PART 2

1055 Words
"Eiiiiihhhhhh!" mahabang tili ni Cristine nang makita nito ang picture nina Andy at Yolly sa cellphone ni Yolly. "Ang suwerte mo naman, Insan. Sana pala nagpa-late rin ako nang uwi kanina. Sana sa 'kin nakisabay si Andy my crush. Sana pala sinamahan kita sa library." Natatawa na lang si Yolly sa kanyang pinsan. Parang maloloka na yata. Panay ang halik nito sa screen ng kanyang cellphone. Hinahalikan nito ang guwapong larawan ng binata nang paulit-ulit. Dumiretso siya sa bahay nina Cristine para ipakita lang 'yon, kahit umuulan, dahil alam niyang laglag panga ito sa inggit. At tama nga siya. Tuwang-tuwa siya dahil gumana ang balak niya na inggitin si Cristine. Hindi nasayang ang inilabas niyang kakapalan ng mukha kanina. Ang totoo kasi ay naglakas-loob lang siya kanina na makipag-selfie kay Andy. Ginawa niya iyon para lang may ipagmayabang siya sa pinsan. "Unli f******k ka, Insan?" Tumango siya. Kung si Cristine busy sa larawan ni Andy, siya naman ay busy sa paglamon ng miryendang inilabas ng nanay ni Cristine para sa kanya. "Pa-online, ha?" Tumango lang ulit siya. Nag-register siya ng unlimited surfing kahapon pa pero hindi naman siya mahilig sa f******k. Pasilip-silip lang siya sa mga post ng mga taong friends niya 'kuno' roon dahil sa totoong buhay ay wala naman talaga siyang kaibigan maliban kay Cristine na pinsan niya. At mas naging busy pa si Cristine sa cellphone niya. Hinayaan lang niya ito. Basta siya busog. "Ayan," mayamaya ay sambit ng kanyang pinsan. "Anong ginawa mo?" "Pinost ko sa f******k ko 'yung picture niyo ni Andy. Tingnan mo may nag-like agad at nag-share. Tinag kita at tinag ko rin si Andy." Ang lakas ng "Ano?!" ni Yolly sabay agaw sa cellphone niya. At nang tingnan niya ay napangiwi siya. Paktay! Naka-post na nga talaga 'yung picture nila ni Andy sa timeline ni Cristine tapos may caption pang, ANG PANGIT AT ANG GUWAPO! BAGAY SILA, 'DI BA? Masaklap pa ay log out na rin. Ni-log-out na ni Cristine kaya hindi na niya ma-delete. "Sira-ulo ka talaga," inis niyang singhal sa pinsan. "Burahin mo 'to, insan!" "Ayoko nga. Ang cute niyo kayang tingnan," tatawa-tawang sabi ni Cristine sabay tayo at takbo para magtago. "Criiiiistiiineee!!" sigaw ni Yolly sa pasaway na pinsan. . . . SA KABILANG BANDA. "Buti dumating ka na." Agad na iniabot ni Yaya Chadeng ang isang tuwalya kay Andy na kakauwi lang. Si Yaya Chadeng ay matagal nang taga-alaga ni Andy. Bata pa lang si Andy ay yaya na niya ang matanda. "Ang lakas po kasi ng ulan, 'Ya," ani Andy. Pinunas-punas niya ang tuwalya sa ulo. "Oo nga, eh. Nag-alala ako sa 'yo. Hindi ka man lang nag-text o tumawag." "Na-lowbat po ang cellphone ko," aniya. Akmang papasok na siya ng bahay pero humarang sa kanyang dadaanan ang matanda. "Bakit po?" Inilagay ni Yaya Chadeng ang hintuturo nito sa bibig at lumingon sa loob ng bahay tapos tumingin ulit sa kanya at pabulong na may sinabi. "Kasi si Cindy nasa loob at kanina ka pa hinihintay." Agad na nakusot ang kanyang mukha. Si Cindy ay anak ng amiga ng kanyang Mommy na isa sa mga patay na patay sa kanya na babae, at tulad ng iba ay hindi niya rin type. Maganda naman si Cindy pero kasi ay ayaw na ayaw niya ang ugali nitong palaging pumupunta sa kanilang bahay upang magpa-cute. Turn off sa kanya ang ganoon. Nakakawalang gana. "Gano'n po ba. Sa likod na lang ako dadaan, 'Ya." "Hindi mo na naman haharapin? Kawawa naman. Kanina pa siya rito." "Kayo na ulit bahala, 'Ya. Sabihin mo next year pa ako uuwi." At tumalilis na siya papuntang likod ng bahay. Kamot-ulo na lang si Yaya Chadeng na pinanood ang alaka bago nagbubuntong-hininga na pumasok ng bahay. Walang magawa kundi dating gawi nga ulit ito. Operation: pauwiin si Cindy. Napabuntong-hininga muli ang matanda. Naawa ito sa dalaga na laging umaasa na pansinin ng alaga nito. Sabagay hindi naman masisisi ni Yaya Chadeng si Andy. Kahit naman kasi ito ay ayaw nito na babae na ang halos manligaw na sa lalaki. Ang ipinagpapasalamat na lang ni Yaya Chadeng ay si Andy na ang umiiwas. Hindi pumapatol basta-basta ang alaga nito sa mga babaeng flirt kaya naman bilib din ito sa alaga nito na iyon dahil kung iba lang siguro ay baka hindi na mabilang sa kamay ang nabuntis na ng batang iyon. Si Andy ay nakapasok naman na sa likod ng bahay. Parang magnanakaw nga lang siya sa sarili nilang bahay na ingat na ingat sa kilos. Dahan-dahan siya na nagtatakbo. Anong hinga niya nang maluwag nang ligtas siyang makapasok sa sarili niyang silid. Thank God, hindi siya napansin ni Cindy. Ini-lock niya agad ang pinto ng kanyang silid tapos ay charger agad ng cellphone niya ang hinalungkat niya sa drawer. Ichinarge niya ang low batt na cellphone niya at kampante nang naligo. Bahala na si Yaya Chadeng niya kay Cindy. Hindi siya nakukonsensiya dahil hindi naman niya sinabing dalawin siya ng dalaga, bahala ito sa buhay nito. Lagi na lang, eh. Nagsasawa na siyang harapin o pakisamahan. Nang matapos maligo ay tsinek na niya ang cellphone niya. Ang dami na namang message and as usual galing sa mga nagpapansing mga babae. Napailing siya't napahimas sa batok. Kailan ba sila mapapagod? Tsk. ANDY, INGAT SA PAG-UWI, MALAKAS ANG ULAN -Ang text ni Sarah, schoolmate niya. ANDY, NAKAUWI KA NA BA? -Text naman ni Karen. Ang ex-girlfriend niya na panay pa rin ang pagpapa-cute. At marami pang iba. Isa lang ang umagaw sa pansin niya at iyon ay ang text ni Patrick, as usual. DUDE, ANG GANDA NG CHICKS MO NGAYON, AH? HA-HA! Doon siya agad nag-reply. WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT? CHECK YOUR f******k, DUDE. Simpleng reply sa kanya ng kabarkada. Lalo siyang napakunot-noo. Sinunod niya agad ang reply ni Patrick. Nag-online nga siya't tsinek kung anong meron na naman sa f******k. At anong sama ng kanyang mukha nang makita niya ang isang larawan na naka-tag sa kanya. Nag-isang linya talaga ang mga kilay niya. May marami na kasing likes, comments, and shares ang naka-post na larawan. Pinagpyestahan na agad ng mga classmates nila at mga schoolmates nila ang larawan. "Patay ka sa 'kin bukas, Yolly!" inis niyang duro sa dalagang pangit na kasama niya sa larawang iyon. Ang larawan kasi na trending na ay ang selfie nila kanina ni Yolly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD