CHAPTER 14 #GoodbyeJollyIsland #HelloNewDestination ?

870 Words
? CHAPTER 13 #GoodbyeJollyIsland #HelloNewDestination ?AUTHORS NOTE: and im back, pasensya na po kung ngayon lang ako nakapag update ah, busy po kasi sa simbang gabi/ misa de gallo/ family bonding party nung notche buena/ pasko at church party/ tinapos ko yung 9 mornings of christmas kaya natagalan ang update, pero eto na nga po bumabawi na. So nalaman natin ang nakakalokang pakikipagsapalaran sa loob ng jolly island nila pete, randy, junie at ng mga kaibigan ni pete na los bastardos hehe yung eksenang may pa agahan si mayor, may langit at impiyerno doon and last but not the least, may malaking waterfalls dun sa loob ng jolly island, at eto na nga ang pagpapatuloy, enjoy :) CHAPTER 13 #GoodbyeJollyIsland #HelloNewDestination ? RANDY POV "Malapit na sana akong makaalis sa falls nang biglang... MAMATAY KA!!!-sigaw nung pete at inihagis yung espada niya sa lochness na nilalang,ay ginaya lang ako (-_-) papalapit nang papalapit ang espada sa halimaw hanggang sa... PETE! huwag mo siyang patayin, kaibigan siya!-sigaw ni art, teka? asan sila? ayun! nasa loob ng kweba! anung ginagawa nila dun... naiwasan naman ng halimaw yung espada at... NYE! sigaw namin parehas ni pete kasi yung lochness... parang dolfhin na nagtampisaw sa lawa (o_o) seryoso? PETE! pumasok kayo dito dali-sigaw nung art, grabeh ha! natakot kaya kami sa halimaw. at nagulat kami sa aming nasaksihan... (o_o) ba...bakit may ganito dito?"-sabi ko kay pete. "hindi maari... ang lumang barko ni lolo!"-gulat na sabi ni pete. kulay pula ang barko, na luma na, at may mga agiw at alikabok, pero, buo pa ito! "kahit ako ay gulat din sa aking nasaksihan, biruin nyo! sa loob ng isang malaking waterfalls, may isang malaking barko! at ang nakakagulat, sa lolo daw to ni pete!" " tama ka ng narinig randy, sa lolo ni pete to, akala nga namin lumubog na to sa ilalim ng dagat, ang pinagtataka namin, nung mapadpad kami dito, ay bakit dito ito napunta?"-sabi ni art. "isa lang ang ibig sabihin niyan, may kumuha ng barko ni lolo."-seryosong sabi ni pete, na siya namang nagpatahimik sa amin. "ang tanung, sino? sino ang kukuha ng barko ng lolo mo?"-sabi ni diego. "maaring kalaban ito ni lolo."-sabi ni pete. "ang mabuti pa, ay paandarin na natin to, para makaalis na tayo sa islang ito."-sabi ni art. nag isip si pete, "hindi ito maiialis sa lugar na to, maliban na lang kung... gagamitan ito ng kapangyarihan!"-sabi niya. "pa..paano mo naman yun gagawin pete?-sabi ko. nagmasid si pete sa paligid ng barko, ang barko ay nakapatong sa sahig ng kweba, na kaunting natutuluan ng tubig galing sa waterfalls, sa labas ay makikita ang mga punot halaman, mga makukulay na alitaptap, mga hayop sa gubat at syempre yung halimaw. "aha! alam ko na!-nakakagulat na sabi ni pete, ang ginawa niya pinulong niya ang mga kaibigan niya, hindi ko naman marinig yung mga sinasabi nila dahil malayo sila, nakaupo kami ni junie sa bato, sa loob ng kweba, sa kaliwa, sila naman, nasa kanan. maya maya pumaligid sila sa barko, at, yumakap, seryoso? (0_0) at yan na naman sila... nag oorasyon na naman... at... hala... yung mga alitaptap na makukulay, lumiwanag ng husto! at pumalibot sila sa barko at parang sa tv lang, napalutang nila ito, unti unti... grabeh... ano ba talagang meron sa lugar na ito? someting strange... "kulang pa, mga kasama! kailangan naming magamit yung halimaw pang hatak ng barko!-sabi ni pete. "kailangan munang mailabas ang barko at tsaka natin itali ang halimaw sa harap!-sabi ni art. nakakagulat! lumulutang talaga sa ere ang barko! minanipula ni pete ang barko,alam niya kung paano patatakbuhin ito. hindi man kapani-paniwala pero oo, nailabas nga ng mga alitaptap yung barko sa labas ng kweba, at naikabit na rin yung kanina pang langoy ang langoy na lochness monster sa lawa. at sa wakas! nakaalpas na kami sa bungad ng jolly island! kung kanina ay lumilipad kami, ngayon naman, hatak hatak na kami ng halimaw sa dagat, kaya yung mga boys, ayun! petiks na naman, mga nakahiga sa sahig, natutulog, naghihilik, hindi talaga akong makapaniwalang isang buong araw lang kaming na stranded sa isla, para kasing dalawa o tatlong taon na kung siguro sa mundo namin, kakaiba talaga tong mundong to. "teacher, nabobored ka na po?"-sabi ni junie.nakita kais ako nitong nakapalumbaba sa balkunahe ng barko. "oo naman, junie, panu ba naman, parang matagal-tagal pa ata tayong maglalakbay sa barkong ito, sana nga lamang hindi na sirain ng halimaw sa dagat."-sabi ko. "huwag po kayong magalala, teacher, nandyan naman sila kuya pete, eh."-sabi ni junie. "naku kang bata ka, sabay gulo sa buhok nito, tandaan mo ha, iba tayo sa kanila, tao tayo, sila, ewan ko, hindi ko alam, at magkaiba ang mga mundo natin at sa kanila."-sabi ko. maya maya... "tignan mo po teacher!"-sigaw ni junie. "may mga dolfhins at... sperm whales! (o_o) at ang dami nila, nakapalibot sa barko namin!. itutuloy. AUTHORS NOTE: oo alam ko, bitin, eh kasi hahabaan ko pa yan sa mga susunod na chapters, pero sa ngayon, hihingi muna ako ng vote, comment and put these in your w*****d library, para ganahan po ako sa pagsusulat, libre na nga po ito eh, sige na po pls! thank you, hanggang sa susunod na update mwah! :) <3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD