? Chapter 8: #PaninirahanSaPalasyoAuthors Note: And I'm back! At sa linggo birthday ko na! Thanks G for my another birthday :) kamusta kayo? OK nman ba kayo?
So natigil tayo sa pagpapakilala ng mga taga palasyo, kasama ang mahal na reyna ng mga puso kay Randy at naguguluhan sila kay Randy, kasi nga Hindi nila to kilala.
At eto na nga, pasensya na kayo sa mabagal na update, medyo busy lang ang author nyo sa iba niyang mga Gawain.
Anyway, ituloy na natin ang kwento nila Pete and Randy, roll vtr! Cheret! :)
Chapter 8, #PaninirahanSaPalasyo
Dedicated to: cold_deee
PETE POV
"Mukhang na akwardan na si Randy sa mga taga palasyo kaya napagpasyahan ko nang ipasok siya sa bulsa ko este! Sa loob ng palasyo."
"Mama, papasok na po kami ng kaibigan ko sa aking kwarto, napagod po kasi siya sa mahabang paglalakbay mula sa kanila (Hindi ko na sinabi kung saan)
"Ok sige anak, magpahinga na muna kayo at maya maya ipaghahanda ko na ang tanghalian natin." Sabi ng aking ina na alam kong pakitang tao lang pati ang ngiti sa kanyang mga labi.
Bago kami pumasok ay hinatak muna niya sa kanang braso si randy at pabulong na sinabi: "Hindi pa ako tapos sayo dayuhan, magkikita pa tayo!." Sabay ngiting sarkastiko.
Tinanggal ko ang kamay ni mama sa kanang braso ni randy at naglakad na kami papunta sa loob ng palasyo kasama si junie.
Nakatingin lang sa amin ang mga beking kawal, mayordomo at mga katulong ng palasyo.
Pagkapasok sa loob ng palasyo, namangha si randy, ang laki kasi ng sala at hagdan papunta sa mga kwarto ng palasyo at may malaking chandelier sa taas ng kisame, sinabihan ko munang sa study room muna si Junie, kalapit ng aking kwarto, magbasa basa muna siya doon sabi ko at sumunod naman ang bata, dahil may pag uusapan kaming importante ng guro niya.
Pagkapasok namin ng silid, inilock ko ang pinto, upang walang makarinig ng pag-uusap namin.
"Randy,makinig ka."-sabi ko sa kanya, may dahilan kung bakit ka nandito at ni junie sa lugar na to." "At... Ano naman yun?" Sabi ni Randy, na medyo gulat at asar.
"Dahil kapalaran mong mapadpad dito gaya noong bata ka." "A...anong kapalaran? Hindi kita maintindihan!." Sabi niya.
"Natatandaan mo ba yung mga batang lalakeng kasama mong naglalaro at nagtatakbuhan sa mga luntiang burol?"-FLASHBACK SCENE NUNG MGA BATA PA SILA.
"Pa...paano mo nalaman yan!?!"-gulat niyang sabi.
"Isa ako sa mga kasama mo doon, Randy, ako yung kababata mo! Si Pete!"-sabi ko.
Medyo malayo siya sa akin, nakatayo siyang malapit sa kama ako ay nasa pinto, kaya lumapit ako sa kanya.
"Natatandaan mo din nung mag-isa kang umiiyak sa puno ng narra dahil iniwan kita? Nangyari gun dito sa Neverland (Nagflashback unti unti ang mga nangyari sa kanila noon ng batang Pete) pinagbawalan na kasi ako ni mama noon nang makipaglaro sayo dahil mortal ka, at immortal ako."
"Si..sinungaling ka! Mapagpanggap! Papaano mo nalaman yan ha? Sinung nagsabi sayo!?! Sino!!!."-sabi niya.
"Ang sakit ng mga sinigaw niyang salita sa akin pero tinatanggap ko, dahil kasalanan ko, at titiisin ko,naluluha kong inulit ang sinabi ko kanina..."
"Dahil ako to, ako si Pete, ang kababata mo, at sana... Sana...naalala mo pa ako." :(
-sabi ko.
