PAPA ! PAPA ! ...
sigaw ko habang nakakapit ako sa likod ng motor ni papa habang si mama nakahawak sakin at pilit na tinatanggal ang mga kamay ko na nakakapit sa motor ni papa.Yun na pala ang huling kita ko kay papa.
Lumaki ako na Papa's Girl lahat ng gusto ko binibigay ni papa samantalang kabaligtaran naman ang kay Mama .
Mama ko ? Lagi nalang palo dito palo doon. kaya mas malapit ako kay papa ko.
Ang Pamilya namin ay simple lang nakatira kami sa simpleng bahay namumuhay ng simple .Masaya naman kami hanggang sa naisipan ni Papa na mag ibang bansa para kumita ng malaking pera.
Bata pa ako ng umalis si papa para makipag sapalaran sa ibang bansa. kaya wala pa ako masyadong maintindihan bakit siya umalis lagi ko siya hinahanap kase si papa ang laging nag aalaga sa akin hindi ako sanay na si mama ang nakakasama ko sa bahay dahil onting mali lang pinapalo ako agad , simula ng umalis si Papa araw araw ako umiiyak lagi ko siya hinahanap hanggang sa siguro dahil sa bata pa ako nawala na sa isip ko . hanggang sa nasanay na ako na Hindi ko nakikita si papa.
Ilang buwan simula ng umalis si Papa palagi na masasarap ang ulam na hinahain ni mama minsan may mga bago akong laruan .
Lumipas ang mga Araw,Linggo,Buwan at Taon nasanay na ako na si Mama ang nakakasama.
Namuhay kami ni Mama ng masaya nag karoon si mama ng tindahan habang may iba pa siyang negosyong inaasikaso sa labas.
Nag karoon kami ng katulong nag hire si Mama kase para may mag babantay sa akin . Minsan kase habang naliligo ako sa Cr nakita ko yung kapit bahay namin nakatingin at may ginagawa . "Nakahawak siya sa maselang bahagi ng katawan niya at parang sarap na sarap siya sa ginagawa niya habang pinag mamasdan ako na kakatapos lang maligo at na katwalya.Yung mga panahon na yon hindi ko pa alam ang ibig sabihan ng ginagawa ni kuya Tomole (kapit bahay namin ).
Sumunod naman ay ang pag susubong ng isa naming kapit bahay kay Mama ang sabi niya Ester ! ingatan mo yang anak mo na si Sofie aba nakita ko tong si Ansel (kapit bahay din namin ) titig na titig kay sofie habang nag lalaro pag suotin mo na yang anak mo ng baby bra anlaki naman kase ng nakaumbok agaw atensyon dito sa mga binata sa atin.
Naaalala ko pa noon alagang alaga ako ni mama at mahigpit na bilin niya sa katulong namin na lagi akong babantayan ni madapa ako bawal.
hindi ako pwedeng magasgasan kung hindi abot abot na sermon ang makukuha ni yaya .
FASTFORWARD>>>>>
Napapansin ko laging mainit ang ulo ni mama lagi sumisigaw . Uuwi ng madaling araw o kaya minsan umuuwi nang lasing .
ilang buwan na paulit ulit Hanggang sa nalaman ko nalang na may babae si Papa sa ibang bansa .
Pinilit ni mama na ipakita na hindi siya na aapektuhan lagi siyang nakangiti .Oo masayahin talaga si Mama laging halakhak yun kahit sa simpleng bagay ,pero ngayun halatado na may problema siya yung mga ngiti at tawa niya pilit .
Unti unting Naubos ung mga napundar ni Mama na ariarian mga sasakyan , bahay at lupa hanggang sa pati si yaya ay umalis na nag bahay hindi na kaya ni mama na mag pasahod pa .Hindi na kase nag papadala si papa ng suporta .
Hindi ko maintindihan bakit nambabae si papa yung pinalit niya pa kay mama ubod ng panget.
si Mama sexy ,maputi mahaba ang buhok mabait mabunganga lang . Samantalang yung pinalit niya naku mukhang kuko lang ni mama yun ang layo talaga .
Lumipat na kami ni Mama sa mas naliit na bahay nangupahan nalang para mas matipid .todo kayod si Mama para mabuhay niya ako.
Napag aral ako ni mama pinilit niya itaguyod ako . alam ko hirap siya at kailangan niya din makahanap ng mkakatuwang sa buhay.