Rose's POV "Paano sis?" tanong ni Venus. "Hmm.. sige nga. Mag-suggest kayo ng mga paraan para makuha natin yung dalawa at saan dapat." sabi ko habang nakaturo yung black whiteboard marker ko. Oo nga pala't may white board kami dito sa office. "Sis! Sa isa sa mga classrooms kaya after class? Tapos sabihin nating may naiwan silang gamit dun!" suggest ni Jillian. Tumango naman ako at isinulat ang number one suggestion sa board. "Eh paano kung sa CR? Tapos sasabihin nating may nangangailangan ng tulong doon!" suggest ni Frannie. Sinulat ko ulit. "Sa gym kaya? At sabihin nating hinahanap sila ng PE teacher dahil may ipapagawa." suggest ni Ria. Sulat ulit. "Eh sa garden kaya?? Itali natin sa kahoy." suggest ni Jane na ikinatawa namin ng konti. Loka ‘to eh. "Hmm.. any more suggestions??" t

