"O anong sinagot mo?" Nagaatuniling tiningnan ni Julie ang kaibigan. Kumakain sila ni Maqui sa Bene para sa kanilang lunch. Si Nadine pasulpot sulpot lang dahil nga naman on-going ang trabaho niya. Napatingin tingin pa sa paligid si Julie kaya mabilis naman siyang tinampal ni Maqui. "Aray ah!" "Wala si Elmo! Nasa kusina! Kaya wag ka na magalala." "Masakit bes." Simangot ni Julie sa kaibigan. Inirapan lang naman siya ni Maqui. "Malayo sa bituka San Jose pero malapit na talaga kita pilipitin. Ano sinagot mo pagkatapos niya sabihin iyon?" Ikinuwento kasi ni Julie ang tagpuan nila ni Elmo nung isang gabi. "W-wala. Yinakap ko lang siya." Napahilamos sa muhka si Maqui. "Julie Anne naman!" "It's not time for me to say it yet!" Sabi ni Julie. Pero natigilan saglit si Maqui. Seryosong ti

