GIO Jimenez
"Babe?" Tawag sa akin ni Cristine mula sa kusina.
Nasa sala ako ng apartment namin, nakasandal sa sofa habang nanonood ng basketball game sa TV. Magkakasama kami ngayon ni Cristine sa bahay matapos ang magdamagang inuman kasama ang mga katrabaho ko kagabi.
Masuwerte at hindi masyadong malala ang hangover ko, kaya nagawa ko pang gumising nang maaga para samahan siya sa pamamalengke.
"Yes babe?" sagot ko.
"Free ka ba this weekend? Sabi kasi ni papa may salu-salo daw ulit. At may ipapakilala daw si Tyler." saad ni Cristine.
"Talaga ba? Wala namang problema, free ako." wika ko.
"Thanks babe. Ito kasing si papa, iggrab niya talaga ang kahit na ano, makapag-get together lang ang pamilya." saad ni Cristine.
"Masaya lang ang Papa niyo," sabi ko at ngumiti nang bahagya. "At mukhang nagiging open na sa inyo si Tyler kung may ipapakilala na siya."
"Sana nga babe. Ang saya ko kung magkaganoon nga."
Wala namang masyadong nangyari sa araw ko. Pagkatapos kumain ay nagkantutan lang kami magdamag ni Cristine hanggang sa nakatulog siya. Ito nga ang routine namin tuwing weekend at wala naman siyang reklamo dahil alam kong nasasarapan siya sa b***t ko.
Kinabukasan, bumalik ako sa opisina. Nang dumating ang lunch break, imbes na dumiretso ako sa convenience store tulad ng nakasanayan, natagpuan ko ang sarili kong naglalakad papunta sa isang lugar na hindi ko inaasahan.
Napadpad ako sa Butterfly.
May sariling isip yata ang mga paa ko.
Pagpasok ko sa loob, kakaunti lang ang tao hindi tulad noong huling bisita ko rito. Wala naman akong balak uminom, lalo’t kailangan ko pang bumalik sa trabaho. Pero kahit hindi ko gustong aminin, may isang dahilan kung bakit ako nandito.
Lumapit ako sa isang serbidora. "Excuse me," tawag ko sa kanya.
Lumingon siya sa akin at bahagyang tumaas pa ang kilay. "Yes, sir?"
"Ah... nandito po ba si Asia?" may pag-aalangan kong tanong.
Saglit niya akong tinignan, para bang hinihimay ako mula ulo hanggang paa ngunit hindi ko na lang pinansin.
"Wala si Asia. Tuwing Biyernes at Sabado lang siya nandito," sagot niya nang walang emosyon.
Tumango ako. Mukhang tuwing special show lang siya nagpe-perform dito.
Nagpasalamat ako sa serbidora at lumabas na ng bar.
Habang naglalalad ay napagdesisyunan ko nang alisin si Asia sa isip ko. Hindi ko naman talaga dapat iniisip ang isang katulad niya. Wala kaming kaugnayan sa isa't-isa. At isa pa hindi naman ako nagpapantasya sa mga bakla.
Siguro ay dala lang ito ng kuryosidad ko sa kung ano ang nasa likod ng maskara niya.
Dahil may oras pa naman ako, dumaan ako saglit sa convenience store at nag-take out ng sandwich pagkatapos ay dumiretso na ako sa smoking area para sabay na akong kumain at magyosi.
Habang nagahanap ng pwesto, nahagip ng paningin ko ang isang pamilyar na mukha—isang binatang nakaupo sa isang bench, may hawak na sigarilyo, nakasandal sa pader habang nakaangat ang isang binti.
Si Tyler.
"Tyler?" tawag ko nang mas maaninag ko ang mukha niya.
Dahan-dahang siyang lumingon sa akin habang walang pagbabago sa ekspresyon. Hindi naman siya mukhang naiinis na nakita ako, pero halata kong hindi rin siya ganun kasaya.
"Pwede makiupo?" tanong ko.
Hindi siya sumagot, pero inalis niya ang pagkakapatong ng paa niya sa upuan—senyales na pinapayagan niya akong umupo. Kaya naman, hindi na ako nag-atubili.
Sinindihan ko ang yosi ko at pinagmamasdan ang usok na binuga ko na naglaho sa hangin.
"Palagi ka bang nandito?" tanong ko, dahil mukhang wala siyang balak makipag-usap.
"Oo," maiksi niyang sagot.
"Hindi kita nakita dito nung isang linggo."
"Baka maaga akong umuwi."
At muling namayani ang katahimikan. Hindi ko na siya pinilit magsalita. May pakiramdam akong hindi pa siya komportable sa akin.
Nang malapit nang matapos ang isang oras kong break, tumayo na ako at nagpaalam. Isang tango lang ang kanyang sinagot at hindi man lang akong tinignan.
Nagpatuloy ang araw ko at ginawa ko ang mga routine na aking nakasanayan. Pagkatapos ng trabaho, umuwi ako sa bahay, kumain, natulog, at pagpatak ng parehong oras, naghanda na naman ako sa pagpasok sa trabaho.
Sumapit na naman ang aking lunch break. Dali-dali akong bumaba mula sa aming building at nagtungo sa convenience store. Tinignan ko kung nandoon ba si Tyler, ngunit nang masiguro kong wala siya, nag-take out na lang ako ng sandwich. Dalawa pa ang binili ko.
Halos puno ang smoking area ngayon. Wala akong makitang bakanteng bench. Sinipat ko din ang paligid ngunit hindi ko makita si Tyler. Mukhang wala ito ngayon.
Nagtungo na lang ako malapit sa poste ng ilaw na nasa labas ng smoking area. Pwede kasing umupo sa nakausling sidewalk doon.
"Kuya," narinig kong may tumawag. Hindi ko man sigurado kung para sa akin iyon, otomatiko akong napalingon sa pinagmulan ng boses.
Nakita ko si Tyler na nakaupo sa isang parte ng sidewalk, may kalayuan mula sa poste ng ilaw. Bahagyang madilim sa pwesto niya ngunit hindi ako nagkakamali at siya nga iyon. Suot niya ang itim na hoodie at butas-butas na pantalon na nakita ko sa kanya noon nang bumisita kami sa Laguna.
Napangiti ako dahil siya na ang tumawag sa akin. At tinawag pa niya akong kuya.
"Tyler. Nandito ka pala. Hinanap kita dyan sa loob." saad ko bago umupo sa tabi niya.
"Madaming tao."
Natawa ako dahil ito ang tipikal na reaksyon niya lagi. Laging seryoso at walang kaemo-emosyon.
"Kanina ka pa?" usisa ko.
"Hindi naman."
Nilabas mo mula sa supot ang binili kong sandwich at binigay sa kanya ang isa. Tumanggi pa nga ito pero sa huli, napilitan siyang tanggapin ito.
Sabay kaming kumain ng sandwich. May mga hiyawan at bulungan sa smoking area, pero wala ito para sa amin dahil katahimikan ang bumabalot sa aming dalawa ni Tyler.
Nagsindi ito ng yosi kahit na nasa labas kami ng tinalagang smoking area. Parang hindi ito natatakot na may humuli sa kanya. Pabiro ko siyang sinaway, ngunit wala naman itong gaanong reaksyon at tinuloy na lang ang ginagawa niya.
Hindi na naman kami nakapag-usap dahil tahimik lang ulit si Tyler. Sumapit ang oras na kailangan ko nang bumalik sa trabaho at naiwan ko siyang mag-isa doon sa pwesto namin.
Paglipas ng mga araw, nagpatuloy ang aming tahimik na routine. Tuwing lunch break, bibili ako ng dalawang sandwich, pupunta sa parehong lugar, at doon kami sabay na kakain. Minsan, may sinasabi siya, pero madalas, tango at iling lang ang sagot niya.
Pagdating ng biyernes, naalala ko na may lakad kami ni Cristine pa-Laguna dahil sa hinanda ng pamilya niyang isang salu-salo at dahil may ipapakilala daw si Tyler.
