ANNAH: The Last Titanian Chapter 37 Maganda ang sikat ng araw ngayon kaya naisipan naming ipagpatuloy na ang paglalakbay namin. Mabuti nalang at naging maayos na ang pakiramdam ni Alex kaya nabawasan na ang pag-aalala namin sa kanya. At ang rason nya lang kaya sya nawalan ng malay ay dahil narin daw sa sobrang pagod ay hindi kinaya ng katawan nya. But I felt that there is something more about it. There is something more pero ayaw nya lang sabihin. At habang nakatingin ako sa kanya ngayon na inaayos ang pagkakalagay ng paa ko sa saddle ng kabayo ay nakikita ko parin ang sobrang pag-aalala sa mukha nya. Gusto ko sanang itanong kung ano ang iniisip nya pero hindi ko lang kayang magtanong. At ang isa pang ipinagtataka ko... Napalingon ako sa direksyon nina Maalouf at Raven na ngayon

