Hannah's POV Dumidilim na pero nandito pa rin ako sa rooftop. Pinunasan ko ang mga luha ko tsaka tumayo at inilibot ang tingin ko sa paligid. Ang romantic ng background music kaya hindi bagay sa scenario. Umikot akot para tingnan at i-appreciate ang gawa ni Christian. First time sana naming i-celebrate ng tunay ang monthsary namin. Nasayang lang. Sinayang ko lang. Kumuha ako ng isang puting rose tsaka kinuha ko rin yung napekeng contract tsaka lumabas ng rooftop. Third Person's POV Bumaba si Hannah sa hagdanan ng rooftop ng parang wala sa sarili tapos naglakad sa hallway. Wala na siyang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanya. Nakita naman siya nina Frannie at Venus na naglalakad. Agad na lumapit ang mga ito. "Sis! Anong nangyari sa'yo?!" nag-aalalang tanong ni Frannie. Tinitiga

