Napangiti siya nang mabasa ang mga chat ni Summer at Agatha sa group chat nila. Nag-update lang ang mga ito roon. Hindi pa kasi sila makapagkita ngayon dahil nasa ibang bansa ang mga 'to. She send her selfie in their group chat. Summer: Is it just me or you are blooming? Something to share? Agatha: Hmm... Baka masaya lang sa pagsusulat. We know that our Yeonjin doesn't have extra time for love life. Her husbands are in the fiction world only. Nailing na lang siya habang tumatawa. Paano siya hindi sasaya kung patapos na ang sinusulat niya? Yes! Kaunting kembot na lang ay talagang tapos na ang kwento na sinusulat niya. Mas napadali sa ine-expect niya. Lumalamon siya ng cake sa kwarto niya nang biglang lumabas si Shawn na nakatapis lang. Kasama niya kasi ito simula kagabi. Ma

