Matthew's POV "Saan ka galing?" tanong ko sa kaniya nang mabungaran ko siya na kakalock lang ng pinto. Nasa sala ako at nanunuod ng t.v. Hindi rin siya nagpaalam sa akin na aalis siya nitong gabi. Malamang nagkita na naman sila ng Evan na iyon. Maga ang mga mata nito at mukhang galing sa pag-iyak nang sulyapan ko siya. Tumingin lang ito sa akin at hindi ako kinausap. Naglakad siya paakyat ng walang sinasabi. "Kris..." tawag ko sa kaniya. Tumayo ako. "Hanggang kailan ka ba ganiyan sa akin? Dahil lang ba sa Matthew na 'yon kaya kakalimutan mo na ang pinagsamahan nating dalawa? Hindi mo ba napapansin na dahil lang sa kaniya kaya tayo nagkakaganito?" Nilingon niya ako. Mukha namang hindi siya natuwa sa mga sinabi ko. Lumapit siya sa akin. "Dahil sa kaniya?" tanong nito. "Huwag mo nga

