JUNJUN’S POV KANINA pa nag-uusap sina Bossing Aldrian at Alegria habang kumakain kami ng breakfast. Hindi ko alam pero bagay sila, ha. Tapos, kami naman ni Budayday ang bagay. Hehe! Basta, may ipapakilala daw si Alegria kay bossing na makakatulong sa problema nito. Master Bate daw ang pangalan. Sounds bastos. Hmm… Bahala nga sila. Mag-usap lang sila ng mag-usap. Basta ako, kakain ako ng Koko Krunch with fresh milk! Heaven pala ito sa sarap. Matagal ko na itong gustong kainin kapag nakikita ko sa TV ad. Isa ito sa life goals ko at natupad ko na siya. Check ko na ito sa listahan ng life goals ko. Dahil nasa bowl ang Koko Kruch at fresh milk ay nakalublob ako doon. Hanggang balls ko ang lalim ng fresh milk. Wala akong kamay kaya dumudukwang ako sabay kagat sa isang piraso ng Koko Krun

