HINDI maipaliwanag ni Mari ang malakas na kabog mula sa kanyang dibdib ng magsalubong ang tingin nila ng lalaking may karga kay Della. For a moment, she felt the world stopped revolving. Sa isang iglap ay natulala siya habang nakatingin sa guwapong mukha nito.
He is much good-looking in person. Kung hindi siya nagkakamali, mayroon Spanish features ito, ngunit maamo ang mukha ng lalaki. Medyo makapal ang kilay at bagsak ang itim na buhok nito na bahagyang tumatabing sa noo nito. May katangusan ang ilong nito at natural na pula ang labi ng lalaki. Mukha naman itong mestiso, pero halata ang tan sa balat nito. Parang may kumiliti sa puso niya ng gumuhit ang ngiti sa labi nito na lalong nagpa-guwapo sa lalaki. Gustong isipin ni Mari na hindi totoo ang lalaking ito sa kanyang harapan. He is way too outstanding from an ordinary man, para itong anghel na bumaba mula sa langit.
“Hi,” bati nito sa kanya.
Tumikhim si Mari saka agad na binawi ang tingin.
“Hi,” sagot niya.
Napatingin siya kay Della ng bumaba ito mula sa pagkaka-karga ng lalaki saka tumatakbong sinalubong siya at yumakap sa kanyang beywang.
“Anak, ano bang nangyari sa’yo? Ang sabi ni Yaya Bhebz iyak ka daw ng iyak kanina,” nag-aalalang tanong niya.
“Eh kasi Mommy tinukso na naman ako ng mga classmates ko. Sabi nila wala daw akong daddy, ayaw nilang maniwala sa sinabi ko na ‘yong nasa magazine ang daddy ko, they laughed at me pa nga eh,” malungkot na sagot ni Della.
Marahan hinaplos ni Mari ang pisngi ng anak, pagkatapos ay niyakap ito.
“I’m sorry anak, wala si Mommy sa tabi mo para ipagtanggol ka,” sagot niya.
Nakangiting tumingin sa kanya si Della saka hinaplos ang mukha niya.
“Don’t worry na Mommy, dahil nandito na si Daddy, ipagtatanggol na niya ako sa mga bad kids na nang-aaway sa akin,” masayang sabi nito, sabay lingon sa lalaki.
“Di ba po, Daddy?” tanong pa nito.
Ngumiti ang lalaki saka tumango. “Oo naman,” sagot nito.
Bumitaw si Della sa kanya pagkatapos ay muling yumakap sa lalaki, kinarga nitong muli ang anak niya saka muling ngumiti sa kanya.
Hindi alam ni Mari kung anong klaseng ngiti ang gagawin niya. Gusto niyang lumubog sa kinatatayuan. Ano na lang ang sasabihin nito? Pasimple niyang tiningnan si Bebang, agad nitong iniwas ang tingin at kunwari ay abala ito sa pagbutingting ng cellphone.
Bahagya pa siyang nagulat ng biglang tumikhim ang lalaki.
“I think we need to talk,” sabi nito.
Alanganin siyang ngumiti. “Ah, yeah, sa tingin ko nga,” sagot ni Mari.
HINDI MAALIS ang kaba ni Mari habang naroon sila sa pribadong opisina ng may-ari ng school. Lalong dumoble ang kabang iyon ng dumating si Ma'am Emma, napilitan nilang sabihin dito ang nangyari. Medyo nakahinga lang siya ng maluwag ng tumawa lang ito.
“By the way, hindi ko pa pala napapakilala ang sarili ko. I’m Nathan Rosales,” sabi ng binata, sabay lahad ng isang palad sa harap niya.
Nakangiting tinanggap niya ang pakikipag-kamay nito.
“I’m Martina Saavedra, just call me Mari,” sagot niya.
“Nice name, Mari,” puri nito.
“Thanks,” usal niya.
“So, puwede ko na bang malaman kung bakit ako napagkamalan Daddy ni Della?” tanong nito.
Humugot ng malalim na hininga si Mari, saka kinuwento ang inembentong kuwento ni Bebang.
“I’m really sorry about this. Alam ko dapat tinama ko na lahat ito agad, pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano ko sisimulan sabihin kay Della ang totoo. Ayokong makita siya na masaktan ulit, nahihirapan akong makita ang anak ko na umiiyak at nagsusubong dahil binu-bully siya ng mga classmates niya dahil wala lang siyang Daddy. That night, it was the first time I saw that genuine happiness in her, at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, dahil tiyak na malulungkot ang anak ko. And as a mother, that’s the last thing I want for her,” paliwanag ni Mari.
“It’s okay, I understand. It’s just that, nagulat lang ako kanina ng biglang may yumakap sa akin na bata at tinawag akong daddy,” natatawang sabi ng lalaki.
Napangiti siya ng wala sa oras. “Pasensiya ka na sa abala, ha? Hayaan mo, kakausapin ko agad si Della,” sagot ni Mari.
“The teachers told me about Della’s case. And I think, nagkakaroon na ng epekto sa bata ang pangbu-bully sa kanya. Nagiging cause iyon para hanapin niya
ang totoong daddy niya. Dahil iyon ang magiging escape ng mga batang dumadaan sa ganitong cases, na kapag nariyan na ang daddy nila, they will feel safe, at unti-unti makakabalik na rin sila sa dati. Hanggang sa bumalik na rin ang gana nila pati sa pag-aaral,” paliwanag ni Ma’am Emma.
“My Mom is a Child Psychologist, that’s why she’s an expert with this kind of cases,” sagot ni Nathan.
“Ah I see,” aniya.
“Eh, ano po ba sa tingin n’yo ang mas mabuting gawin? Do I have to tell her the truth now?” baling niya kay Ma’am Emma.
“Huwag mo muna natin biglain ang bata. It will be another disappointment on her part kapag sinabi natin agad na hindi naman pala si Nathan ang totoong daddy niya. Baka imbes na makabuti ay lalo pang mawalan ng gana sa pag-aaral si Della. Let’s take it one step at a time, sa ngayon, just let her be. Hayaan mo muna na maging masaya ang anak mo,” sagot nito.
Napatingin siya kay Nathan.
“Pero baka makaabala po iyon kay Nathan, sa inyo… I mean, knowing Della, siguradong mangungulit ‘yan,” sabi ni Mari.
Marahan tumawa si Ma’am Emma. “Nah, huwag mong intindihin si Nathan. Mahilig sa bata ‘yan, saka para masanay na siya kapag nag-asawa marunong ng mag-alaga ng bata,” sagot nito.
Sinulyapan ni Mari si Nathan.
“Pero…”
“Don’t worry, it’s okay. Besides, your daughter is so adorable. Who can say no to her?” nakangiting sabi ni Nathan.
“Sigurado ka ba? I mean, hindi kasi biro ito. Kahit paano ay magiging responsibilidad ito sa’yo,” sabi pa niya.
“Walang problema ‘yon. At least nakatulong ako sa’yo. Huwag mo akong alalahanin. Kids like her are great stress reliever,” sagot ni Nathan.
Hindi maiwasan ni Mari ang magtaka dahil sa madaling pagpayag ni Nathan. Mukha naman bachelor ang lalaki, at kung sa iba, siguradong hindi nito tatanggapin na mag-alaga ng bata na hindi naman nito kaanu-ano. Hindi na rin siya magtataka kung hindi na niya makikita si Nathan matapos ang araw na iyon. Tutal ay hindi rin inoobliga ni Mari ang binata na magpanggap. Nasa kanya na iyon kung babalik siya o hindi. Sabay-sabay silang tatlong napalingon ng bumukas ang pinto ng opisina at sumilip si Della.
“Mommy, tapos na po kayo mag-usap ni Daddy?” tanong nito.
Pagtingin niya kay Nathan ay nakasilip din ito at nakangiti kay Della.
“Yes little miss,” sagot ni Nathan.
“Can I come in na po?”
Ngumiti si Mari sa anak saka sumenyas na pumasok na ito. Tumakbo ito palapit kay Nathan at agad na yumakap, kaya kinandong ito ni Nathan sa hita. Nagtaka silang lahat dahil tumitig ito ng husto sa binata
“Anak, may problema ba?” tanong pa niya.
Lumingon sa kanya si Della, saka muling tumingin kay Nathan.
“Wala po. I can’t believe it, Mommy. Sabi ko na nga ba may Daddy ako, sinabi ko sa mga classmates ko na may Daddy ako, pero ayaw nilang maniwala,” sagot ni Della.
“Magkamukha nga sila, mapapagkamalan mo talagang mag-ama,” natatawang sabi ni Ma’am Emma.
Nang matitigan mabuti ni Mari si Della at Nathan ay noon lang din niya napansin na magkamukha nga ang dalawa.
“Ngayon puwede ka ng sumigaw, pogi ang daddy ko!” biro ni Nathan kay Della, sabay kiliti sa tagiliran ng bata.
Tila may humaplos sa kanyang puso habang nakangiting pinagmamasdan ang dalawa. Della laughed her heart out, iyon ang unang beses na nakita niyang ganoon kasaya ang anak niya. At hindi niya kayang bawiin iyon dito, pero bakit sa isang kasinungalingan pa ang kailangan maging sagot sa makakapagpasaya dito?
“Oh, lapit ka kay Lola mo, tapos mag-bless ka,” sabi ni Nathan.
Mabilis itong sumunod at lumapit kay Ma’am Emma. “Lola ko po pala kayo, ang saya naman! May Daddy na ako may Lola pa! Thank you, Mommy! I love you!”
masayang sabi ni Della.
“Are you really happy, anak?” tanong pa ni Mari.
“Opo, sobrang saya ko po!” mabilis na sagot ni Della.
Isang magaan na ngiti ang binigay niya kay Nathan ng magkatinginan sila nito.
“Thank you,” sabi pa niya.
“Huwag mong isipin ‘yon,” sagot ng binata.
“Mommy, Daddy! Uwi na po tayo! Daddy, puwede po ba akong tumabi sa inyo
ni Mommy matulog mamaya?” biglang tanong ni Della.
Gulat na nagkatinginan silang dalawa ni Nathan. Natawa ng malakas ang binata at si Ma’am Emma. Pero si Mari ay literal na napaiwas ng tingin at lihim na napailing.
“Ito na nga ba ang sinasabi ko eh,” sabi niya sa sarili.
PAGBUKAS ng pinto ay agad hinila ni Della si Nathan sa loob ng bahay.
“Daddy, bilis! Look at our house,” pagmamalaki pa nito.
“Wow, it’s beautiful,” puri ni Nathan habang tumitingin sa paligid. Isang bungalow house iyon na may maliit na garden sa harap at garahe. Mayamaya ay tumingin ito sa kanya.
“I mean it, I like the interior of your house,” sabi pa nito.
“Thank you. I’m a very OC person. Saka gusto ko rin makalakihan ni Della ang pagiging malinis at maayos sa bahay, since babae siya. Binigay ito ng parents ko sa akin, para sa amin ni Della. My mom is an interior designer, hilig ko kasi ang pure white and gray color furnitures,” paliwanag niya.
Bahagya itong kumunot noo. “Kung walang mga flowery designs, puwedeng mapagkamalan lalaki ang nakatira dito,” ani Nathan.
Marahan siyang tumawa. “I know, I have a weird taste,” sagot niya.
Napalingon silang dalawa ni Nathan ng lumapit si Della.
“Daddy, alam mo ba? Ang galing magluto ni Mommy, ang galing din niya mag-bake ng cakes at cupcakes, favorite ko nga po ‘yong blueberries cheesecake cupcakes niya eh,” pagmamalaking sabi ng bata.
“Really? Wow, pareho pala tayo ng favorite flavor ng cupcakes!” sagot ni Nathan.
“Talaga Dad? Favorite mo rin ‘yong blueberry cheesecake?”
“Oo, totoo!”
“Baby, punta ka muna kay Yaya Bhebz para makapagpalit ka ng damit,” utos niya.
“Yes Mommy,” mabilis na sagot nito, sabay baling kay Nathan.
“Daddy, tulungan mo po akong gumawa ng assignment ha?”
“Sure! Gusto kong malaman kung gaano katalino ang baby ko! Dapat mana
ka sa akin ah?” sagot ni Nathan.
“Siyempre naman po!”
Tumawa si Nathan at bahagyang ginulo ang buhok ni Della, pagkatapos ay tumakbo na ito papasok sa kuwarto. Nang maiwan silang dalawa ni Nathan ay nagkatinginan sila at nagkatawanan.
“You daughter is a bright child,” sabi nito.
“Thank you, ganyan siya talaga. Masiyahin, always excited every time may bagong pangyayari sa buhay niya. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakitang ganyan, siguro nga masyado na siyang naapektuhan ng panunukso ng mga bata,” sagot niya.
“Huwag kang mag-alala, handa akong tumulong. Anything,” sabi ni Nathan.
“Nakakahiya naman sa’yo. Na-kompromiso ka tuloy ng wala sa oras,” aniya.
“Nah! Sabi ko naman sa’yo huwag mo alalahanin ‘yon eh,” sagot nito.
“Dito ka na mag-dinner ha? Wait, magluluto lang ako,” sabi pa niya.
Habang hinihintay si Della ay sumunod sa kanya si Nathan sa kusina.
“What do you want for dinner?” tanong niya.