"Siya nga pala," usal ko. "Bukas ay may handaan sa bahay niyo. Gusto mo bang sumabay na lang sa amin ng ate mo pa-Laguna?"
"Hindi na. Ako na bahalang pumunta." wika ni Tyler. Gaya ng dati nagsisigarilyo pa rin siya sa labas ng smoking area
"Ikaw bahala." wika ko. Gumaya na rin ako sa kanya at nagsindi na rin ng sigarilyo.
"Ahh, ayos pala magyosi dito." anas ko pagkaraang maibuga ko ang usok sa hangin. "Alam ko kasi bawal."
"Masarap ang bawal, kuya."
Narinig kong nagsalita si Tyler kaya naman tumingin ako sa kanya. Nakatingin din siya sa akin—sa labi kong kagat ang stick ng sigarilyo.
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon, pero habang tinitignan ko ang mga mata niya, para akong nalulunod.
Ako ang unang bumitaw sa tingin. Tumikhim ako, bumuga ng usok, at ibinalik ang paningin sa harapan.
Ganoon din naman ang ginawa ni Tyler.
Muli na namang nabalot ng katahimikan ang hangin sa pagitan naming dalawa.
“Nga pala,” sabi ko, sinusubukang basagin ang namuong tensyon sa pagitan namin. “Sabi ng ate mo, may ipapakilala ka daw?”
May halong panunukso ang tono ko, at pabiro ko pang binangga ang kanyang balikat.
Sa unang pagkakataon ngayong gabi, nakita kong ngumiti si Tyler. Isang tipid na ngiti, pero sapat na para makita ang bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon
Tumingala siya sa langit, kasabay ng marahang pagbuga ng usok mula sa kanyang sigarilyo.
“Meron nga, kuya.”
Nakakaramdam ako ng kung ano habang pinagmamasdan ang nakangiting labi ni Tyler. Siguro ay dahil bihira ko lamang ito makita pero namamangha ako.
Bakit parang ang gaan-gaan niyang tingnan kapag nakangiti?
"Ka-gwapong bata. Bagay sa'yo ang laging nakangiti."
Napakurap ako.
"Po?" Napatingin siya sa akin at halatang nagulat.
Puta. Nasabi ko ba 'yon nang malakas?
Agad akong napakamot sa batok, pilit na ikinubli ang sariling kahihiyan.
"W-wala," mabilis kong sagot at umiwas ng tingin.
Tumingin ako sa orasan sa aking pulso kahit na hindi ko naman talaga tinandaan ang oras.
Kailangan kong umalis bago pa ako magbitaw ulit ng kung anu-ano.
Tumayo ako at marahang tinapik ang kanyang balikat. "Mauna na ako, Tyler. May gagawin pa pala ako."
Napatango siya, pero hindi siya agad nagsalita.
"Ingat ka sa pagluwas bukas," dagdag ko bago tuluyang lumakad palayo.
Tahimik akong naglakad sa kalsada, ngunit sa halip na dumaan sa pinakamalapit na ruta pabalik sa opisina, pinili kong tahakin ang mas mahabang daan.
Kailangan kong maglakad-lakad. Kailangan kong kumalma.
Ano ba naman kasi yang iniisip mo, Gio.
—
Kinabukasan, pag-uwi ko sa bahay mula sa trabaho, saglit muna akong nagpahinga bago kami bumiyahe ni Cristine papunta sa bahay nila sa Laguna.
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya na nagkikita kami ni Tyler malapit sa opisina. Alam ko kasing ayaw ito ng bata kaya naman hahayaan ko na lang na siya mismo ang magkwento sa pamilya niya.
Ilang oras ay nakarating na kami sa Laguna. Sinalubong kami ng pamilya ni Cristine. Gaya noong nakaraan, mainit pa rin ang pagtanggap nila sa akin.
"Nandito na si Tyler, ma?" Tanong ni Cristine.
"Wala pa. Pero tumawag kanina at sabi nasa biyahe na raw." sagot naman ni mama.
