ANNAH: The Last Titanian Chapter 42 "The fourth shall be cast upon from two birds that cries half blood. Mend thy bond and esylium is on hand" Ano ba ang ibig sabihin ng oracle sa sinabi nyang iyon? Napahinga nalang ako ng malalim habang naglalakad akong mag-isa sa hallway ng mansion. Matapos kaming mag-usap ni Kael ay lumabas na ako at naisipan kong puntahan nalang ang ibang kasamahan ko para mag-plano sa paghahanap ng esylium. Pero napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa dulo ng hallway na iyon. Nagtaas ako ng mukha at ang napakalaking portrait ng isang magandang babae na yun ang nakita ko. She has this black long hair and pairs of red eyes at napakaganda nya. My brows met. Sino kaya ang babaing ito? "She's beautiful, isn't she?" Napalingon ako sa pinagmulan ng bago

