Kris POV Ibinaba ko na ang cellphone ko. Gusto ko sanang samahan si Evan pero hindi ko magawa dahil pribado pa ang relasyon namin. Kaya nagpasya na ako. Sasabihin ko na ang lahat kay Matthew para hindi na kami nahihirapan ng ganito. Nakokonsensiya na rin ako dahil sa mga lihim ko sa kaniya. It's now or never! Pinihit ko ang doorknob at lumabas ng pinto. Eksaktong lumabas naman si Matthew sa kwarto niya. "Kris, pwede ba tayong mag-usap?" Nagtaka ako kung anong sasabihin niya sa akin. Ngunit, mabuti na rin na magkausap kaming dalawa para masabi ko na sa kaniya ang lahat. "Sige," sagot ko. "Tamang-tama dahil may sasabihin din naman ako sa'yo." "Saan mo gustong mag-usap?" Sa tingin ko hindi na importante kung saan dahil ang importante ay masabi ko na ang lahat sa kaniya. "Kahit s

