HIGHSCHOOL

1334 Words
Napag pasyahan ni Mama na magtrabaho sa ibang bansa iniwan niya ako sa pinag kakatiwalaan niyang kaibigan . Mabait ang pinag iwanan sa akin ni Mama inaalagaan ako papasok sa school uuwi ,kakain at matutulog lang ang ginagawa ko .at dahil First year highschool na ako noon ang schedule ng pasok ko ay 6am to 12nn pag dating ko sa bahay kakain lang ako ng tanghalian papasok sa kwarto matutulog. Mich ang pangalan ng pinag iwanan sa akin ni mama ,Leo naman ang pangalan ng kinakasama ni ate Mich may anak sila kaedad ko din si Kyla at kiko kambal . kasundo ko sika kyla at kiko. si kyla kikay laging naka kolorete sa mukha samantalang si kiko naman tahimik lang lagi din nag kukulong sa kwarto. Sa isang School lang kami pumapasok na tatlo kaya sabay sabay kami lagi . Isang umaga papasok na kaming tatlo sa Eskwelahan . Sofie anu ba yan hindi kba mag aayus man lang para ? Tignan mo ako naka make up na para naman madami akong maakit na mga lalaki sa school naten hihihi wika ni kyla.Hmmm hay naku kyla okay na ako na ganito lang . Hindi ako kumportable na may nakalagay na lipstick sa mga labi ko parang Hindi bagay eh sabi ko. Anu kba sofie ! Ang ganda ganda mo kaya kulang kalang sa ayos yung buhok mo hindi na kailangan pa na ikulot kase natural curly at ang ganda pa ng bagsak hmmm mag maganda yan pag naka pony para kita ung leeg mo na mgaganda at mapuputi . saka sabagay kahit Hindi kana Mag lipstick kulay rosas naman yung mga labi mo eh . Andami na nga nag tatanung sakin kung may boyfriend kaba o baka daw tomboy ka ang sungit mo daw kase sabi ng iba nating mga classmate. Naku kyla wala pa sa isip ko yang Boyfriend boyfriend na yan mas gugustuhin ko pa na mag aral o hindi naman kaya mag kulong sa kwarto ko at manuod ng mga movies . Oy kyla tama na nga yan kung anu anu sinasabi mo kay sofie wag mo na siya turuan wika naman ni kiko. Bakit kuya hindi kaba nagagandahan kay sofie ? wika ni kyla huh? Ah eh tinignan ako ni kiko sa mga Mata . sabay sabi ng si Sofie ? Nagagandahan hindi na niya kaylangan pang mag ayus simple pero maganda na siya . sabay bawi ng tingin. Hindi ko alam pero ng mga oras na yun para ako natuwa na hindi ko maintindihan. Naging Maganda at masaya ang buhay Highschool ko kahit na hindi ako masyado nakikihalubilo sa mga classmate ko kuntento na ako sa iilamg kaibigan ko. Hanggang dumating yung sembreak. May katok ako Nanarinig mula sa labas ng aking kwarto . tumayo ako para buksan ang Pinto . ikaw pala kyla pasok ka wika ko. kyla : sama ka may Nighswimming mga classmate natin ? naku kyla ikaw nalang wala naman akong Hilig sa ganyan hindi din ako mag eenjoy. kyla : sigeeeee na pleaseee kasama din si kua kiko . at saka hindi kami papayagan pag hindi ka kasama alam mo naman yun si Mama walang tiwala sa akin. sofie : hmmm sige na nga sasama na ako kyla : yehey !!sabay kiss sa aking pisngi salamat sofie lakas ko talaga sayo. Kinahapunan Nag ready na ako ng mga dadalhin ko sa swimming Tshirt na malaki at shorts pati pan loob. Sinundo kami ng puting van . Sa biyahe masaya ang aking mga classmate nag bibiruan ,harutan samantalang ako nakatingin sabintana Hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil Nag bababaan na sila dumating na pala kami .Lumingon lingon ako sa paligid maganda ang napili nilang pag liguan . Masaya ang lahat .lalo na si kyla kea pala gustong gusto sumama dahil andito ang boyfriend niya . samantalang si kuya kiko naman ay nakikipag kwentuhan sa mga barkada niya ako naman nakuntento nalang sa pag mamasid at panunuod sa