Evan's POV continuation... Napailing ako at pinaandar na ang motorsiklo. Pagdating ko ay nasa sala si Mr.Alcantara nanunuod ng teleserye. "You're back!" pansin niya sa akin. Hinubad ko ang jacket ko at inilagay sa rack sa pinto. "Oo, bakit?" "Wala naman. How does it go? I mean your date with your girlfriend?" Naupo ako sa gilid niya. "Maayos naman. All is well. Hanggang sa dumating ka," biro ko. Ngumiti lang siya. "I guess your Dad knows about your studies in H.U," he said out of nowhere. "Did you told him?" "No. Alam mo naman siya ang dami niyang source. Kahit ayaw mong sabihin sa kaniya malalaman at malalaman niya ang lahat," he explained. "Hayaan mo na. As long as he didn't interfere on my plans wala kaming magiging problema." He stared at me."Seryosong usapan Evan

