ANNAH: The Last Titanian Chapter 47 Mga pulang rosas. Umuulan ng mga rosas... Mag-isa akong nakatayo ngayon sa gitna ng malawak na hardin ng mga pulang rosas habang sinasalo ko ang bawat pulang petals na nahuhulog sa kamay ko. Nagtaas ako ng mukha at nakita kong sa harapan ko ay may isang napakalaking puno ng pulang rosas. At doon nanggagaling ang mga pulang petals na umuulan sa akin ngayon. "My lady" ang biglang sulpot ng boses na iyon. Agad naman akong napalingon sa pinagmulan ng boses. At ang nakita ko ay ang gwapong lalaking yun na napakagwapo sa suot nyang puting tuxedo. The white tuxedo he's wearing gave more intense reflection into his beautiful deep blue eyes. Light... "Magsisimula na po ang ceremony..." he whispered. He said that. Pero nakikita ko ang kakaibang lungkot

