejo, I’m willing to listen.” Aniya, saka humarap sa akin.
“I wont fall for your tricks Kendrick, just leave me alone.” Seryoso kong sambit dito, umawang ang labi nito saka binaba ang tingin, sign of disappointment? I don’t know, I just don’t like the presence of this man.
“I’m worried about you, Beatrix, can’t you see? Walang pakialam sa’yo ang asawa mo. You’re here because of him, drinking. Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto mo si Harry e wala naman siyang ibang ginawa kundi saktan ka.” Aniya, hindi ko alam kung paano ko pa itatago ang sakit na nararamdaman ko sa harap ni Kendrick. What he said was true, Harry doesn’t even care for me. Ni hindi niya nga man lang ako matawagan at tanungin kung nasaan ako.
“As far as I know, it’s none of your business Mr. Ramirez.” Sambit ko rito saka tumayo na at aalis na sana nang bigla ako nitong hawakan sa braso.
“I’m worried about you Beatrix, kahit ilang beses mo pa akong itaboy. Hindi ako papayag na saktan ka pa ng lalaking iyon.” Tugon nito, I was stunned. Imagining na sana si Harry ang nasa harap ko ngayon at sa kanya galing ang mga salitang binitawan ni Kendrick. But I know it would never happen. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Kendrick saka ito tinalikuran at tinungo ang kotse ko. As if on cue, agad na lumandas ang luha sa mga mata ko, humagulgol ako ng iyak, nagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman ko. Na sana sumama nalang sa mga luha ko ang sakit sa puso ko. Ilang oras akong umiyak sa kotse at nang mahimasmasan na ay nagdrive na ako pauwe sa manor. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ako bumaba ng sasakyan at pumasok sa loob.
Sinalubong ako ng maid na nakatoka sa pang-gabing trabaho at binati, hindi ko nalang ito pinansin dala narin siguro ng pagod at dumeretso na sa kwarto. Madilim ang buong silid at napansin kong walang nakahiga sa kama, wala si Harry? Hindi ko na inabala ang sarili na buksan ang ilaw at dumeretso nalang sa shower room para maligo. Nang nasa tapat na ako ng shower room ay biglang nagbukas ang ilaw.
“Where did you go?” Baritonong sambit ni Harry na noon ay nakaupo sa couch at may hawak na isang baso ng whiskey. Hindi ko nalang ito sinagot at muling hinarap ang pinto ng shower room, ngunit ganun nalang ang kaba ko nang bigla nitong hilahin ang braso ko at iharap sa kanya. Hindi ko namalayan ang paglapit nito sa akin, madilim ang mukha nito at nagiigting ang mga panga.
“Bitawan mo nga ako! Ano bang problema mo?!” Singhal ko rito, ngumisi lang ito saka muling nagsalita.
“I’m asking you, where did you go?” Ulit nito sa malalim at seryosong tono. Napaawang nalang ang labi ko at hindi makapaniwala sa inaasal nito.
“Bakit? Ano bang pakealam mo kung saan ako galing? Hindi ba’t wala ka naming pakealam sa akin?!” Mariin kong sambit rito, ngunit napangiwi ako ng higpitan ni Harry ang pagkakahawak sa braso ko, feeling ko ay magkakapasa ito kinabukasan dahil sa pwersa nito.
“Don’t forget that you’re now a Vallejo! Don’t ruin my reputation, kung ayaw mong masaktan.” Singhal nito saka padabog akong binitawan, sa sobrang lakas ay napasandal ako sa pinto ng shower room. Halos manikip ang dibdib ko sa sobrang sakit at muling panlalabo ng mga mata ko dahil sa pamumuo ng panibagong luha.
Kinabukasan ay tahimik lang ako habang nakaupo sa dining, katabi ko si Harry. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay hindi na ito muling bumalik sa kwarto, wala akong ideya kung saan ito natulog. I just don’t want to think anymore, halos hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ilang minuto pa ay dumating si Chairman Vallejo, nakangiti ito habang papalapit sa dining. Tumayo kaming dalawa ni Harry para batiin ito, nang makaupo na ang matanda ay umupo narin kami.
“How are you Beatrix? Nakapag-adjust kana ba dito sa manor?” Tanong ni Chairman Vallejo, tipid akong ngumiti rito bago tumugon.
“Yes, chairman Vallejo. Medyo naninibago lang minsan but I’m slowly getting used to it.” Tugon ko rito, ngumiti ito saka binaling ang tingin kay Harry.
“Harry, why don’t you Beatrix a position in Vallejo Mall, para naman hindi naiinip ang asawa mo dito sa manor. I’m sure na hindi sanay si Beatrix na nakakulong lang maghapon sa bahay.” Aniya, napatingin ako kay Harry at inobserbahan ang reaksyon nito.
“Yeah, sure. Whatever she wants.” Tugon nito saka binaba ang tingin sa akin. Hindi ko matagalan ang paninitig nito sa akin kaya ako na ang unang bumawi at binaling nalang ang tingin kay chairman at ngumiti rito.
“Thank you, Chairman Vallejo.” Sambit ko rito.ngumiti rin ito saka muling nagsalita.
“No problem, iha. You’re a Vallejo now, you should also manage our businesses.” Sambit nito.
Pagkatapos naming kumain ay hinatid ko si Harry sa labas kung saan naghihintay ang secretary nito na si Vincent na noon ay binuksan ang backseat ng sasakyan nang makita si Harry na papalapit dito.
“You’ll be the new Sales Director, starting tomorrow. Be prepared.” Seryoso at baritonong sambit nito. Tumango lang ako saka matipid na ngumiti rito. Napatingin ito sa braso ko na noon ay medyo halata na ang pangingitim, agad ko itong tinakpan ng palad ko.
“I’m sorry.” Napaangat ako ng tingin kay Harry, sandal pa ako nitong tiningnan saka pumasok na sa sasakyan nito. Natulala at napako ako sa kinatatayuan ko, tama ba ang narinig ko? He says sorry?
Nakangiti akong bumalik sa loob ng manor, my cheeks flushes. my heart is fluttering with excitement.