Kris POV "Kris, sandali," pigil sa akin ni Matthew. Kaaalis lang ni Evan. Sumugod siya rito sa bahay at pinagsusuntok si Matthew. Mabuti na lang at lumabas ako kaya napigilan ko siya. Kung hindi mas marami pa sana siyang pasa. "Kris, teka lang. Ano ba? Huwag mong sabihin sa akin na naniniwala ka sa lalaking 'yon?" tanong nito habang sinusundan ako. "Bakit ano ba dapat ang paniwalaan ko Matthew? Sino ba dapat sa inyo ang paniwalaan ko?" Naguguluhan ako sa sitwasyon naming tatlo. Lalo na nang sabihin ni Evan ang ginawa ni Matthew na pakikipag-sabwatan nito kay Elaine para paghiwalayin kami. "Ako!" panindigan niya. "Kasi ako ang kaibigan mo. Kris... hinding-hindi ko magagawa 'yon sa'yo dahil bestfriend kita. I don't even know that Elaine," pagmamalinis nito. Nasapo ko ang noo ko. "Ew