Habang naghihintay ay tumulong na kami ni Cristine sa kusina dahil si mama at isang katulong lang ang naghahanda ng mga pagkain. Sanay din naman akong magluto kaya naman alam kong may maitutulong din ako.
Maya-maya, narinig ko si papa na tumawag mula sa sala na siyang pumukaw ng aming atensyon.
"Mahal nandito na si Tyler!"
Pumunta kaming lahat sa sala upang salubungin siya ngunit lahat kami ay tila nasopresa.
Nakita naming lahat si Tyler—pero hindi siya nag-iisa.
"Pa, Tita Sandra... anak ko po pala, si Athena." wika ni Tyler, habang karga ang isang batang babae na tantya ko ay nasa tatlo o apat na taong gulang.
Tahimik ang buong sala. Nagkatinginan sina Mama at Papa at kita sa mga mukha nila ang gulat. Pero ilang sandali lang, unti-unting lumambot ang kanilang mga ekspresyon at sumilay ang ngiti sa kanilang mga labi.
Naunang lumapit si Mama, kinuha si Athena mula sa mga bisig ni Tyler at hinalikan ang bata sa pisngi.
"Hi, apo. Naku, napakagandang bata."
Nakangiti lang ang bata, tila hindi alintana ang biglang pagdami ng mga taong nakapaligid sa kanya. Mas lalo pa siyang natuwa nang simulang iuga-uga siya ni Mama. Lumapit din si Papa, hinaplos ang ulo ng bata at pagkatapos ay niyakap si Tyler ng mahigpit.
Maging si Cristine ay hindi napigilang puntahan ang bata.
"Babe, halika! Napa-cute ni Athena, no?" usal ni Cristine habang nilalaro ang bata.
Napangiti ako. Nakita ko kung paano niya kinikiliti si Athena, na ngayo’y tumatawa na habang hinahaplos ang mukha ng tita niya. Naisip ko tuloy ang magiging buhay namin ni Cristine kapag ikinasal na kami at nagkaroon ng sarili naming anak.
"Akyat ko lang po yung mga gamit namin sa kwarto." wika ni Tyler bitbit ang ilang bag.
Saka lang kami nagkatinginan. May bahagyang pag-angat sa gilid ng labi niya na tila isang tipid na ngiti. Hindi ko alam. Pero hindi siya nagsalita pa. Tumalikod siya at iniwan kaming lahat sa sala kasama si Athena.
Buo ang pamilya nang kumain kami. Si Mama ang katabi ni Tyler habang si Athena naman ay nasa kandungan niya habang maingat niyang pinapakain. Nasa tapat ko lang sila kaya hindi ko maiwasang mapansin kung paano niya alagaan ang anak niya—maingat, kalmado, at puno ng pagmamahal.
Naputol ang katahimikan nang magsalita si Papa.
"Matanong lang, Tyler, kung di mo mamasamain."
Saglit na huminto si Papa, tinitimbang ang mga susunod niyang salita.
"Nasaan ang nanay ni Athena?"
Tumigil si Tyler sa pagsubo ng pagkain sa anak niya. Hindi siya kaagad sumagot. Halatang hindi niya gusto ang tanong. Nagbaba siya ng tingin, saka marahang huminga.
"Matagal na po kaming hindi nagsasama."
Hindi na siya nagbigay ng iba pang paliwanag. Tahimik lang kaming lahat, pero hindi naman naging awkward ang paligid.
"Ah, ganun ba, anak?" sagot ni Papa, bago siya ngumiti. "Ayos lang 'yon. Marami namang tita si Athena. Tiyak maraming mag-spoil sa kanya."
Bahagyang tumango si Tyler.
"Salamat po."
Nagpatuloy ang pagkain habang nagkukuwentuhan ang pamilya. Pero sa kabila ng lahat, hindi ko maiwasang mapadako palagi ang tingin ko kay Tyler.
May kung ano kasi akong nararamdaman at hindi ko alam kung ano. Siguro ay humahanga ako dahil sa murang edad ay naitaguyod niya ang kanyang anak kahit hiwalay sila ng ina nito.
Pagkatapos ng tanghalian, kanya-kanyang naglibang ang lahat. Si Mama at Papa ay umakyat sa taas para magsiesta. Kami naman ni Cristine ay naiwan sa sala kasama si Athena.
"Babe, pasabi naman kay Tyler na pakuha ng bagong damit si Athena. Medyo basa na kasi ng pawis."
Tumingin ako sa itaas. Umakyat kasi si Tyler kanina, aniya’y may aayusin daw.
"Sure. Saglit lang."
Pumanhik ako at naglakad papunta sa dulo ng hallway kung saan naroon ang kwarto ni Tyler. Napansin kong bahagyang nakasiwang ang pinto.
"Tyler?"
Kumatok ako kahit na bukas ito. Wala pa ring sumasagot. Inulit ko pa ang tawag.
"Kuya, bakit po kayo nandito?"
Nagulat ako nang marinig ang boses niya mula sa likod ko.
Paglingon ko, doon ko lang napansin ang itsura niya. Nakababa ang kanyang basang buhok at may ilang patak pa ng tubig ang dumadaloy sa hubad niyang katawan pababa sa nakatapis niyang tuwalya.
Napalunok ako.
"Naligo ka pala."
"Opo," sagot niya, itinuro ang CR sa dulo ng hallway. "Walang banyo sa kwarto ko kaya doon ako naligo. Anong kailangan mo?"
"A-ano, si Athena… medyo basa na ng pawis. Magpapakuha sana ng damit si Ate Cristine mo."
"Ganoon po ba. Saglit lang po kukunin ko. Pasok po kayo."
Inaya ako ni Tyler sa loob ng kwarto niya.
Pumasok ako sa kwarto niya. Sa loob, kinuha niya ang isang bag at sinimulang hanapin ang damit ni Athena.
Hindi ko alam kung bakit ko siya tinititigan. Pero habang bahagya siyang nakayuko, napansin ko ang hubog ng katawan niya—hindi man sobrang maskulado, pero halatang alaga ito.
Ang balikat niya’y mas malapad kaysa sa bewang niya. Makinis ang balat niya, at kahit hindi batak ang muscles niya, may mga linya sa tiyan niya na parang abs.
Maumbok din ang kanyang pang-upo na nakausli dahil sa pwesto niya.
Parang biglang uminit ang kwarto.
"Kuya?"
Naputol ang aking iniisip nang marinig ko ang boses ni Tyler.
"Ha?"
"Ito po ang damit, sabi ko." wika niya. Inabot niya sa akin ang damit ni Athena, at naramdaman kong ilang saglit nagtama ang aming mga daliri.
"Sige, mauna na ako."
Isang tingin pa ang aking pinukol sa katawan ni Tyler bago ako tumalikod.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Tyler. Bago ako bumaba ng hagdan, huminga muna ako ng malalim at pinakalma ang aking sarili.
Kinagabihan, nagyaya si Papa ng inuman. Kasama namin si Cristine at Tyler. Ang iba’y hindi umiinom kaya kami lang ang naiwan sa sala.
Masaya ang kwentuhan, pero gaya ng nakasanayan, si Papa ang pinaka-madaldal sa amin. Halos siya lang ang nagsasalita habang kami’y nakikinig at natatawa sa mga kwento niya.
Saglit na umalis si Cristine sa sala kung saan kami umiinom upang kumuha ng yelo.
Doon ko namansin na tahimik lang si Tyler, kaya lumingon ako sa kanya.
"Tyler, ilang taon ka na pala?" tanong ko.
"Nineteen."
Tumango lang ako pero sa isip-isip ko, kinakalkula ko kung ilang taon nakabuntis si Tyler. Apat na taon si Athena kaya mukhang 14 o 15 anyos ito nakabuntis. Hindi na ako nagkomento pa tungkol dito.
"Anak, Tyler. Tandaan mo na nandito lang kami palagi. Anak kita. Hindi magbabago yan." saad ni papa na halatang lasing na.
"Opo pa, salamat." ang maiksing tugon ni Tyler.
"Sumama ka na sa amin sa Amerika. Kayo ni Athena." dagdag pa ni papa.
