"Aba ang aga mo pogi? Tulog pa ang inaakyat mo ng ligaw." wika ng lalaking kalbo na nakilala n'yang fonso ang pangalan. "Anong oras po ba nagising si Yumi?" "Mga 9 or 10am." "Hindi ba masyado na yung tanghali para sa isang 7 months pregnant?" tanong ni Cloud. "Bakit mo alam na pitong buwan na ang tiyan ni Madam." "Ako nga kasi ang Daddy." "ahhhh oo nga pala." "Kuya Fons sinong kausap____ Cloud?" salubong ang kilay na usal ng babae ng makita s'ya. Hindi s'ya masyadong mag kakilala ni Jeralyn may ilang beses lang silang nagkausap noon nag papaggap pa itong Zamae. "Anong ginagawa mo dito?" "S'ya daw ang nakabuntis kay Madam Yumi." "ha? ikaw ang ama ng anak ni Yumi." "naku mamaya pa ang gising nun," wika pa ni jeralyn "Bumalik ka na lang mga bandang 9am para hindi ka na mag-intay

