PART 8

1639 Words
"Dito ba talaga ang bahay niyo?" naninigurong tanong ni Andy habang akay-akay si Yolly. Susuray-suray ang dalawa na bumaba sa taxi na kanilang sinakyan. "Oo. Dito na nga pero gusto ko pang uminom. Balik tayo ro'n," mapupungay ang mga matang sagot ni Yolly. Kanina pa niyon ikinukulit. Kanina nga'y ayaw umalis ito ng disco bar. Ayaw magpauwi. Hirap na hirap si Andy na hinila ito. "You're already wasted. Next time na lang ulit," mahaba ang pasensya na sabi ni Andy kasabay nang pagkatok niya sa gate ng bahay nina Yolly. "Ayoko pang umuwi. Inom pa tayo. Ang sarap n'on, eh. Parang juice.” At nagtatawa ang dalaga. Natawa na rin si Andy. Kasalanan niya 'to. Lagot! "Ooppss!" Nang muntik nang matumba si Yolly ay buti na lang nasalo niya ito. "Aisst, ang likot mo kasi, eh. " Nagtatawa ulit si Yolly. "Tingnan mo hindi mo na nga kaya," sermon niya rito. "Hi-hi, kaya ko pa. Tara na balik tayo ro'n." Hinila siya nito. "Huwag na nga. Ang kulit mo," angal niya pero natatawa na ulit siya. Ang lakas na kasi ni Yolly. Para siyang humihila ng kalabaw, eh, ang liit lang naman nitong babae. Payatot. "Sige na kasi." Niyugyong nang niyugyog pa nito ang manggas ng kanyang polo. "Hindi na nga. Nandito na tayo sa bahay niyo. You better go to sleep. May klase pa tayo bukas." "Ayoko pa nga," giit ni Yolly pero pagkasabi niyon ay ang pagbagsak naman na nito. Buti na lang at nasalo ulit niya ito. Napailing siya. Wala talaga kapag malasing ang babae kawawa kung ogag ang nasamahang lalaki. Tsk! "Oh, ano kaya pa?" natatawang kantyaw niya sa dalaga. Iniyakap niya ito sa sarili niya para hindi matumba. Subalit ngumuyngoy naman ang ulo ni Yolly at tuluyan nang nahulog ang malaking salamin nito sa mata. Wala sa loob na napatitig tuloy siya sa mukha ng dalaga. At hindi niya naiwasang humanga. Maganda pala si Yolly kung walang salamin. Matangos ang ilong nito, maliit ang bibig, at heart shape pala ang mukha nito kung titigan. Ang ganda niya pala! . . . KINABUKASAN. Kung anuman ang nangyari pa sa gabing iyon ay walang maalala si Yolly. Basta nagising na lang siya na nasa silid na niya siya at masakit na masakit ang kanyang ulo. "Nay?" "Oh, buti at nagising ka na. Alas otso na." Biglang balikwas siya ng bangon. Alas nuebe kasi ang pasok niya ngayon sa klase. "Nay, bakit naman hindi mo ako ginising nang maaga?" Hablot agad siya sa tuwalya niya. "Aba'y akala ko kasi'y hindi ka papasok. Umuwi ka ba naman na lasing na lasing kagabi. Pasalamat ka at nagpaliwanag sa akin 'yong lalaking kasama mo at nakiusap na huwag kang pagalitan dahil kung hindi ay kakalbuhin kitang bata ka!" Natigilan si Yolly. Oo nga pala, nag-inuman sila ni Andy kagabi at ang saya-saya nila. Subalit hindi na niya maalala kung paano siya nakauwi. "Tingnan mo nga 'yang mata mo. Mugtong-mugto kasi para kang bata na iyak nang iyak nang aalis siya.” Awtomatiko na napatingin siya sa salamin. "Woaaaaah! Paano ako papasok nito, 'Nay?" at parang maiiyak niyang atungal dahil ang laki pala ng mga eyebags niya. Namumutok. "Ay, ewan ko ba sa 'yo at naglasing ka. Buti na lang at mabait 'yung kasama mong lalaki? Ano 'yun boyfriend mo? Inihatid ka niya kagabi, eh." "Si Andy po? Inihatid niya po ako?" Ngayon lang pumasok sa pang-unawa niya ang mga pinagsasabi ng ina. At sobrang napangiwi na siya. Naku naman, nakakahiya kay Andy. "Andy ba ang pangalan niya? 'Di ko na naitanong, eh, pero oo inihatid ka niya. Hindi nga umalis ng bahay hangga't hindi ka nanahimik at nakatulog. At hindi rin ako tinantanan kakahingi ng sorry kasi nalasing ka raw niya nang wala sa oras. Ipinaliwanag niya na sinamahan mo lang siya dahil may problema raw siya." "Ah, eh... opo. Hindi ko na kasi siya maiwan kagabi kasi baka kung anong maisipang gawin," pagsisinungaling niya. Hindi na kailangang malaman ng Nanay niya ang totoong nangyari at baka biglang sumugod ito sa Sanchi College. "Siya, siya. Basta huwag mo nang uulitin." “Opo.” Agad na siyang pumasok sa banyo, naligo, at nagbihis. Ang bilis ng bawat kilos niya. Kailangan niyang makapasok sa school para makausap si Andy, hihingi siya ng pasensiya. Bakit ba kasi hinayaan niyang malasing siya nang husto, eh? Kainis! "Nay, pasok na ako!" Takbo agad siya palabas. "Huwag ka na namang uuwi na lasing! Lagot ka sa 'kin!" "Opo!" Pumara agad siya ng taxi. Kahit malayo na mahal ang pamasahe sa taxi keysa sa jeep ay hindi na niya inisip 'yun. Ang makarating siya agad sa school ang importante ngayon sa kanya. "Kuya, puwede po pakibilisan po," mando pa niya sa driver. Ang bagal, eh. Lakad-takbo naman siya pagdating na pagdating niya sa Sanchi College. Animo'y may hinahabol siyang talaga. "Good morning, Yolly," bati sa kanya ng security guard. "Morning din po," bati niya rin. Kahit hindi na niya tingnan kung sino iyon ay alam niyang si Leandro iyon. "Dahan-dahan lang! Baka matisod ka! Maaga pa naman!" pahabol na sigaw sa kanya ng mabait na binatang guwardya. Kinawayan na lang niya ito. Ayaw niyang magsayang ng kahit segundo. Kailangang makarating agad siya sa classroom nila. Subalit anong pagtataka niya dahil ang daming estudyante sa may pinto ng classroom nila. Mga nakaharang. Parang may mga inuusisa o tinitingnan sila sa loob. Mas nagtaka pa siya dahil pati pala mga kaklase niya ay nasa labas din. "Anong nangyayari?" Kinalabit niya ang isang kaklase nila. "Sssh. Huwag ka raw maingay." "Bakit?" Nagkibit-balikat lang ang kausap niya. Hindi na siya sinagot kaya pinilit na lang niyang makisingit. Hanggang sa napalapit na siya sa pinto at naroon nakaharang si Patrick at iba pang barkada nito sa pinto. Ang nakapagtataka pa ay wala si Andy. Nasa'n 'yun? "Sabing tahimik kayo, eh!" saway ni Patrick sa mga maiingay na estudyante. "Anong meron?" takang tanong ulit niya sa nakatabi niya. "Nasa loob si Andy at natutulog. Kaya huwag munang maingay." Ang lakas ng "Huh?" niya kasabay nang pagbilog ng kanyang mga mata. "Dito siya natulog? Hindi siya umuwi?" "Oo yata kaya sabi ni Patrick ay hayaan muna siyang matulog tutal ay may fifteen minutes pa naman bago magsimula ang klase." Nakagat ni Yolly ang kanyang pang-ibabang labi. Kawawa naman si Andy. Mukhang may malaki talaga itong problema dahil hindi talaga umuwi. Ibinuntong-hininga niya ang guilt. Tulad kasi ng iba ay wala naman siyang nagawa kundi ang hintaying papasukin sila ni Patrick. "Ay, salamat akala ko late na ako," bungad ni Cristine. "Anong nangyayari rito?" At ito man ay nagtaka. "Nasa loob daw si Andy. Natutulog," sagot niya sa pinsan. Saglit lang ay dumating na ang kanilang professor sa unang subject nila. "Bakit hindi pa kayo pumasok?" nagtatakang tanong sa kanila. Hinayaan na sila ni Patrick lahat na makapasok. At anong panlulumo ni Yolly nang makita niya si Andy na nakalugmok ang ulo nito sa desk ng upuan at tulog na tulog. "Bakit kasi hindi siya umuwi? O kaya nakitulog na lang sana sa bahay?" sa isip-isip niya. Guilting-guilty siya habang patungo siya sa upuan niya. Tulad ng iba ay pasulyap-sulyap siya kay Andy. "Anong nangyari kay Pagdatu?" pansin naman agad ng professor nila sa nakatulog na binata. "Hindi po namin alam, Sir. Basta naratnan na lang namin na nandito siya at tulog," sagot ng isa sa mga unang kaklase nila na pumasok. Nilapitan ng professor si Andy at niyugyog. "Pagdatu, wake up." Umungol ang binata at nagising naman. "Sorry, Sir," ani Andy na pupungas-pungas. Pipikit-pikit pa rin. Halatang antok na antok talaga. Nahihiyang inayos-ayos nito ang buhok at mukha. At anong bulungan ng mga babae dahil kahit bagong gising ang binata at gulo-gulo ang buhok ay mas gumuwapo pa ito. "Magsisimula na ang klase," kaswal na sabi ng prof bago talikuran si Andy. "Dude, what on earth happened to you?" usisa naman ni Patrick kay Andy sa mahinang boses. Napatingin si Andy sa may bandang upuan ni Yolly at napangisi siya nang makita niya ang dalaga roon. Matibay rin pala si Yolly sa inuman dahil nakapasok pa rin. Nice. "Bangag ka ba?" tanong pa ni Patrick. "Napasabak sa inuman," tipid na sagot niya sa kaibigan habang napapahikab. Nagsimula nang mag-lecture ang kanilang prof. "Umuwi ka na lang kaya, dude? Hindi ka pa yata umuuwi, eh," concern na sabi na naman ni Patrick. "I don't want to go home, dude. Don't worry, I took a shower at a hotel," aniya habang sinusuklay-suklay ang buhok sa pamamagitan ng mga daliri. "Andy, oh?" Inabutan siya ng suklay ni Karen. "No thanks," ngiting tanggi niya dahil okay naman na ang buhok niya. "Hulaan ko nasa bahay niyo si Cindy kagabi kaya hindi ka na naman nakauwi, tama ba?" anang ni Patrick. Tumango siya at umupo na nang tuwid. Napapatingin siya kay Yolly pero si Yolly hindi man lang lumilingon sa kanya. Ano 'yun dedma na sa kanya? Pagkatapos ng lahat? Tsk! "'Yan ang mahirap sa pogi, eh," biro ni Patrick sa kanya. "But seriously, uminom kang mag-isa? Why didn't you call me?" "Nope. May kasama ako," tugon niya. Simpleng sulyap na naman ang ginawa niya kay Yolly. This time, he was trying very hard to suppress his laughter. Naalala niya ang kakulitan ng dalaga kagabi. "Sino?" Pilyong ngiti na lamang ang isinagot niya sa kaibigan. "Read that story and later I will ask you what lesson can be learned from it," anang prof nila na nagpatahimik sa kanila. "Ano ba 'to?! Mga puyat ba lahat ng estudyante ko ngayon, ha?!" Pero hindi nagtagal ay biglang tayo ang prof at pumanaywang sa harap ng klase. Galit na galit. Nagtaka ang mga estudyante, pero nang makita nila ang ikinagagalit ng professor nila ay napanganga na silang lahat. Si Andy kasi ay tulog na naman sa desk nito. At ang nakapagtataka'y pati na rin si Yolly. Dalawa na silang tulog sa klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD