CHAPTER 14: BETTERMENT

1115 Words
Bago pa man makalabas ng building ay natanaw na nito ang matangkad na lalaki na nakasandal sa mamahalin nitong sasakyan. Nakasuot ito ng casual na jeans at long sleeve na black na tinupi hanggang braso. Nakakrus ang mga braso nito sa dibdib, dahilan para mas makita ang pagflex ng mga muscles nito sa braso. May iilang mga empleyado na nakatingin kay Harry na para bang mga nakakita ng artista. Dahil 5pm na, unti-unti nang dumarami ang tao sa lobby dahil ito ang oras ng uwi ng mga empleyado ng mall. “Finally. Akala ko gusto mong kargahin kita palabas ng office mo.” Nakangising sambit nito. Nirolyo naman ni Beatrix ang mga mata rito, kung yung dating Beatrix siguro, baka nagtatalon pa iyon sa tuwa. “Asa ka.” Aniya saka binuksan ang pinto ng passenger seat at sumakay roon. “Akala ko ba business trip ang pupuntahan natin? Bakit hindi mo kasama si Vincent?” Tanong nito sa asawa. Nilingon ito ni Harry saka muling binalik ang tingin sa kalsada. “He’s already there. Pinauna ko na siya para magasikaso ng mga kakailanganin sa meeting.” Tugon nito. Hindi na nagsalita pa si Beatrix saka binaling nalang ang tingin sa bintana. “Nagugutom ka ba? Gusto mo dumaan tayo sa restaurant para kumain?” dugtong nito. “No thanks, matutulog nalang muna ako.” Aniya, saka pinkit ang mga mata.   Beatrix. Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko si Harry na nakatitig sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan, hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa mga mata ni Harry. Wala na yung dating matatalim at madilim nitong ekspresyon. Tuluyan na nga kaya siyang nagbago? Pero paano? Bakit? Ramdam ko ang pagkalabog ng dibdib ko, at pagakyat ng kuryente sa buo kong katawan. Hindi! Hindi pwede! Hindi ka pwedeng maging mahina Beatrix. Tandaan mong niloko ka niya, at kaya siya ganito sayo ngayon ay dahil lang iyon sa kagustuhan mong makipaghiwalay na sa kanya. Kaya ngayon ay gumagawa nanaman siya ng paraan para magbago ang isip mo! Agad akong umiwas ng tingin rito at hinawi ang kamay niya na nakadapo sa pisngi ko. Luminga-linga ako sa paligid at nakitang nasa isang villa kame. “D-dito na ba tayo?” Halos utal kong tanong. “Yeah, let’s go.” Maiksi nitong tugon saka binuksan ang pinto ng kotse, sinundan ko lang ito ng tingin bago lumabas narin ng sasakyan. Pagkasara ko ng pinto ng kotse ay napasinghap ako nang hawakan ng mahigpit ni Harry ang kamay ko at naglakad na patungo sa loob ng villa. Hindi na ako nakapagprotesta pa dahil tuloy-tuloy lang ang paglalakad nito at nagpatianod nalang ako. Sinalubong kami ni Vincent. “Goodevening Sir Harry, Ms. Beatrix.” Bati nito sa amin, ngumiti naman ako rito. “Nakaready na po ang binilin niyo Sir.” Dugtong nito. Tumango naman si Harry saka nito binitawan ang kamay ko dahil may kinuha ito sa bulsa ng pantalon niya saka inabot iyon kay Vincent. Pagkaabot ay lumabas na ito ng villa. Kunot-noo ko itong sinundan ng tingin. “Let’s go.” Narinig kong sambit ni Harry saka muling kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na magtanong kung saan pupunta si Vincent dahil napukaw ang atensyon ko sa mga dekorasyon sa loob ng villa, punong-puno ng mga balloons at decorations ang loob ng sala. Nagkalat din ang rose petals sa sahig patungo sa beranda. Sa gitna noon ay may nakaset na table at dalawang upuan, punong-puno rin ng dim lights ang paligid ng barandilya. Binitawan ni Harry ang kamay ko at lumapit sa may vinyl record player at pinatugtog ang isang magandang musika. Napaka-romantic ng lugar, ito ang unang beses na ginawa ito ni Harry para sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mangilid ang luha. “Come.” Sambit nito saka inilahad ang kamay sa akin, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Pinaghila ako ni Harry ng upuan saka ako nagaalangan na naupo, umikot naman ito para umupo sa katapat kong upuan. Napangiti ako nang binaba ko ang tingin sa lamesa. Halos nandito lahat ng paborito kong pagkain na matagal ko nang hindi natitikman. “P-paano mo…” “I asked your dad, nagustuhan mo ba ang surprise ko sayo?” Aniya, I bite my lip and nodded. “P-pero bakit?” I asked. “Beatrix, alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko sayo, malaki ko pagkukulang ko bilang asawa mo. At alam kong dahil sa akin kaya mo gustong magfile ng annulment. And I’m sorry, I’m sorry kung nasaktan kita. Alam kong walang kapatawaran ang mga kasalanan ko sayo. But I want to start again, I want to make things right. I want to give our marriage a second chance. Beatrix, can we start again? Pangako, hinding-hindi na kita sasaktan. Just give me another chance. I love you, Beatrix.” Sambit nito, natigalgal ako at hindi kaagad nakapagsalita. Para akong naubusan ng sasabihin, totoo ba ito? Hindi baa ko nananaginip? As if on cue, lahat ng galit at sama ng loob sa dibdib ko ay biglang nawala na parang bula. Muli kong naramdaman ang kalabog ng dibdib ko at kakaibang pakiramdam na naramdaman ko noong unang beses kong nakita si Harry. Para akong teenager na kinikilig sa mga sinabi nito. At oo, kinain kong lahat ng sinabi ko, lahat ng sinumpa ko sa sarili ko. Kinain kong lahat ng iyon, hindi ko na pigilan ang sariling mapaluha. Hindi ako makapaniwalang dumating na nga ang araw na pinakahihintay ko. Ang mahalin din ako ng taong mahal ko, ng asawa ko, ni Harry. Muling umikot ang mundo ko sa lalaking minsan na akong niloko. Wala na akong ibang inisip ng mga sandaling iyon, wala na akong pakealam kung totoo man o hindi ang lahat ng sinabi sa akin ni Harry. Ang importante nalang sa akin ay sa wakas, nagkatotoo na ang matagal ko nang pangarap. Na sa wakas ay sinabi niya rin na mahal niya ako. Lumapit sa akin si Harry saka lumuhod sa gilid ko para hanapin ang mga mata ko na punong-puno na ng mga luha. “Beatrix, why? Is there something wrong? May nasabi ba akong mali? Tell me.” Nagaalalang sambit nito. Umiling ako rito saka pinahid ang luha sa pisngi. “H-hindi lang ako makapaniwala. Mahal din kita Harry.” Tugon ko rito saka yumakap. “Thank you, Beatrix.” Bulong nito sa akin. Sobrang saya ko nang gabing iyon. Ito na yata ang pinakamasayang yugto ng buhay ko.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD