Halos mapuno ng gift ang penthouse ni Shawn nang maraming nag padala sa kaniya ng birthday gift. Lalo na't kasi nasa korea sila ay marami siyang kaibigan na naririto at fans. Wala siyang party dahil wala rin siya sa mood mag handa at mag accommodate ng maraming tao. Iyong social battery niya ay parang ma-de-drain kaagad. Kahapon ay lumabas lang sila ng ninang niya kasama ang pamilya nito na naging pamilya niya na. Ngayon naman ay may dinner sila ni Shawn sa isang private restaurant. She wants to treat Shawn on her birthday. Nag-ayos siya at nagsuot ng simpleng dress. Pagkalabas niya ng kwarto ay nakaayos na rin si Shawn. Pinasadahan niya ito ng tingin at sigurado siyang mangingibabaw ito pag naglakad lakad sila sa labas. Para itong may fashion show dahil sa ayos. Hindi ito