Nagkibit-balikat ito. “Hindi naman ako mapili sa pagkain. Ikaw, sabi ni Della magaling ka daw magluto. I will trust her,” sagot nito.
Natawa siya. “Na-pressure yata ako dun ah,” biro pa niya, saka kinuha ang apron at sinuot iyon. Nang itatali na niya sa likod, biglang lumapit sa kanya si Nathan.
“Let me help you,” prisinta nito at tumayo sa likuran niya.
“There,” usal nito matapos itali sa likod niya.
“Thanks,” mabilis na sagot niya sabay lingon.
Biglang natigilan si Mari ng bumungad sa kanya ang guwapong mukha ni Nathan. Unti-unting kumabog ng malakas ang dibdib niya ng halos hindi ito kumikilos at nakatitig lang sa kanya.
“Ba… bakit?” nauutal na tanong niya.
Kumurap ang mata nito, saka ngumiti at umiling. “Nothing,” sagot ni Nathan.
Pinilit gumanti ng ngiti ni Mari kahit ang lakas ng kaba niya. Pagbukas ng refrigerator ay tinuon na lang niya ang pansin sa ulam na iluluto.
“By the way, ano nga pala ang trabaho mo?” tanong ni Nathan.
“I’m a Pastry Chef, I worked at Angelique’s Cake Shop, Branch Manager ako doon, isa ako sa mga nagde-develop ng mga new recipes,” sagot niya.
“Wow, kaya pala proud si Della sa’yo,” sagot ni Nathan.
Napangiti siya. “Della loves to eat sweets, at masaya ako na nagugustuhan niya ang lahat ng niluluto ko para sa kanya,” sagot ni Mari.
“Bukod kay Della, mukhang isa na sa babalikan ko ay pagkain dito,” biro pa nito.
“Anytime, malaki ang tulong na ito para kay Della. All I can do is to serve you delicious food,” nakangiting sagot niya.
Muli na naman itong tumahimik at tinitigan lang siya.
“O, bakit ka na naman nakatitig sa akin?” tanong niya.
“Nothing, you really love her,” ani Nathan.
“Maridella is my angel. She literally saved me when she came to my life, kaya gagawin ko ang lahat para sa kanya,” sagot niya.
“Kaya pala ako nakapauwi dito sa Pilipinas. May misyon pala ako dito,”
“Bakit? Saan ka ba galing?”
Sumandal ito sa kitchen counter at saka nag-crossed arms. “Sa Singapore talaga ako naka-base for six years now. I’m an Architect at doon ang trabaho ko, dapat tatlong taon lang ang kontrata ko. Pero nagustuhan ng kompanya ang trabaho ko kaya na-extend ako. Then, three months ago, nagkasakit ang Daddy ko. I suddenly decided to go back here, gusto pang makasama ang parents ko kaya gusto ko nandito ako para alagaan sila. Tutal may job offer naman sa akin ang Ninong ko na may construction company, doon na lang ako magta-trabaho,” paliwanag nito.
Napatango siya, saka nakangiting tumingin kay Nathan.
“Namana mo kay Ma’am Emma ang pagiging mabait,” sabi niya.
“Thanks,” sagot nito.
“Eh, paano ka naging model?” nagtatakang tanong ni Mari ng maalala ang magazine kung saan ito ang front cover.
Natawa ito saka tila nahihiyang napatungo at umiiling.
“That was just a one-time big time chance! Naglalakad ako noon papunta sa opisina, tapos may lumapit sa akin na talent scout at kinukuha akong model. Hindi ko nga sana tatanggapin, pero inudyukan ako ng mga kaibigan ko na tanggapin. Wala, just for fun. Kaya ayun, pinagbigyan ko sila, pero once lang iyon, hindi na mauulit,” natatawang kuwento nito.
“Hindi halatang first time mo, ang ganda ng naging outcome sa magazine,” sagot niya.
Bumuntong-hininga si Nathan. “I swear, noong photoshoot, ilang beses akong nasigawan ng photographer dahil hindi ko alam ang gagawin ko. That’s so embarrassing,” natatawa pa rin na pagpapatuloy nito.
Naputol ang usapan nila ng dumating si Della.
“Daddy, I’m ready na! Gawa na po tayo ng assignment!” excited na sabi nito.
“Yah!” bulalas ni Nathan saka kinarga si Della.
“O halika na! Kailangan makaipon ng marming medals ang baby ko para lalong maging proud si Mommy at Daddy!”
“Yes Daddy!”
Nakangiti si Mari na sinundan ng tingin ang dalawa habang papunta ng sala.
NAPALINGON si Mari ng makitang humikab na si Della. Pagkatapos gumawa ng assignments, nakipaglaro pa ito kasama si Nathan. Hindi maipaliwanag ni Mari kung gaano siya kasaya na nakikitang masaya rin ang anak.
“Punta ka na kay Yaya Bhebz, anak. Mag-shower ka na tapos…”
“Mommy, gusto ko po si Daddy ang magpatulog sa akin,” sagot niya.
Nagkatinginan sila ni Nathan. Nahihiya na siya sa binata, masyado ng naubos ang oras nito kay Della.
“Naku anak… kasi… kailangan ng umalis ng Daddy mo…” sabi niya.
Nakita niya ang lungkot sa mga mata ng bata. Ngumiti si Nathan kay Della saka kinarga ito.
“Bakit kailangan mong umalis ulit, Daddy? Di ba po dapat dito ka na rin
nakatira?” tanong ni Della.
“Eh kasi anak, may kailangan pa kaming ayusin ng Mommy mo. Hindi mo pa maiintindihan ngayon kasi bata ka pa,” sagot ni Nathan.
“Babalik ka naman, di ba Daddy?” tanong ni Della.
“Oo naman, anak. Call me anytime kapag gusto mo akong makita,” sagot ni Nathan.
“Really?”
“Yes, really!”
“Promise?”
“Promise!” nakangiting sagot ulit ni Nathan.
Yumakap ulit si Della kay Nathan.
“Anak, paalam ka na sa Daddy mo,” sabi ni Mari sa anak.
Humalik si Della sa pisngi ni Nathan. “Bye Dad,” nakangiting paalam nito.
“Bye, be a good girl, okay?”
“Yes Dad,”
Awtomatikong napangiti si Mari ng tumingin sa kanya si Nathan.
“Sige una na ako,” paalam nito.
“Ihahatid na kita sa labas,” sabi niya.
Hindi pa sila nakakarating sa pinto ng muling magsalita si Della.
“Daddy, hindi mo po ba iki-kiss si Mommy bago ka umalis? Ganoon nakikita ko sa mga palabas sa TV,” biglang sabad nito.
Nanlaki ang mata ni Mari sa narinig mula sa anak. Biglang nag-init ang mukha niya ng magkatinginan sila ni Nathan, kaya agad siyang bumawi ng tingin.
“Naku anak… ano ba—”
Hindi na niya naituloy ang sasabihin ng bigla siyang hawakan ni Nathan sa pisngi. Napatingin siya ulit dito ng wala sa oras, parang may sumipa ng malakas sa dibdib niya ng salubungin siya ng magandang ngiti nito, kasunod ng paglapit ng mukha sa kanya. Nahigit ni Mari ang hininga ng lumapat ang labi nito sa pisngi niya, malapit sa labi. Pakiramdam niya ay huminto ang lahat sa paligid niya, her heart suddenly beat faster.
“Pasensiya ka na, I have to do this,” bulong ni Nathan pagkatapos.
Pilit na ngumiti si Mari saka marahan tumango lang.
“Ang sweet nila, di ba Yaya Bhebz?” parang may halong kilig na sabi ni Della saka tumingin sa Yaya.
“Oo nga, bagay sila no?” sang-ayon naman ni Bebang.
Tumikhim siya ng malakas. Biglang tinakpan nito ang bibig.
“Halika na, Della. Mag-shower ka na,” yaya nito.
Nang maiwan silang dalawa ni Nathan ay nabalot sila ng katahimikan. Ramdam ni Mari ang awkwardness sa pagitan nila. Hanggang ang binata ang unang nagsalita.
“Ah… sige Mari, una na ako,” paalam nito.
Ngumiti siya dito. “Salamat ulit ha?” sagot niya.
Hinatid niya ng tingin si Nathan hanggang sa makalabas. Napakunot-noo si Mari ng bahagya itong tumungo sa driver at tila may sinabi, pagkatapos ay binalikan siya nito.
“O, bakit? May nakalimutan ka?” nagtatakang tanong niya.
“Ah, your number, hindi ko pa nakukuha. Nakapangako ako kay Della na puwede niya akong tawagan anytime,” sagot ni Nathan.
Natawa siya. “Oo nga pala,” sabi niya.
Matapos mag-exchange ng phone numbers ay tuluyan ng umalis ang binata. Mag-isa na lang si Mari doon sa labas, pero tila naiwan ang presensiya ni Nathan doon. Wala sa loob na nahawakan niya ang gilid ng labi na hinalikan nito. Bakit ba pakiramdam niya ay kinikilig siya?