Natigilan si Tyler na tila nag-iisip. Pagkaraan ay tinungga niya ang kanyang baso na may lamang alak.
"Salamat po pa. Pero ayos na kami dito ni Athena."
May kung ano sa mukha ni Tyler ngayon. Malungkot ito pero alam kong may nakatago pa dito. Mukhang malalim ang iniisip niya na gusto niyang sarilinin na lamang.
Hindi ko naman gustong makialam kaya hindi na lamang ako nagsalita. Alam kong darating din ang araw na si Tyler mismo ang lalapit sa pamilya niya upang mag-open up.
Nagtuloy ang aming inuman hanggang pasado ala-una. Pinauna ko na sa kwarto si Cristine at alam kong pagod na ito at nagpresinta ako na ako na ang maghahatid kay papa sa kwarto nila.
Dahil medyo malikot si papa, wala akong nagawa kundi ang magpatulong kay Tyler. Sabay naming inakyat si papa papuntang kwarto nila. Nagising pa nga si mama at nagsabi na siya na ang bahala sa lango niyang asawa.
Pagkababa namin ng sala, nakita kong may kaunting alak pang natitira. Kaya naman kinuha ko ito at pinakita kay Tyler.
"Ano? Shot pa?"
Saglit siyang tumingin sa bote bago tumango.
Muli kaming naupo sa sofa.
Pinuno ko ang baso niya, saka siya pinagmasdan habang tinutungga niya ito.
"Hanga ako sa’yo, Tyler."
Napatingin siya sa akin at bahagyang nagtaas ng kilay.
"Nabuhay mo ang anak mo na ikaw lang mag-isa. At napakabata mo pa."
Saglit siyang ngumiti, pero walang kasamang saya.
"Wala naman akong magagawa. Nagpapasalamat na lang ako at nandito pa siya sa tabi ko."
May bigat sa kanyang boses. May lungkot na hindi niya kayang itago.
Hindi ko alam kung epekto lang ito ng alak, pero hindi ko napigilang sabihin:
"Nandito lang ako. Kung kailangan mo ng tulong, sabihin mo lang."
Saglit siyang natigilan bago tumango.
"Salamat, Kuya."
Nag-usap pa kami ng iba’t ibang bagay. Kadalasan, ako ang nagtatanong at siya naman ay maikli lang sumagot. Pero habang lumalalim ang gabi, parang nag-iiba ang hangin sa pagitan naming dalawa.
Tahimik. Hindi awkward, pero may kung anong hindi ko maipaliwanag.
Hanggang sa mapunta ang usapan sa mas personal na bagay.
"Maiba ako… wala ka pa bang girlfriend ulit? Ayaw mo bang bigyan ng bagong mama si Athena?"
Saglit siyang natawa, pero umiling.
"Wala, Kuya. Hindi ko naman iniisip 'yon."
"E, paano kung magkita kayo ulit ng mama niya?"
Napayuko siya saka umiling. Hindi ito kumibo.
May kung anong gumuhit sa kanyang mukha. Parang sakit o hinanakit.
Dahil sa epekto ng alak, pabiro kong idinugtong:
"Naku, sa gwapo mong 'yan, alam kong makikipagbalikan 'yon."
Muli siyang umiling.
"Hindi po siguro, Kuya."
"Eh di, mukhang walang nagpapaligayo sa'yo ngayon?"
Ngumiti lang siya bago uminom sa hawak niyang baso.
"Nako, maghanap ka na ng iba. Ang sarap kaya ng may kasama. Marasap rin sa kama."
Sabay kaming natawa ni Tyler. Sa loob-loob ko, parang achievement sa akin na napatawa ko ito.
"Hindi na po kailangan." sagot niya.
"Talaga bang wala ka nang balak humanap ng iba?" tanong ko sa kanya.
"Kung meron akong makita, bakit hindi?"
Nagtagpo ang mga mata namin.
Hindi ko alam kung paano nangyari, pero parang bumagal ang oras.
Tahimik.
May kung anong bumalot sa paligid na isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.
