I was smiling widely while talking to Apollo on the phone. Hindi ko alam pero ang gaan gaan talaga ng pakiramdam ko sakanya. Mula ng malaman kong buntis ako ay hindi na nawala ang takot at pangamba sa dibdib ko, pero sa tuwing makakasama at makakausap ko siya ay unti unting nalulusaw at nabubura ang mga damdaming iyon sa akin. He is really an angel to me, while Brent's my knight in shining armor. Im so blessed. "O pano baba ko na?" I felt him grinned on the other line. I pouted and knotted my other hand on the hem of my tee. "Wag muna. I still want to hear your voice Epol Apol" pangungulit ko habang hinihintay ang pagbuka ng elevator. "Ehhh.. Kendra.. They're already throwing me death glares" reklamo niya. Napanguso ulit ako. Nasa kalagitnaan kasi siya ng meeting ngayon, pero dahil sady