Natigalgal siya sa nasabi ko, ipinagpatuloy ko ang pagsasalaysay...
"Naalala mo ba nung...(pinunasan ko yung luha ko) nahulog ka sa kawalan, yung parang walang katapusan, akala mo siguro noon, panaginip lang yun, pero Hindi, to too yun, kasalanan ko! Kasalanan ko yun! Dahil Hindi kita iningatan, muntikan ka ng mapatay ng mga kaaway natin."
"Sinong mga kaaway!?! Sino???"-sabi niya, Hindi ako sumagot, "Nahihibang ka na!"-duro niyang pagalit sa akin, paalis na sana ng kwarto si Randy ng pigilan ko siya at paupuin sa kama, sinamaan niya ako ng tingin.
RANDY POV
" Parang bombang sumabog sa harap ko ang mga sinabi niya sa akin, nung Pete! Kasi akala ko! Akala ko talaga noon, panaginip lang ang lahat! Hindi pala, to too pala yun! Kaya pala, kaya pala, paulit-ulit Kong napapanaginipan yung mga batang lalakeng hindi ko maalala Simula bata ako hanggang ngayon, akala ko talaga, nababaliw na ako, hindi pala, mukha pala akong na engkanto, mga salbahe sila! Iniwan nila ako sa lugar na yun, na tinatawag nilang neverland!"
PETE POV
" Pagkatapos kong masabi lahat, tinanung ko siya, Naniniwala ka ba sa akin? Ang tagal niyang sumagot, Alam ko dahil galit siya at naguguluhan.nakatitig lang siya sa akin. Maya-maya sinabi niya.
"Oo, naniniwala ako sayo, pero... Hindi ibig sabihin nun ay pinapatawad na kita, bukod sa mga kasalanan mo sa akin nung bata pa ako ay may kasalanan ka pang nadagdag."-sabi ni randy.
"At...anu nman yun?."-malungkot at nagaalala Kong sabi.
"Ehem! Ahhh.... Eh.... Nung... Hinalikan mo ko sa gubat."-namumula niyang sabi, nagustuhan ko ang sinabi niya, kinikilig nga ako eh at natutuwa, pero hindi ko pinahahalata, pinasimangot ko pa ang aking mukha at sinabing, "sorry na,hindi na mauulit." With matching pagluhod pa sa harapan niya.
"Aba! Dapat lang!",sabi niya "hindi kita nobyo noh!" Na siya namang kinatigil at kinapula ng mukha.
"Hahaha,( nakangiti at nakasingkit kong tawa) sorry ulit, ang mabuti pa ay magalmusal ka na muna dito, alam kong hindi ka pa nag aalmusal."sabi ko.
Tinawag ko ang isang katulong sa labas ng pinto para magpadala ng almusal para Kay Randy, sumunod naman ang katulong at pumasok na ako sa loob ng kwarto, mahirap na at baka matakasan ako ulit ni Randy.
RANDY POV
"Pinadalhan nga ako ng agahan nung Pete sa kama niya, grabe naman, ang dami! Halos mapuno ng pagkain yung lamesita sa kanang bahagi ng kama, hmmm...ok naman yung kwarto niya, castle inspired room, kaso yung kulay all royal blue, magmula sa kurtina, wall color, lumang tukador/aparador, lamesita, pati maliit na bookshelf na puno ng mga lumang libro, kama at siguro pati banyo, kulay royal blue haha adik pala sa sa royal blue tong lalakeng to! At nakakaloka! Ang laki...ng bintana! Yung tipong kasya ang isang malaking tao, parang pintuan eh!."
"Oh! Maduling ka niyan! Ikot ng ikot yang mga mata mo, kumain ka na nga ng agahan."-sabi niya pagkatapos umupo at ialok ang pagkain.
"Walang sabi sabing nilafang ko ang mga foods, yung mga foods niya sa kwarto, gutum na gutom na kaya ako! At naubos ko lahat! Yung dalawang malaking piraso ng tinapay na may palamang karne at gulay, isang basong gatas at nilagang itlog, burp! Maraming salamat!"-sabi ko. "Walang anuman, Randy."-gulat at nakangiti niyang sabi.
