Say something.. Paulit ulit kong ibinubulong iyon sa sarili ko habang binabaybay namin ang kahabaan ng Edsa, magmula nang umalis kami ng Condo ko ay hindi na kami nagkikibuan ni King. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako ay panaka nakang napapasulyap sakanya. I was waiting for him to speak, but he's just utterly quiet. I know he's mad, and more than that. "King..." Bulong ko, napansin kong nagtiim ang bagang niya ngunit hindi siya kumibo. His eyes are focused on the road, but I knew him better. Galit siya. I can feel the fire igniting between us. "Is that the impression you want to show to our twins?" I snap. But he remained deaf. "Aren't you going to say something?"ulit kong tanong, tumingin lang ito sa akin saglit at ibinaling muli ang tingin sa daan. Sa sobrang gigil ko ay na

