ALDRIAN’S POV NAGULAT ako nang pagmulat ko ng aking mga mata ay may nakatutok na shotgun sa mukha ko. Inabot na kami ni Alegria ng dilim sa paghahanap kay Junjun kaya naman sa ilalim ng isang puno kami natulog. Nakakain naman kami kahit papaano sa mga prutas na nakita namin dito sa Gubal Buhol-bul. Mabuti na lang at walang mababangis na hayop na umatake sa amin habang natutulog kami pero hindi yata sa mababangis na hayop kami dapat matakot ni Alegira kundi sa mga bandidong lalaki na nasa harapan namin. Isang lalaking ang suot ay pang-rebelde ang nakatayo sa harapan ko habang nakatutok ang shotgun niya sa akin. Sa likod niya ay may tatlo pang lalaki na armado din ng mga malalaking baril. Kinabahan na ako dahil nasa panganib kami. Dahan-dahan akong bumangon. Hindi pa rin inaalis ng lal