PETE POV
"Napakatakaw pala ng mahal ko haha! Well, di na nakapagtataka, wala pa siyang kain, tinitigan ko lang siya habang kumakain, gwapo pa din siya, kahit...mukhang alipin haha! At mahal ko siya, oo, paulit-ulit man mahal ko siya."
"Nung natapos na siyang kumain, inaya ko siyang maligo muna. "Maligo?" Sabi niya, "Oo, maligo, mabaho ka na eh haha!" Sabi ko, sumimangot siya at sinabi "grabe ka sa akin." "Joke lang", sabi ko, "pero seryoso, maligo ka na, at pagkatapos , magpalit ng damit", nakangiti kong sabi.
Tinuro ko yung malaki kong... banyo sa kanang bahagi ng kwarto ko, pumasok siya soon dala ang twalya at narinig kong napa wow siya sa ganda ng banyo ko hehe.
RANDY POV
"WOW, yung totoo? Banyo ba talaga to? O kwarto ulit? Ang laki eh! All royal blue ulit, mula sa kurtina ng malaking bintana na nasisikatan ng araw, malaking bathub na may bumubulang sabon at tubig, toilet na may mahabang tali sa taas na parang imbakan ng tubig, na hatakang pang flush ata yun! Medyo malaking lababo at salamin na may magandang ukit na frame."
"Pagkasara ko ng pinto, una Kong hinubad ang t shirt ko, lumantad ang medyo maskulado Kong pangangatawan, malamang! Kahit busy ako sa school, pag weekends, nag gym ako, sa gym na katabi ng bahay namin sa San Vicente, awww...namimiss ko na ang lugar namin :("
"Sunod Kong hinubad ang pantalon at ang brief, oops! Pixilated! Rated spg! Di nyo makikita kasi kalahati lang ng nakikita sa salamin ang nakikita nyo sa akin, walang bosohan readers! Hehe."
"Binabad ko na ang katawang lupa ko na madumi sa bathub! Sa wakas! Nakaligo rin! Nanlilimahid na ako, ito ay may maligamgam na tubig at mabulang sabon. Ngayon ko lang naranasang maligo sa bathtub kasi walang ganito sa bahay, tabo at timba lang ang meron kami.
Nakahiga na nagkukuskos ng balat gamit ang kahoy na may pangkuskos sa dulo at sponge.
"Tok!Tok!Tok! Narinig kong katok sa pinto."Randy!, matagal ka pa ba diyan?"-sabi nung Pete sa labas ng pinto. "Patapos na!."-sabi ko, medyo nakaidlip ako at napasarap ang higa at pagkuskos ng katawan ko sa bathub, sarap kasi sa balat nung maligamgam na tubig na may sabon at naamoy na blue scented candle sa tabi ng bathub."
"Tumayo na ako, hubad pa din, site boso pa kayo!, he he, at nagbanlaw sa tapat ng shower pagkatapos tanggalin ang laman na sabon ng bathub, bumuhos mula sa ulo ko hanggang paa ang malamig at nakakapreskong tubig, brr!!! Ang lamig!!! Nung matapos na akong magbanlaw, nagpatuyo ako ng katawan sa harap ng salamin ng lababo, gamit ang blue na tuwalya ni pete, mula ulo hanggang paa."
"Nakayuko ako nung lumabas ng banyo, hindi ko nakita si pete, kaya....
Blag! Hala!
Napadapa na naman ako sa kanya, sa ibabaw niya!, nagkatitigan na naman kami nang saglit,at nung inalis ko yung mata ko sa mata niya, pagbangon ko, nakita na... s**t!
Nakahubut hubad ang Pete, at sinabing...
"Ano masarap ba? Sayo lang yan!."
ITUTULOY
AUTHORS NOTE:
O ayan, nakabawi na ako sa inyo, sabaw pa din ba? Musta naman ang shower at nude scene nung petexrandy? Bahala na kayong magimagine, nandyan na yung pics, malalaki na kayo! Hehe, hanggang sa susunod na update! Mwah!