Nakabibinging tugtog ng trance music at neon lights ang sumalubong sa 'min sa loob ng isang bar, kasabay niyon ang samu't saring amoy ng pinaghalong usok ng sigarilyo at minty air sanitizer ng club. Hinila agad ako ni Apollo sa couch kung saan abot tanaw ang stage. We were inside a high end bar at hindi mapagkakailang mga kilalang tao ang nasa loob nito. Sina Yves at Quinn ay dumiretso na sa dance floor samantalang si Brent ay nasa bar counter at nakikipagflirt na sa iba't ibang babae. Hindi na nakasama sila Bobbie dahil masama daw ang pakiramdam ng asawa nito. "Babe anong sayo?" Apollo caught my attention while roaming my eyes around. Kanina ko pa hinahanap si King pero hindi ko siya makita. Saan kaya nagpunta ang isang iyon? Ito lang naman ang pwede niyang puntahan dahil nag iisa lang

