Nang sumunod na araw ay natuloy ang plano naming pagpunta sa Coron ngunit hindi ko na nasilayan ang anino ni King. Hindi na rin siya nag-abala pang sumunod sa kwartong tinutuluyan ko ng nagdaang gabi. Masama parin ang loob ko sakanya. Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit naniwala agad siyang may nangyari sa amin ni Apollo. Alam kong may kinalaman ang huli at ng pagkawala ng cellphone ko sa kung ano mang nalalaman ni King. Ayoko namang magpakasigurong sinadya nga iyon. Hindi ganoon si Apollo. Galit siya sa akin pero alam kong hindi niya magagawa ang bagay na iyon sa akin. "You're digging into your thoughts again. Guess it's no news anymore. You're always thinking out loud" nakangising puna sa akin ni Brent. I rolled my eyes and looked away. I don't want to entertain anyone at

