Ilang araw na niyang iniiwasan muna ang binata. Kailangan muna nila ng pahinga sa isa't isa. Sa tuwing maalala niya ang pagbibintang nito ay hindi niya mapigilan makaramdam ng labis na galit. Pati noong pangalawang kasal ni Summer ay iniwasan niya rin ito. Umuwi siya ng maaga pero nagawa siya nitong sundan pero dahil nga wala pa siyang ebidensya na hindi ito baog ay hindi niya muna kinakausap ang binata. Masiyado ng matagal ang nangyari kaya naman ay hindi niya na makita ang doctor ni Shawn. Tinutulungan siya ni Riker tungkol doon pero hindi naman siya umaasa rito dahil may ibang problema rin ito kay Agatha. Ang nakakainis pa ay hindi niya mahagilap si Alissa. Gusto niya talaga ito makausap ng harapan para masabunutan at mabugbog, pero siyempre kahit kaya niya iyong gawin ay dapat hi

