Chapter 9: Major make-over

1263 Words
The next day... Hannah’s POV Pagkapasok ko isa classroom, agad kong pinuntahan ang sorority members sa likod. "Masaya ka ata sis?" nagtatakang tanong ni Frannie. "Kasi, may good news ako." sabi ko naman at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Ows? Ano yun?” Jillian "Nagawa ko na ang step 5." "ANOOO???!!!!!!" lahat sila. Tinakpan naman ko agad ang magkabilang tenga. "Oy easy lang! Ang dami niyo kaya!" "Paano???" Winona "Wait. Mamaya mo na i-kuwento sis kasi nandyan na ang gayfriend---- este, boyfriend mo at mukhang ready ng landiin ni Stacey kaya go na." Ria Lumingon ako sa may pintuan. Lalapit na sana si Stacey kaya tumayo agad at nagmadaling pumunta sa tabi ni Christiana at binangga ang braso ni Stacey. "Hi Honeybunch! Good morning!" bati ko sabay pulupot ng braso ko sa braso ni Christiana. Napawi ang ngiti ni Stacey at tinaasan pa ako ng kilay. Tinaasan ko rin siya ng kilay sabay roll eyes. "Anong---" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Christiana kasi baka madulas ang dila niya. "Tara honeybunch, upo na tayo." sabay hila ko kay Christiana papunta sa upuan niya. Nagtransfer rin ako ng sa tabi ni Christiana so that means, nasa gitna siya namin ni Stacey bish. Umupo na rin siya. "Psst sis." bulong ni Christiana sakin. "Shh! Usap nalang tayo mamaya!" Maya-maya rin ay nagsimula na ang klase. "Class, we will have a faculty meeting this afternoon so classes will be suspended at 2pm." ang magandang balita ni Ma’am kaya syempre happy. "YES!!!!" "WOHOOO!!!!" *** Stacey's POV Why is this Hannah girl so epal? Dikit ng dikit sa fiancee ko eh. Palabas na sila kasama ng iba pang mga girls ng nagsalita ako. "Wait." they stopped naman. Lumapit ako kina Hannah at Christian. "Hey girl, sabay kaming mag lu-lunch ng fiancee KO." sabay hawak sa kaliwang braso ni Christian at hinila papalapit sakin. Hannah's POV Hinila ko rin ang kanang braso ni Christiana papunta sakin. "Well, I don't care kung fiancee ka niya kasi he doesn't like you. Pero ako? Girlfriend niya kasi mahal niya ako so let go kasi kakain pa kami ng Honeybunch ko." Nagulat naman ata siya sa sinagot ko kaya napabitaw. Buti nga sa kanya. Hmph. Nakarating na nga kami sa canteen. "Grabe ka sis ah!" Rose "Talaga! buti nga sa babaeng yun!" Bea Nagtawanan lang kami tsaka nag-apir at paglingon ko kay Christiana, nakatingin siya sakin ng nakataas ang isang kilay. Nginitian ko lang siya tsaka nag peace. Ng matapos kami, pinasama ko si Christiana sa locker ko at nauna na ang sorority so kaming dalawa na lang. "OMG. Sila na ba talaga?" "Hala, bagay sana kaso bakla naman yung guy?" "Oo nga! Gwapo sana!" "Pare, sayang oh. Naunahan ako." "Oo nga eh. Swerte ng bakla kay Hannah." Sari-saring comments ang mga naririnig namin habang naglalakad. "Haba ng hair mo sis ano? Popular talaga. Maraming interesado sayo." "Syempre. Maganda kasi ako kaya nga ang syempre mo diba?” sabay flip ng hair. Arte lang pero bagay naman sa magaganda ang mag-inarte. "Asus! Ang hangin! Baka liparin tayo! Di hamak naman na mas matimbang ang beauty ko sa beauty mo." "Whatever!" Pagkatapos namin kumuha ng gamit, bumalik na kami sa classroom. Nakakatuwa talagang kasama ‘tong si Christiana kasi ang daldal at halos di maubusan ng topic. *** "Alis muna kami ng BOYFRIEND ko." paalam ko sa sorority at nakatingin samin si Stacey. Insecure yan eh. "Saan ang punta niyo?" Jane "Sa mall. Magde-date." "What?!" pag-rereact ni Christiana kaya siniko ko. "Tumigil ka diyan. Nakatingin si Stacey." bulong ko sa kanya tapos ngumiti ulit. "So Honeybunch, let’s go? Sige girls, mauna na kami." sabi ko. Tumango naman sila at kumaway yung iba. Maya-maya nakarating na kami sa mall. "Oh ano na sis?" Pumasok kami sa department store at dumiretso sa men's wear. "Oh my... don't tell me." "Korek ka diyan. Hehehehe." Third Person's POV Tatakbo sana si Christiana pero nahawakan ni Hannah ang kwelyo ng polo niya. "Let me go!" pagpupumiglas nito. "Ayoko. Dali na! Isukat mo na ‘to! Bilis!" "No way! Masyadong boyish yan! Iwww!!" "Sige ka, malalaman ng Daddy mo ang totoong kulay mo tapos ipapakasal ka kay Stacey." Napatigil si Christiana at umayos ng tayo. "Akin na nga yan!" sabay hablot sa polo at pants na hawak ni Hannah. "Good!" Umupo si Hannah sa may gilid habang hinintay si Christiana na lumabas. Pagkalabas nito, nabitawan ni Hannah ang hawak na magazine. "Uy sis! It's rude to stare! Ano na?" “Okay na eh. Gwapo ka na. Okay na okay na talaga kaso nagsalita ka pa. Naalala ko tuloy na bakla ka." Pumili pa si Hannah ng mga damit para kay Christiana pati narin perfume na panlalaki tsaka sapatos, bonet, sunglasses etc.. Pinakuha ito ni Hannah sa driver niya para dalhin sa sasakyan nila. "Sis, nagwawala na ang mga bulate ko sa tiyan." "Hahaha! Sige, kain na nga lang muna tayo!" sabay hawak ni Hannah sa kamay ni Christiana papunta sa isang restaurant. Hindi alam ni Christiana kung bakit hindi siya umayaw o kung ano ba. Kumuha sila ng table for two at umorder. Ng kumakain sila, napansin ni Christiana na may icing ng cake sa gilid ng baba ni Hannah. "Sis,”sabay turo sa gilid ng labi niya. "Huh?" "May ano. Dito.” turo ulit sa gilid ng labi niya. "Ano nga kasi?" Kumuha na lang si Christiana ng tissue tsaka pinunasan nito ang gilid ng labi ni Hannah. Napatigil si Christiana ng namalayan niya na nakatitig pala siya sa mukha nito. Umiling iling pa. "Oh ayan sis. Waley na." sabay kain ulit. Matapos mabusog, dinala ni Hannah si Christiana sa isang salon kung saan pwede ang mga lalaki. "Ayy magpapa hot-oil tayo sis?" masiglang tanong ni Christiana pero umiling-iling lang si Hannah. "What can we do for you Ma'am, Sir?" tanong ng isang babae. "Magpapagupit ang boyfriend ko miss." Umangal na naman si Christiana pero pinilit na naman ito ni Hannah kaya wala na naman itong nagawa kundi pumayag. *** "My precious hair. Huhuhu." "Wag kang OA diyan. Mas okay na yan." 'Mas gwapo ka niyan. Syet.’ isip-isip ni Hannah. "Tara, magpapa-facial tayo." pagyayaya na naman niya. Pinatanggal muna ni Hannah ang mga nakalagay na make-up sa mukha ni Christiana at tsaka sila nagpa-facial. *** Ng matapos, napagpasyahan nilang umuwi na.Pinahatid na rin ni Hannah ang mga pinamili nila. Christiana's POV Haayyyy. This day is very stressful. Pagkabukas ko ng pintuan, nakita ko si Mom at Dad na nakaupo sa sofa. Okay, lalaki mode on. Lumapit ako sa kanila. "Good evening po." "Good evening son." Dad "good evening rin anak." Mom "Ba't ngayon ka lang? Tinext ako ni Stacey na 2pm lang pala kayo at hindi mo siya sinamahan. Why is that so? Kung ipapaalala ko ulit sa’yo, fiancee mo siya." Yung bruhang yun talaga. Sumbungera! Inggit lang yun kasi di ko siya gusto at---- wait.. ay nako, naloka narin ata ‘tong utak ko! "Nag-date kami ng girlfriend ko Dad." kibit balikat kong tugon. Maniwala kayo please lang. "Talaga anak? Who's the lucky girl?" tanong ni Mommy na halatang excited. "Sigurado ka Christian?" Dad "O-opo. Si Hannah Lee po." "Ohh! Sabi ko na nga ba eh! Si future daughter in law na bet ko!" "Kung ganoon, I want to meet her. Tomorrow." Ha????? "Oh? bakit?" "Ahh.. wala po Dad. Sige po. I'll tell her. Aakyat na po ako sa taas." Tumango lang naman sila. Pagkapasok ko, binagsak ko ang katawan ko sa kama. "Haayyyy nako, anubeeey." Tinext ko si Sis Hannah. 'Sis, gusto ka raw mameet ng parents ko.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD