Kinabukasan ay ramdam ko ang pananakit ng buo kong katawan lalo na sa pagitan ng mga hita ko. Ako nalang mag-isa sa kwarto, naluluha ako kapag naiisip kong bumalik nanaman si Harry sa hospital at binabantayan ang babaeng iyon. Naguguluhan ako sa nangyayari, bakit ganun nalang magalit si Harry nang makita niya kami ni Kendrick? Samantalang halos wala naman siyang pakialam sa akin simula nung kinasal kami. Dahil ba sa natatapakan ang ego niya? At feeling niya ay niloloko ko siya? Napayakap nalang ako sa dalawa kong tuhod at ngsimulang umiyak.
Ilang oras ako sa ganung posisyon nang naisipan kong maligo na at ayusin ang sarili para pumasok sa opisina. Pagkatapos kong maligo at magayos ay dumeretso na ako sa parking at nagmaneho ng sasakyan papunta sa opisina. Pagpasok ko palang sa Vallejo Mall ay pinagtitinginan na ako ng mga taong nakakasalubong ko, mapaempleyado man o mga customer sa Mall. Ang iba pa ay nagbubulungan at bigla nalang magkakalasan kapag binalingan ko ng tingin. Sinalubong ako ng sekretarya kong si Yura at bumati sa akin.
“Good Morning Ms. Beatrix, heto po ang schedule nyo for today.” Aniya, saka inabot sa akin ang tablet. Binasa ko ang schedule ko sa buong araw habang naghihintay na magbukas ang lift. May hiwalay na lift para sa mga customers ng Mall papunta sa mga floors ng department Store, at mayroon ding lift na pang-empleyado lang na papunta naman sa mga offices ng Mall. Nauna akong pumasok sa loob ng lift nang magbukas iyon.
Napansin ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Yura, gaya ng tingin ng mga taong nakita ako kanina sa lobby ng mall. Naiirita kong binaba ang tablet at nilingon ito.
“What is it?” Iretable kong tanong rito. Alam kong maayos naman ang itsura ko bago pumasok ng opisina at sinigurong natatakpan ang ilang marka na iniwan ni Harry sa katawan ko, kaya siguradong may ibang dahilan kung bakit ako pinag-uusapan at binibigyan ng ganitong atensyon ng mga tao ngayon.
“Um, O-Okay lang po ba kayo?” Naiilang na tanong ni Yura, sa sobrang hina ng boses nito ay nangunot ang noo ko at nirolyo ang mga mata rito.
“Bakit naman ako hindi magiging okay? Bakit? May nangyari ba dito sa office?” Kunot-noo kong tanong, umiling si Yura saka muling nagsalita.
“Um, usap-usapan po kasi dito sa office yung tungkol kay Director at kay Ms. Montemar, na… may relasyon daw po sila kaya sila magkasama sa Cebu noong araw na naaksidente si Ms. Montemar.” Sambit nito, halos matigalgal ako sa sinabi ni Yura. I felt the dumbness all over my body, agad na rumehistro sa mukha ko ang sakit at galit ko kay Harry.
“Alamin mo kung sino ang nagpapakalat ng chismis na iyan.” Seryoso kong sambit kay Yura, agad naman itong tumango at sumagot.
“Yes po, Ms. Beatrix.” Mahina nitong tugon.
Vallejo Enterprises.
Authors Narrate.
“Sir… Sir Harry?” Ilang ulit na tawag ng isang board member kay Harry dahil kanina pa nito hinihintay at ng iba ang approval nito sa prinesent nilang proposal. Napasinghap si Harry at bumalik sa realidad nang marinig nito ang pagtawag sa pangalan niya.
“I need you to revise this proposal and present it to me.” Baritonong sambit ni Harry, tumango naman ang board member na nagpresent at inayos na ang mga gamit nila para lumabas ng conference room. Tumayo si Harry at humarap sa glass wall saka pinamulsa ang mga kamay. May ibang bumabagabag sa isip niya. Si Beatrix. Hindi niya alam kung bakit pero hindi na maalis sa isip niya ang ekspresyon ng mukha ng asawa habang nagtatalik sila kagabi.
“Vincent.” Tawag nito sa secretary, agad naming lumapit si Vincent na noon ay inaayos ang ilang documents na nakapatong sa table. “Where’s Beatrix?” dugtong nito.
“Pumasok na po sa opisina si Ms. Beatrix. Sir, may kumakalat na balita sa Mall tungkol sa inyong dalawa ni Cassandra.” Seryosong sambit nito, kunot-noong nilingon ni Harry si Vincent.
“What?!” mabilis na lumabas si Harry ng conference room, sinundan naman ito ng secretary niya.
Nagulat ang ilang empleyado nang makita si Harry sa loob ng opisina ng Vallejo Mall, hindi nila inaasahan na darating ito kaya halos mataranta sila nang makita si Harry. Dumeretso si Harry sa opisina ni Beatrix, napatayo si Yura at napaawang ang labi ng makita si Harry na papalapit sa kanya.
“Good afternoon Sir Harry.” Bati ni Yura habang nakayuko. Blangko itong tiningnan ni Harry saka nagsalita.
“Where’s Beatrix?” Baritonong sambit nito.
“Um, nasa conference room po, may meeting.” Mahinang sambit ni Yura na halos matigalgal pa. hindi na sumagot pa si Harry at pumasok nalang sa loob ng opisina ni Beatrix, nilibot nito ang paningin sa buong opisina. Ito ang unang beses na makita ang opisina nito, malinis at maaliwalas ang buong silid, kitang kita rin ang buong syudad mula rito dahil naka-glass wall ang buong pader ng opisina. Nasa gitna ang salaming lamesa ni Beatrix. Umupo si Harry sa couch sa may tapat ng table ni Beatrix saka tinanggal ang butones ng coat. Nakasunod naman dito si Vincent at Yura.
“Sir Harry may gusto po ba kayong inumin habang hinihintay si Ms. Beatrix?” Tanong ni Yura. Minuwestra nito ang kamay, sapat na iyon para maintindihan ni Yura na wala itong gustong inumin, tumango nalang si Yura at lumabas ng opisina. Sumunod narin sa labas si Vincent at naiwang mag-isa si Harry.
Paglabas ni Yura sa opisina ni Beatrix ay agad siyang nilapitan ng dalawang empleyado na nakita rin si Harry.
“Anong ginagawa ni director dito?” Tanong ng isang babae. Nilingon ni Yura ang pinto ng opisina ni Beatrix na para bang nag-iingat na marinig ng nasa loob ang sasabihin niya.
“Hindi ko alam, pero sigurado akong nandito siya para bisitahin si Ms. Beatrix.” Mahinang sambit ni Yura rito.
“Sabe ko na nga ba e, hindi totoo ang chismis na may mistress si Director.” Sambit naman ng isa pa.
“Ehem.” Si Vincent na noon ay halos kalapit lang nila, seryoso ang mukha at nakatingin sa tatlo. Halos mapatalon silang tatlo at agad na nagkulasan nang makita si Vincent.
Halos 30 minutes na ang nakakalipas nang matapos ang meeting ni Beatrix sa mga sales manager at strategic planning staff ng Mall dahil nalalapit na ang Christmas season kaya naman kailangan na nilang maghanda sa pagdagsa ng mga tao.
“That’s it? Send me the draft later, irereview ko muna bago ko ipaapprove kay Chairman Vallejo.” Sambit ni Beatrix saka tumayo na.
“Okay po Ms. Beatrix.”
Bumuntong hininga si Beatrix nang makalabas ng conference room, kanina pa siya nakakaramdam ng pagod at bigat ng katawan. Mainit din ang pakiramdam niya at parang lalagnatin. Naalala niyang may mga stock siya ng gamut sa loob ng opisina kaya dumeretso siya roon. Ngunit nangunot ang noo nito nang matanaw sa malayo si Vincent na prenteng nakatayo sa may labas ng pinto ng opisina niya, kinabahan siya. May kutob ito kung bakit siya nandito. Tinanguan siya nito nang makita siyang paparating, pinagbuksan ito ng pinto at kunot-noong pumasok sa loob ng opisina at hindi nga siya nagkakamali. Nadatnan nito si Harry na prenteng nakatayo sa may tapat ng glass wall at nakapamulsa. Halos tumalon sa tuwa ang puso niya nang masilayan si Harry. Ito ang unang pagkakataon na makita si Harry sa loob ng opisina niya. Tumikhim ito saka bahagyang lumapit sa lalaki.
“What are you doing here?” Seryosong tanong ni Beatrix. Humarap si Harry dito, tinitigan ang kabuuan ng asawa at huminto sa leeg nito na may suot na scarp. Ngumisi ito nang marealize kung bakit ito nagtakip ng leeg.
“Bakit? Hindi ba pwedeng pumunta dito ang asawa mo?” Tugon nito saka lumapit kay Beatrix. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit ay umiwas si Beatrix at umupo sa swivel chair niya.
“Umalis kana, marami pa akong gagawin.” Malamig at seryosong sambit nito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin si Harry.
“Let’s eat lunch together. May malapit na bagong bukas na restaurant dito.” Baritonong sambit ni Harry saka bahagyang lumapit kay Beatrix. Hindi makapaniwalang inangat ni Beatrix ang paningin rito, ito kasi ang unang pagkakataon na niyaya siya nito. Nangunot ang noo nito nang mapagtanto na baka nakarating na rito ang mga kumakalat na chismis sa opisina, kaya siya nandito.
"Okay." Tugon nito saka tumayo na at tinaasan ng kilay si Harry bago tinungo ang pinto.