Habang nakatitig ako sa kanya, biglang pumasok sa isip ko ang mga bagay na hindi ko dapat iniisip.
"Ano bang hinahanap mo?" tanong ko, halos pabulong.
Napakasarap titigan ng maamo niyang mukha. Napaka-inosente nito at hindi mo aakalaing nagawa na niyang makabuntis.
Ramdam ko ang bahagyang paglapit ng katawan namin. Hindi man sadya, pero ramdam ko ang init na nagmumula sa kanya.
At sa hindi malamang dahilan… parang nadadala ako.
"Hmm…" Napangiti siya, pero bahagyang pilyo. "Kahit ano po. 'Yung maalaga… mabait…"
Muli kaming nagkatitigan.
At sa sandaling iyon… para bang may kung anong hindi dapat na nagsisimulang mabuo.
Ilang pulgada na lang ang pagitan ng aming mga mukha.
Ramdam ko ang kanyang init at ang bahagyang paghinga niya na dumadampi sa balat ko. Kitang-kita ko ang makinis niyang mukha na parang isang larawang perpekto sa bawat anggulo.
Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin.
O baka alam ko.
Pero sa sandaling iyon, wala akong pakialam.
Kinabig ko ang kanyang ulo at pinagbangga ang aming mga labi.
Mainit. Mapusok.
Naramdaman ko ang bahagyang pag-igting ng kanyang katawan, pero hindi siya lumayo. Sa halip, tinugunan niya ang halik ko at binuka ang kanyang bibig upang tanggapin ang pagpasok ng aking dila.
"Uhhmmm..."
Hinapit ko ang kanyang maliit na bewang, iniangat siya upang mapakandong sa hita ko. Hindi namin pinuputol ang pag-espadahan ng aming mga dila at mas ninamnam ko ang kanyang tamis—ang init na hindi ko alam na hahanapin ko.
Kumapit siya sa aking dibdib at marahang hinimas iyon, habang ang mga kamay ko naman ay gumapang sa kanyang katawan.
Pinasok ko ang kamay ko sa loob ng kanyang suot na t-shirt at hinaplos ang kanyang makinis na balat. Eksperto kong hinanap ang maliliit na butil sa kanyang dibdib at marahang pinisil.
"Haaahhh... kuya...!"
Napasinghap siya.
Bahagya naming pinaghiwalay ang mga labi, ngunit may malapot na laway ang nakakonekta oa sa aming bibig. Magkadikit pa rin ang aming mga noo.
Nagkatinginan kami.
Alam namin ang impluwensya ng alak sa aming ginagawa. Pero higit pa roon, alam naming pareho na gusto namin ito—kahit wala ang alkohol sa aming sistema.
"Tyler... ang sarap mong humalik."
Napangiti siya. Ngunit imbes na sumagot, muli niyang sinunggaban ang aking labi. Mas mapusok. Mas nag-aalab.
Hinila ko siya pababa at inihiga sa sofa habang patuloy naming pinagsasaluhan ang isang taksil na halik. Pumatong ako sa kanya at pinadama ko ang epekto niya sa akin.
Kiniskis ko ang naninigas kong b***t sa kanyang katawan. Naramdaman ko rin na buhay na rin ang kanyang alaga kaya naman mas idiiniin ko pa ang aking sarili sa kanya.
"Gusto mo ba to, Tyler?" tanong ko at kinagat ang kanyang labi.
Tumango lang si Tyler habang nakapikit ang mata. Marahil ay nasasarapan siya sa sensasyon ng nagkikiskisan ng aming mga ari.
"Sumagot ka kapag tinatanong ka!" hinawakan ko ang kanyang panga kaya naman napadilat siya.
Nakita ko ang libog sa kanyang mga mata—isang kasagutan na hindi niya kailangan pang sabihin. Pero gusto kong marinig ito mula sa kanya.
"Oo, Kuya Gio. Ituloy mo lang."
Sa kanyang tinig at sa pagtitig niyang puno ng pagnanasa, alam kong wala nang balikan.
At sa gabing ito, may isang bagay na magbabago magpakailanman.