kanila. Napansin ko na halos lahat sila mga naka pang swimwear may naka onepiece at ang iba naka bra at short na maiksi ang pambaba. Napailing nalang ako sa Dala ko na pang ligo Tshirt . Sofie ,Sofie tara dito tawag sakin ng nga classmate ko. Nag punta ako sa Cr para mag bihis ng mapansin ko na nawawala ang bag na dala ko.na may lamang panligo ko Hanap ako ng Hanap pero hindi ko makita sa upuan sa mga Lagayan ng mga gamit namin. Biglang lumapit si Kyla . kyla : oh bat d kapa nag papalit ng pang ligo sofie ? sofie : ah eh kase kyla mukhang naiwan ko sa van ung bag ko eh nakatulog kase ako kanina nawala na sa isip ko ung bag ko . baka nalaglag sa sulok ng upuan ng van kaya di ko na napansin. kyla : naku panu yan nakaalis na si manong bukas pa tayo susunduin nun . teka tawagan ko ( tatawag na sana si kyla ) Sofie : naku wag mo na tawagan hindi nalang ako maliligo kawawa naman si manong kung babalik siya malamang malapit na un mkauwi anlayo pa naman dito. kayo nalang ang Maligo manunuod nalang ako sa inio dito sa gilid. kyla : ay ang kj naman . Teka meron ako dito madami ako extra wait kumuha si kyla ng ipapahiram sakin. para makaligo ako kyla : ayan sofie kasya yan sayo halos mag ka size naman tayo eh sukat mo nalang wag ka ma g alala bago pa yan di ko pa nasuot. sofie : hala hindi ako nag susuot neto tshirt at short nga lang dala ko sa bag ko eh Kyla :huh tshirt at short ? anu kaba sofie hindi naman panligo un sa pool suot muna yan sigurado naman ako bagay yan sayo Sa CR. nakatingin ako sa salamin tinitignan ko ang sarili kong repleksyon . suot suot ko na ang pinahiram sa akin ni kyla isang pulang swimming bra terno panty at isang short na puti. Hindi ko alam kung kaya ko lumabas dahil kitang kita ang dalawa kong malulusog na bundok na parang anu mang oras ay kakawala sa swimming bra na aking suot . napag desisyunan ko na ilugay ang aking mahabang buhok. para maitago kahit onti ang aking malulusog na nundok. Dahan dahan akong nag lakad papunta ng pool . WITWIW sipol ng mga loko kong classmate na lalaki . napalungon ako sa paligid lahat sila nakatingin sa akin kasama na si kuya kiko na parang gulat na gulat at hindi makapaniwala . uy ikaw ah sofie pa main event kapa biro ng iba kong classmate . bagay pala sayo nkakagulat ang sexy mo tignan. Ou ng sofie dalagang dalaga naku malamang niya madami na ang aaligid sayo pag katapod nitong night swimming.Napangiti nalang ako. Pasado 12 na ng umahon ako sa pool. naalala ko wala nga pala ang twalya ko kea niyakap ko ang sarili ko para mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Nag biglang may tuwalya na pumataong sa aking braso napalingon ako . kuya kiko ikaw pala yan salamat . naiwan ko kase ang bag ko sa van kaya wala ako twalya. Sige hiramin mo na muna yang sa akin. Para naman makapahinga ang nga mata ng barkda ko kakatingin sayo sabay iling iling paalis na si kuya kiko ng biglang napabalik siya sabag sabi" siya nga pala sofie ang ganda mo ngaun gabi bagay na bagay sayo " sabay talikod ta balik sa mga barkada niya . Namalayan ko nalang na namumula na ang mga pisngi ko . Nakaramdam ako ng kilig dahil sa sinabi sa akin ni kuya kiko. bihirang bihira kase si kuya kiko makipag usap sa akin lalo na ang purihin ako. lagi nga ako na cucurious sa kanya dahil sobrang tahimik niya kahit sa bahay nila . maging sa school namin. Pero isa lang ang masasabi ko gwapo si kuya kiko malinis sa katawan ,madaming nag kakagusto sa kanya sa school pero wala ako napansin na naging girlfriend niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD