Chapter 4: Step 2: Go to the Mall with Him

1272 Words
Hannah’s POV Saturday na ngayon at napagdesisyunan namin ng mga sisters ko na gagawin ko ang step 2. Kailangan kong maging ka close si Christian and in order to do that, dapat may time kami na kaming dalawa lang ang magkasama. Specifically… A date. Christian/Christiana’s POV Hii. My name is Christiana Montez, 16 years old, Philippines! Ang pinakamagandang dyosa sa balat ng earth. Ako ay kasalukuyang nag fa-f******k ngayon at tumitingin sa mga gwapong fafas. ako’y isang sirena~~ kahit anong sabihin nila bandera ko’y di tutumba~~~ Ringtone ko yan. Someone’s calling me. Si Hannah girl pala. “Christiana, the most beautiful girl on earth speaking?” (Christiana samahan mo naman ako oh!) “I’m busy noh. Why me pa talaga?” (Eehhh. Sige na please! Friends naman tayo at pareho tayong maganda. Mag sho-shopping lang naman tayo eh at alam kong magaling ka diyan.) Flattered naman ang beauty ko dun. Ahihihi. “Talaga lang, sige na nga.” (Okay! Susunduin moko?) “Ano ka? Ayoko nga. Ikaw ng pumunta dito.” (Tsk. Lalaki dapat gagawa niyan eh.) “Pwes, Hindi aketch isang fafa kaya gora kana dito.” (Fine! K. bye. See ya.) At binabaan ako. Ay iba den. Hannah’s POV Success na naman si ako. Hehe. Di bale ng ako ang susundo pero darating ang araw na siya na naman. One day but today, it will be me who will make sundo to him. Hayst. Nagbihis na ako at bumaba na. Nakita ko si Mommy na nagbabasa lang ng magazine habang nakaupo sa sofa namin. “Oh anak, bihs na bihis ah. Saan ang lakad mo?” “Mall lang po Mommy.” “Okay. Mag-ingat ka ha, pasama ka nalang kay Mang Pedring.” “Okay ma. Bye.” Tas hinalikan ko siya sa pisngi. Si Mang Pedring pala ang family driver namin. Sinabihan ko siya na magpapasama ako sa bahay ni Christian at papunta na kami roon. Montez’ Residence… Malaki din ang bahay ni bakla. Pindot ko sa doorbell nila. Bumukas naman yung gate. “Sino po sila?” tanong nung maid. “kKibigan ni Christian. Hannah nga pala.” “Ahh. Si Ma’am Christiana po? Pasok po kayo.” Antaray. Ma’am Christiana talaga? Pumasok na kami sa loob. Mayaman rin tong sina Christian ayun sa research ko. Ang family business nila ay mga restaurants na high class. Pinaupo ako sa living room nila kasi tatawagin pa raw nung maid si Christian. Inalukan pa ako ng juice pero tumanggi na ako. May babaeng may edad na pero maganda siya na pumasok. Tumayo naman ako. “Good afternoon po.” Bati ko. “Good afternoon rin hija. Maupo ka.” sabi niya. Mabait pala siya eh kahit mukhang strikta. Umupo ako at ganun rin siya. “Kaibigan kaba ng anak ko hija?” “Ah, opo.” "Ano nga pala ang pangalan mo hija?" "Hannah Lee po Mrs. Montez." "Ohh, you can call me tita Tina." "Ah, okay po Tita. Hehe.” Bigla naman siyang napahawak sa baba niya na parang nag-iisip ng malalim. "Alam mo hija, bagay kayo ng anak ko. Sa tingin mo ba may chance?" biglang komento niya. "P-po? Diba po becky ang anak niyo?" "Oo nga pero may posibilidad naman na tumuwid siya at sana ikaw ang makatuluyan kasi naku kaygandang lahi pag nagkataon." Nahihiya na natawa ako dun. Iba din trip ng Mommy ni Christiana. "Mommy! Ano na naman po ang pinagchichika niyo gay sisterlalu Hannah" at ayun dumating na bakla. "Ay wala, wala. Sige. Alis na kayo nak, Bye bye din daughter in law!" Ang kulit talaga. Hahaha. Nagpaalam na nga kami at lumabas na. *** Mall… "Oh saan na tayo pupunta?” tanong ni Christiana. "We are going to meet my fiance and ayoko sa kanya kaya dapat kang magpanggap na boyfriend ko. " deretsahang sagot ko. Wahaha. This is all planned afterall. Laging handa ako. “What??? Nooo waayy!" todo tanggi naman ang koya niyo este ate. "Pleeaassseee!" with matching pout. "Iww! Nakakaderder ka! Wag ka mag pout!" "Ililibre kita dito kahit anong gusto mo. Madali lang naman eh, magpanggap kalang. Pretty pleassee?" "Ayy nako te, hindi ako mahirap ano pero libre kamo? Kahit ano???" Tumango-tango ako. At ayun na nga’t napapayag ko rin naman. Christiana's POV Habang naglalakad kami ay nagboboyhunt naman ako. "Saang restaurant ba yan??" napatanong ako. "Ma-make-over muna kita!" "Ow?? Ang ganda ko na kaya, I don't need a make-over ano." "Hindi, i mamake-over kita bilang lalaki!" At napalingon ako sa kanya bigla. Bago pa ako makasagot, hinila na niya ang aking braso. Nooooo! Hannah's POV Bumili ako ng jeans na panglalaki tapos black polo na ang sleeves eh hanggang siko tapos binura ko yung make-up niya na pambabae kahit nagpupumilit siya na huwag tanggalin at tsaka nilagyan ko siya ng konting black eyeliner para cool tapos nilagyan ng wax at pinamessy ko ng konti yung buhok niya at... Oh la-la. Pogiiiiiiii. "What have you done to my feslalu. Huhuhu.” "Wag ng magreklamo. Galingan mong pag acting ha?" "Ugh. Fine. Malalagot talaga yang credit card mo kasi pinapahirapan moko. Let's go na nga." Naglakad na kami at pansin kong maraming tumitingin kay Christian. Pwes maingit sila kahit becky to, di naman nila alam. Ng malapit na kami sa restaurant, binulungan ko si Christian. "Ui, akbayan moko." "Ano?? Bakit?" bulong niya pabalik. "Para mukha talaga tayong mag syota." Pero yung mukha niya parang ayaw talaga. Sus ang arte, eh yung ibang lalaki nga---- ayy hindi PA pala to ganap na lalaki. Kinuha ko yung kanang kamay niya at pinaakbay sa balikat ko. Papalag pa sana siya pero siniko ko ng mahina. Pumasok na kami sa restau at ayun. Si James. pero.. binayaran lang talaga siya ng mga sisters ko para magpanggap na fiance ko. Ehehehe. Para lang makapanglalaki ng ayos si Christian at makakadate kami. Galing noh? Umupo na kami sa harapan ni James. Seryoso epek ang mukha naming tatlo. "Hi Hannah." Panimula ni James. "Hello James. Eto nga pala si Christian.. boyfriend ko.." "Nice to meet you papa---- I mean..” sabay tikhim ng bakla. “Nice to meet you pare." Tas naging boses lalaki na straight. Oh syet bagay. Si James naman, yung mukha niya parang naguguluhan at hindi inabot yung kamay ni Christian. "Panong boyfriend? What is the meaning og this Hannah??" James. "James, alam kong mag fiancee na tayo pero hindi kita kayang pakasalan balang araw kasi hindi naman kita mahal kaya nakipagkita ako kasi gusto kong klaruhin sa’yo ngayon." "Ano? Hindi pwede yan." tapos hinampas ni James yung lamesa. "Pare, humanap kana lang ng ibang fiancée kasi girlfriend ko to at pakakasalan ko rin ‘to balang araw." sabay akbay ulit sakin ni Christian. “Tara na Honeybunch." Sabi ni Christian at naunang tumayo tapos hinila ang kamay ko. Holding hands and I just literally froze with his actions. Kunwaring shock naman si James pero pagtalikod ni Christian nag okay sign nalang ako sa kanya meaning maayos yung pag-arte niya. Ng nakalayo layo na kami eh nagsimula ng maging bakla ulit si Christian. "Oh my gosh te! Ang gwapo pala nun?? Sayang! Akin nalang kaya???" Binatukan ko. "Ouch lalu! Nevermind na nga, magbibihis na aketch, nakakadiri itong suot ko." Kung alam mo lang kung gaano ka kagwapo diyan sa suot mo. "Wag na muna, kain muna tayo tapos ililibre na kita." "Tsk. Fine. Gutom narin aketch." Tapos kumapit ako sa braso niya. "Let go of me nga. Tapos na acting." "Ayaw." Kaya ayun dedma nalang siya. Hahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD